CHAPTER 30

1.8K 67 9
                                    

Maingay sa dining pagkababa ko. Nakita kong nagtatalo si Yanna at Cone sa table. Huminto lang sila nang maupo ako sa gitna nila.

"Kikay.." sinamaan ko agad ng tingin si Cone. "Masama ang gising" sabi nito nang lingunin si Yanna.

Tahimik kaming nag-almusal at ramdam ko ang pagsulyap sulyap ng dalawa sa akin. Binaba ko ang hawak kong kutsara at tinidor at tiningnan sila. "Ano yon?" tanong ko.

"Saan mo gustong pumunta? Sa beach or amusement park?" tanong ni Yanna.

Biglang kumunoot ang noo ko at tinitigan ko sila na parehong nakaabang kung anong isasagot ko.

"Anong kalokohan ba yan?" tanong ko.

"Just choose!" naiinip na sabi ni Yanna. "Beach please!" nagbeautiful eyes pa siya habang sinasabi yan.

"Hindi bagay sayo magpacute Yanna" sabi ko imbis na pumili ng lugar na gusto nila.

Inirapan niya ko. "Nakakainis ka! Tsk!" padabog niyang binalik ang tingin sa pagkain at doon binuhos ang galit. Kawawa ang hotdog. Tss.

Narinig ko namang tumawa si Cone sa kabilang gilid ko. "Sabi ni Yanna, if you choose the beach, pipilitin ka daw niyang magsuot ng bikini" sabi niya habang ngising ngisi.

Suminghap si Yanna at sinamaan ng tingin si Cone. "Stop it Trystan! Ang daya mo! Why did you tell her?!" naiinis na sigaw niya sa pinsan niya.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin kay Yanna. "Yanna" sumandal ako sa upuan ko at nagcross arms.

Tumingin naman sakin si Yanna at na peace sign. Tss.

Ako? Pagsusuotin niya ng bikini? Lulunurin ko muna siya bago mangyari yun. Peste.

"I won't do that promise!" tinaas pa niya ang kanang kamay niya na parang nagpapanatang makabayan.

"Tsk. Amusement Park" sabi ko saka pinagpatuloy ang pagkain.

"Pam!"

"I knew it"

Sabay nilang sabi pero hindi ko na sila pinansin pa.

*

Pare pareho kaming nakaupo sa sofa at nanonood ng korean movie pagkatapos naming kumain. Naiinis lang akong manood dahil wala akong maintindihan at ayokong magbasa ng subtitles. Tsk. Bakit kaya ang tao, ang hilig pahirapan ang mga sarili pwede naman kasi tagalog o english na pelikula, makikinig at manonood ka na lang. Tss.

"Anong oras na tayo aalis?  Naiinip na ko" sabi ko habang nkahilig sa backrest ng sofa at nakapikit. Inaantok lang ako sa pelikula.

"10AM pa kasi ang bukas ng E.K pero two hours ang byahe, so I think we need to get ready" sabi ni Cone.

Tumayo agad ako at pumunta sa kwarto ko. Mabilis akong naligo at nagbihis ng malaking tshirt, loose pants at converse. Pagbaba ko, nakita ko agad sa sala si LWB habang prenteng nakaupo sa sofa.

"Bakit nandito ka?" tanong ko ng makalapit ako.

Tumayo siya at nagpamulsa saka ngumiti sakin. "Yanna invited me" sagot nito.

Sinamaan ko siya ng tingin pero mas lumaki lang ang ngiti niya. Napailing na lang ako at naupo sa armchair sa kabilang dulo. Sumunod naman siya at naupo malapit sa tabi ko.

"Im happy I would be able to spend time with you. Bakit niyo pala biglang naisipan pumunta sa Enchanted?" tanong niya.

Sumandal ako sa backrest ng armchair at nagcross arms sabay tingin sa kanya. "Tanungin mo sila" walang ganang sagot ko.

Tumaas ang dalawang kilay niya. "Sila? May iba pa tayong kasama?" nagtatakang tanong niya.

Hindi na ko sumagot ng nakita kong papalapit si Cone samin at naupo sa tapat ko. "Nandito ka pala" sabi nito kay LWB habang nakangising aso.

"I see.." bulong naman ni LWB.

Nakita ko si Cone na nakatingin sakin habang nakangising aso kaya sinamaan ko siya ng tingin pero mas lumaki lang ang ngisi niya na parang nang-aasar. Problema nito?

"Kumpleto na pala tayo. Let's go!" sabi ni Yanna pagkababa niya.

Nauna na kong tumayo sa dalawa at nilapitan si Yanna.

"Dude, yung sasakyan mo na lang ang gamitin natin. Tinatamad akong magdrive e" narinig kong sinabi ni Cone sa likuran namin.

"It's fine" sagot ni LWB.

Nilingon ko sila at nakita ko na naman ang ngisi ni Cone sakin. Kingina, mamaya masusuntok ko na lang bigla to kapag hindi niya tinigil ang pagngisi niya.

"Kung tinatamad ka palang magdrive bat ka pa nagyayang umalis?" tanong ko.

"Meron na kasing driver kaya bigla akong tinamad" kibit balikat na sagot nito.

Umiling na lang ako at hindi na siya kinausap. Dumaretso kami sa tapat ng sasakyan ni LWB at pinatunog naman agad niya ito para makapasok kami. Sa backseat ako naupo, inunahan ko na si Yanna para wala na siyang masabi. Kilala ko kasi yan, maninipulahin na naman niya ang seating arrangement namin kung hindi aagapan.

"You should seat at the shotgun"  sabi ni Yanna pagkaupo niya sa tabi ko.

"At bakit?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Kasi si Ian ang driver. You have yo accompany your suitor" sagot nito habang ngiting ngiti

"Suitor my ass. Bakit hindi na lang ikaw? At pwede ba tigilan mo ko sa ganyan" naiinis na sabi ko sabay sandal sa upuan at pikit ng mga mata.

Minsan talaga nagsisisi na ko kung bakit ko siya naging bestfriend. Wala naman siyang ginagawa sa buhay ko kundi mang-asar. Tss.

"How can you have a boyfriend kung ganyan ka?" tanong niya.

Dumilat ako at tumingin sa kanya. "Bakit? Ikaw, may boyfriend ka ba?" walang ekspresyong tanong ko.

Inirap niya ko "Ibang usapan ang lovelife ko. Ako in love, but you? Ayaw mong mainlove."

"Tss" hindi ko na siya pinansin. Walang kwentang usapan.

Aanuhin ko ba ang lovelife? Kung ibabase ko yun sa mga nababasa kong libro at napapanood ko sa mga pelikula, sasakit lang ang ulo ko. Boyfriend? Problema lang yun.

"Im telling you, Pam. Baka kasi mawala pa" pahabol pa nito.

Umiling na lang ako at pumikit.

Tahimik ang byahe. Hindi sila nag-uusap, pero wala akong pakialam. Mabuti nga yun at walang maingay.

"Pam we're here!" sigaw ni Yanna sa tabi ko.

Napailing na lang ako at bumaba ng sasakyan. Pumila kami sa ticket booth para bumili ng ticket. Maglalabas na sana ako ng pera ng pigilan ako ni LWB at sinabi niyang siya na ang sasagot sa tickets namin. Hindi na ko nagreklamo. Sino bang tumatanggi sa libre?

"Tss" napalingon naman ako kay Cone na umiiling pero nung nakita niya kong nakatingin sa kanya bigla siyang ngumising aso "Dapat pala lagi natin siyang kasama para laging libre" sabi nito na tinutukoy si LWB.

Hindi ko na lang sila pinansin nang maabot na sakin ang ticket ko. Tuluy tuloy lang ako sa entrance at inabot sa staff ang ticket para mailagay sa wrist ko at matatakan ako. Alas diyes na ng umaga kaya mainit, pero ayos lang sakin kaya Yanna, obviously, hindi.

"Flying fiesta muna tayo!" excited na sabi ni Yanna.

Naglalakad kami papunta sa flying fiesta ng may humigit sa braso ko kaya napahinto ako at napamura sa sobrang gulat. "Ay pest--" napahinto ako nang biglang ilagay ni LWB ang cap niya sa ulo ko at inayos pa ang buhok ko.

Tinitigan ko siya ng nagtataka at napansin niya iyon at nginitian ako. "Better?" tanong niya.

Good To YouWhere stories live. Discover now