CHAPTER 43

1.5K 66 14
                                    

Naikuyom ko ang mga palad ko.

Nakatayo lang siya sa harap ko at kinakaway pa ang dalawa niyang malaking kamay. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero sa ngayon, kung sana talaga nakakamatay ang tingin at may laser beam ang mga mata ko, hiwahiwalay na ang katawan nitong panget na mascot na pandang to. Kingina niya. Ang lakas ng loob magpakita! Kumukulo talaga ang dugo ko.

"Sino ka?" tanong ko at nanatili lang akong nakatayo sa may pintuan.

Tumigil siya sa pagkaway at binaba niya ang dalawa niyang kamay at humakbang palapit sakin. "Sino ka?" tanong ko ulit.

Tumigil siya ilang hakbang malapit sakin, kinuha niya yung maliit na white board at marker saka nagsulat ng kung ano dito, pagkatapos, hinarap niya sakin ang whiteboard na may nakasulat na 'Hi!'

Nagcross arms ako at mas sinamaan siya ng tingin "Sino ka? Sasagot ka ba o tatanggalin ko yang ulo mo?!" naiinip na tanong ko.

Umiling siya saka nagsulat ulit sa whiteboard.

"I brought you food every lunch break, don't be so mean to me"

Mas lalong kumunot ang noo ko. Nasa isip ko si Raven to pero parang hindi. Kung hindi si Raven to, nasaan si Raven? Tss. Kingina kasi, ano bang pakulo to?!

"Tigilan mo ko Raven" naiinis na sabi ko saka tumalikod. Pero bago pa man ako makadalawang hakbang, naikawang na ng panget na mascot na panda ang dalawang kamay niya sakin na parang nakayakap mula sa likod ko.

Mabilis ko itong inalis at hinarap siya at hahawakan ko pa lang sana siya, nakahakbang na agad siya paatras.

"Do you want me to remove this?"  nakasulat sa whiteboard niya.

Hindi ako sumagot at nagcross arms ako habang nakatingin ng masama sa kanya.

"But promise me first that you won't punch me"

Umiling ako. Bakit ako mangangako sa kanya? Sino ba siya sa akala niya? Nag-aaksaya lang talaga ako ng oras sa kanya. Peste. At no. Hinding hindi ko maipapangako yang hindi pagsuntok sa kanya dahil yan ang talagang dahilan ng paghahanap ko sa kanya. Ang masuntok siya kaya bakit ko susunduin ang gusto niya?

Tinalikuran ko ulit siya pero kusa na akong napatigil sa paghakbang ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Pam.."

Nilingon ko siya at nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko inaasahan to. Hindi pumasok sa isip ko to. Tangina.

"Kikay.." humakbang palapit sakin si Cone habang hawak hawak niya ang ulo ng panda. Kagat kagat pa niya ang labi niya habang nakatingin sakin at parang nananantiya. "Aamin na ko" sabi niya ng makalapit sakin.

Nakatulala lang ako sa kanya. Tangina. All this time!

"Im sorry for not telling you" sabi niya at kinagat na naman niya ang ibabang labi niya "But I won't say sorry for stealing your first kiss" dagdag nito at lumabas na naman ang ngising aso niya.

Naikuyom ko ang mga palad ko at automatic na dumapo ang kamao ko sa pisngi nota "Gago ka ba?! Ang tagal kitang hinanap! Tangina. Ikaw lang pala! Ugh! At hindi ka talaga magsosorry na hinalikan mo ko?!" galit na galit na tanong ko.

Umiling siya habang hawak ang panga niya. "I won't" sagot nito saka ngumisi na naman.

"Ano? Gusto mo pa ng isang sapak?!"

"Hindi. Masakit kaya." sabi nito at tumawa pa "But it's okay if that what makes you calm. Im fine with it because I won't say sorry for making myself as your first kiss. Buti na lang ginawa ko yun, naunahan ko yung suitor mo" nagmamalaki pang sabi nito at mas lumawak ang pagkakangisi.

Sinamaan ko siya ng tingin "Pinagsasabi mo?"

"He stole kisses on you too, don't try to deny it. I saw it, I was there." sabi niya na biglang sumeryoso ang itsura "Tell me, mas gusto mo bang siya ang first kiss mo kesa sakin?" tanong niya na seryoso pa rin.

Pinagsasabi nito? Wala akong maintindihan! Peste.

"Ano?! Nahihibang ka na ba?! Wala akong gustong maging first kiss! Tangina! Bakit ba kasi sa dami ng babaeng pwedeng halikan? Bakit ako pa ang pinagtitripan niyo?! Tangina talaga!" Nahilot ko ang sentido ko. Hindi na yata nagana ng maayos ang utak ko.

"I'll tell you someday" sabi nito saka tumalikod sakin at hinubad na ang suot niyang mascot. "Maupo ka Kikay, kumain muna tayo.. Nagluto ako" sabi nito at lumapit sa mesa.

Kumunot ang noo ko ng mapansin ko ang loob ng treehouse. Puno na ng mga gamit, pwede na ngang tirahan o paupahan. Nadivert nito ang atensyon ko. Naupo si Cone sa sahig kung nasaan nakalagay ang maliit na table na ginagamit ng mga korean or japanese. Lumapit ako at naupo sa tapat niya. Bigla akong nagutom, lahat kasi ng nakahain paborito ko.

"Suhol na naman" sabi ko habang nakatingin sa mga pagkain sa mesa.

"Alam kong magagalit ka at alam kong ito ang katapat ng galit mo" nakangising asong sabi nito.

Hindi ko siya pinansin at nagsimula na kong kumuha ng lasagna. Tahimik lang akong kumain at hindi ko siya tinitingnan kahit ramdam ko ang titig niya. Hindi pa kasi talaga nagpoprocess ng maayos ang utak ko. Baka mamaya pa magsink in sakin lahat ng sinabi niya at mabuti na sigurong umuwi agad ako pagkatapos kong kumain dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya. Tangina first kiss ko yun e! First kiss! Hindi ko pinangarap na magkaroon ako ng first kiss! Nakakadiri! Iisipin ko pa lang na hinalikan ako ng hampaslupang apang to..

"Tangina!" naisigaw ko at nahampas ko ng malakas ang table.

"Pam! Oh, God! You'd just gave me a mini heart attack! Bakit ka ba bigla na lang nagmumura dyan?" tanong ni Cone.

Sinamaan ko siya ng tingin at dinuro ko siya ng tinidor "Ikaw! Ugh! Hindi ko matanggap! Hindi talaga!" tumingin ako sa labi niya "Tangina! Ugh! Yuck! Iisipin ko pa lang na hinalikan mo ko..Ugh! Kingina talaga!" napapikit ako at hinilot ko ang sentido ko.

"Kikay.."

"Wag mo kong kausapin. Hindi kita mapapatawad!" sagot ko habang nakapikit pa rin.

"Tss. You won't forgive me pero dun sa manliligaw mo okay lang" Mahinang sabi nito pero narinig ko naman kaya dumilat ako at sinamaan siya ng tingin.

Anong pinagsasabi niya? Kelan naging okay sakin na hinalikan ako ni LWB?!

"Fine then" sabi nito na seryosong seryoso saka tumayo "Sa labas lang ako. Ubusin mo yan" dagdag pa nito bago lumabas ng treehouse.

***★***

**Sorry for short update. But this is one of the important chapter though.

Good To YouWhere stories live. Discover now