CHAPTER 39

1.7K 74 22
                                    


"Bakit ang pula pula ng mukha mo?" tanong agad ni Yanna nang pagbuksan niya ko ng pinto sa bahay nila.

Tuluy tuloy lang akong pumasok at naupo sa sofa saka hinilot ang sentido ko habang nakapikit. Nawala na ata sa katinuan ang utak ko dahil sa lintik na halik na yun! Peste.

"Drink. Sinong kaaway mo? Mukhang badtrip ka" sabi nito
sabay abot sakin ng isang basong tubig.

Inisang lagok ko ang tubig. Naubos ang energy ko sa pagsigaw at pagkainis. Umupo sa tapat ko si Yanna at tinitigan ako na parang iniexamine kung ano'ng mali sakin.

"Tss"

Tumaas ang isang kilay niya. "Bakit ang pula ng lips mo?" biglang tanong nito.

Nag-iwas ako ng tingin. Ayokong sabihin sa kanya ang nangyari dahil ibinaon ko na agad yun sa hukay.

"May hindi ka sinasabi sakin. How kind of bestfriend you are!" she whinned.

Napailing nalang ako.

Nagpatuloy siya sa pangungulit ngunit hindi ako nagpatinag. Walang makakaalam nun. Bubugbugin ko ang Ian na yun kapag pinagsabi niya sa iba. Makikita niya.

"Fine! I give up!" tinaas niya ang dalawang kamay niya na parang hinohold-up. "Anyways, have you talk to Trystan?" pag-iiba bigla nito ng usapan.

Tumaas ang magkabilang kilay ko "Hindi pa" sagot ko habang umiiling.

I sighed. Muntik ko ng makalimutan na kailangan ko pang humingi ng sorry sa kanya. Hindi na siguro ako nun mapapatawad dahil sa nangyari sa kapatid niya pero atleast dapat makapagsorry ako.

"As in no? Seriously? Tito was worried kaya pinahanap ka niya kay Trystan, then he told us that we don't have to worry because you're in a safe place"

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

Isang iling lang ang sinagot niya at kumunot ang noo na tila nag-iisip. "Anyways, I met you're future stepmom earlier, she's kind naman and I think magkakasundo kayo when the time comes" sabi niya bigla at naupo sa tabi ko.

Kumain lang kami ng spaghetti at cheese bread tapos tumambay lang muna ako sa kwarto niya dahil ayoko pang umuwi. Hindi na din naman ako tinawagan ni Papa siguro nasabi na ni Yanna na nandito lang ako.

*

"Mukhang sad si Tito, hindi mo siya pinapansin no?" sabi ni Yanna pagkapaandar ko ng kotse.

Umiling lang ako. Marami ng estudyante pagkarating namin sa school. Tuluy tuloy lang kami sa classroom at nagkakagulo sa loob. Masama ang kutob ko dito, panigurado, isa sa mga asungot sa buhay ang nasa loob kaya ganyan na naman ang mga kaklase kong babae.

"Ang aga aga. Tss" nasabi ko na lang pagkapasok namin.

"Oh! Si Ian" sabi ni Yanna at nagsipaglingunan samin ang mga magkakagulo sabay tumahimik ang kapaligiran.

"Pamela" ngiting ngiting sabi ni L--Ian. Peste.

Tumayo siya sa upuan ko at lumapit sakin sabay abot ng isang malaking box ng chocolate.

"For you.."

Tinitigan ko lang ang box at nung magtagal, kinuha na ni Yanna tapos siniko ako sa tagiliran. "Thank you daw" sabi nito.

"Wala akong sinabi, hindi ko nga tinanggap" sabi ko sabay upo na sa upuan ko.

Nagpasalamat ako nang dumating na ang professor namin kaya umalis na si L--Ian. Tsk. Nakinig ako sa lecture at hindi ko pinapansin ang kanina pa kulbit ng kulbit na si Yanna sa tabi ko.

Good To YouWhere stories live. Discover now