CHAPTER 10

3K 130 8
                                    

The father's love sometimes taken for granted. We don't usually realized how endless, beyond great it is until we've seen it. Father's love proven the words 'Action speaks louder than words'.

xxxxxzxxxxxx

"Wow!" bungad ni Papa pagkababa ko ng hagdan.

Wala akong sinabi at inirapan lang siya.

"Let's go my princess" naglahad si papa ng kamay habang abot tenga ang ngiti.

"Tss"

Inabot ko ang kamay ni Papa. Isinabit niya ang kamay ko sa braso niya saka kami sabay na naglakad hanggang sa sasakyan.

Tahimik lang ako. Nangangati kasi ang mukha at buong katawan ko.

Nyemas. Allergic talaga ako sa dress at make up! Tsk.

Ilang minuto lang at huminto na ang sasakyan.

Sinasabi ko na nga ba, iba ang ibig sabihin ng intimate dinner kay Papa. Tsk.

Bumaba ako ng kotse. Bumungad sakin ang maraming mesa at upuan na may magagarang palamuti at kulay pink lahat ng nasa paligid.

Nainis ako.

"Papa!" sigaw ko pagbaba ni Papa ng sasakyan. "Anong ibig sabihin nito?" tanong ko kahit ineexpect ko na talaga to.

"Can't help it. You can't blame me for wanting to give the best for you" sabi niya.

Inirapan ko na lang siya. Panigurado magdadrama na naman siya pag may sinabi pa ko.

Sinalubong kami ng isang babae na nagpakilalang event organizer. Dinala niya ko sa isang kwarto at sinabing wag muna akong magpakita sa mga bisita.

Wala pa naman tao siguro ay maaga pa kami.

Kalahating oras akong nakaupo lang at kating kati na akong umalis at hubarin tong nakakairitang damit at burahin ang make up ko.

"You're party will gonna start in 5 minutes. Are you ready Pam?"

Kingina. Hindi! Hindi ako ready! Gusto kong isigaw pero para sa kotse ko, sige kunwari ready na ko.

Tumayo ako at puwesto sa may dulo ng hagdan. Nang tumapat sakin ang spot light, nagsimulang magpalakpakan ang mga tao.

Nakakasilaw kaya tinabing ko ang kamay ko sa mata ko.

"Go!"Sigaw nung event organizer.

Ayos to a. Sinigaw sigawan lang ako. Itulak ko kaya siya dito sa hagdan?

Huminga ako ng malalim saka nagsimulang bumaba ng hagdan, ng mabilis. Narinig ko pang sumigaw na naman yung organizer. "Slower Pam!"

Syet yan. Binagalan ko na dahil muntik na akong magpagulong gulong dahil sa lintik na sapatos na suot ko.

"Smile!"

Nilingon ko siya sa taas, at sinamaan ng tingin. Hindi siya binayaran ni Papa para utusan ako. Leshe.

Tumigil ako sa pagbaba ng hagdan. Leshe, nakakapagod ha. Bakit ba kasi napakahaba ng hagdan na to? At bakit ba kasi may hagdan pa? Kaartehan.

Na sakin parin ang spot light. At dahil ayoko sa atensyon, pinagpatuloy ko na lang ulit ang pagbaba ng lintik na hagdan. Ilang hakbang na lang at nakita ko sa pinaka dulo si LWB.

Anong ginagawa niya dito?

Nakatingin siya sakin at nakangiti. Sinamaan ko siya ng tingin.

Nakibit balikat lang siya saka nilahad ang kamay sakin.

Good To YouWhere stories live. Discover now