CHAPTER 37

1.4K 61 11
                                    

"Shit! Troy!" sigaw ni Cone pagkarating namin sa loob ng bahay nila.

Pulang pula ang balat ni Troy at hirap na hirap makahinga habang buhat buhat ni Tito Great papunta sa sasakyan. Hinila ako ni Yanna papunta sa kotse ko at sumunod kami papunta sa pinakamalapit na ospital.

"What happened?!" nagpapanic na tanong ni Cone sa yaya ni Troy.

"Hindi ko ho alam" umiiyak na umiiling na sagot nito. "Hinila na lang ako ni Troy papunta sa kusina at sinabi niyang kakainin na niya yung regalo ng girlfriend niya tapos nung nasa kalahati na siya bigla na lang siyang namula at hindi makahinga"

Nagulat ako sa narinig ko.

"Girlfriend?" kunot noong tanong ni Cone saka tumingin sakin. "Pam, ano'ng binigay mo sa kapatid ko?" kalmado niyang tanong sakin ngunit may diin ang bawat salita.

"E-eggpie.." mahinang sagot ko.

Kitang kita ko ang pagtatagis ng bagang niya at ang pagkuyom ng mga kamao niya. Napapikit siya at huminga ng malalim ngunit puno na ng galit ang mga mata niya ng magtama ulit ang tingin namin. "Eggpie?!" mariing tanong niya. "Fvcking shit!" nag-iwas siya ng tingin at ginulo niya ang buhok niya saka umalis.

Tinawag siya ni Tita Honey pero sinabi ni Tito Great na hayaan na lang muna. Nanginig ang mga kamay ko at hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. "Shit! Kasalanan ko to!" I hissed in frustration.

"Pam, relax. It's not your fault" kalmadong sabi ni Yanna habang hawak hawak ako sa magkabilang balikat ng pigilan niya ako sa pagpapabalik balik sa paglalakad.

Umiling ako at tumingin sa gilid ko kung nasaan sila Tita Honey. Napahinga ako ng malalim. Kasalanan ko talaga to. Kung hindi ko sana naisipang magbake ng eggpie hindi sana maoospital si Troy. Tangina. Hindi ko alam na bawal pala kay Troy un. Kung alam ko lang, sana pala nagtanong muna ako. Syet.

"Maupo ka nga" utos ni Yanna.

Sumunod ako at naupo saka sumandal at pumikit. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko sa sobrang kaba. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Noon kasi nung si Mama ang nasa ospital wala pa akong malay. Bata pa kasi ako nung namatay si Mama, wala akong kaalam alam na mawawala na siya habang natutulog ako sa tabi niya. Huminga ako ng malalim at kinagat ko ang labi ko. Nagsisimula ng mangilid ang luha ko, nakakatakot.

Ilang oras na kami dito pero nasa loob pa rin siya ng emergency room. Si Tita Honey, walang tigil sa pag-iyak habang yakap yakap siya ni Tito Great. Si Cone hindi pa rin bumabalik simula ng umalis siya. Umiiyak na din sa tabi ko si Yanna pero hindi niya binibitawan ang kamay ko. Kasalanan ko to.

"Doc" mabilis silang nagsilapitan nung lumabas ng emergency room ang doktor na tumitingin kay Troy. "How's my son?" tanong agad ni Tito Great.

Bahagyang ngumiti ang doktor. "He's safe now. He just needed to rest but anytime soon magigising na siya. He have eaten too much egg kaya ganun ang naging reaksyon ng katawan niya but he's okay now. Pakiiwasan na lang sa susunod ang mapakain siya ng itlog. A bit of egg white is okay but never to egg yolk, please" sabi nito saka tinapik sa balikat si Tito Great.

Halos makahinga kaming lahat ng makuwag sa narinig namin pero hindi pa rin mawala ang panginginig ng mga kamay ko.

"Pasok tayo Pam" narinig kong sabi ni Yanna pero tumanggi ako.

Nagiguilty ako. Hindi ko kayang tingnan si Troy na nakahiga sa hospital bed ng dahil sa katangahan ko. Pinapasok ko na si Yanna sa loob pagkalipat kay Troy sa private room at nagpaiwan ako dito sa labas. Nakasandal lang ako sa upuan at nakapikit ng maramdaman kong may tumabi sakin.

"Pam.." hinawakan ni Tita Honey ang mga kamay ko. "Hindi ka ba papasok sa loob?" tanong nito.

Umiling ako. "Im sorry po.." huminga ako ng malalim at napayuko ako. Nakakahiya. Hindi ko sila kayang harapin. "Kasalanan ko po. Ako po yung may dala ng eggpie. Sorry po.. Hindi ko po alam na.."

Good To YouWhere stories live. Discover now