CHAPTER 20

2.2K 104 16
                                    


Hindi na siya umimik at pinaandar na ulit ang sasakyan.

"San mo gustong pumunta?" tanong niya.

Hindi ako sumagot. Wala naman akong maisip. Si Papa at yung Stella lang ang laman ng utak ko.

Kakapakilala pa lang sakin ni Papa ang girlfriend niya tapos biglang magpopropose? Anong kalokohan yun? Kingina.

Okay sakin na maggirlfriend siya pero ang magpakasal ulit? Hindi pa ko ready.

I heaved a sighed.

Nagpaikot ikot lang kami sa buong subdivision. Wala akong sinabi at mabuti na lang na naisipan din niyang itikom ang bibig niya. Ito ang pinakaunang pagkakataon na hindi ako nainis sa presensya ni LWB.

"Uuwi na ko" sabi ko ng medyo kumalma na ko.

"I don't mind running out of gas" sabi niya.

Hind ko siya pinansin. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana hanggang sa matanaw ko na ang bahay namin.

"Thanks" sabi ko saka bumaba ng kotse.

Ngumiti siya at tumango.

Hindi ko na siya hinintay makaalis, tumalikod na agad ako at pumasok sa gate.

"Pamela!" sigaw ni Papa ng makita akong pumasok ng bahay.

Nilapitan niya ko at niyakap. Nilingon ko ang paligid at nakahinga ako ng maluwag nang makitang walang ibang tao bukod kay Papa.

"Saan ka ba galing? I was worried!"

"Nagpahangin lang."

Bumuntong hininga siya. Alam niyang kahit anong gawin niya, hindi ako magpapaliwanag.

"Kikay?"

Napalingon agad ako at sinamaan ng tingin ang bagong dating na si Cone.

"Anong ginagawa mo na naman dito?"

Pero imbis na sagutin ako, inakbayan niya ko at hinila paakyat ng hagdan hanggang sa makarating kami sa kwarto ko.

Siniko ko siya dahilan para matik na maalis niya ang braso niya sa balikat ko.

"Tss. Where have you been?" Tanong niya nang hindi ininda ang pagsiko ko.

Hindi ko siya sinagot. Kumuha ako ng damit sa closet ko at pumasok sa banyo para nagshower nang mahimasmasan. Paglabas ko, nandon pa din si Apa na nakahiga sa kama ko.

"Sino ang may sabi sayong pwede kang humiga sa kama ko?"

"Wala nanang nakalagay na bawal humiga" ngumisi siya.

Hindi ko na ulit siya pinansin. Intelligent people ignore. Psh.

Lumabas ako ng kwarto pagkatapos magsuklay ng buhok.

"Oy"

Hindi ko pinansin ang nakasunod na parang asong si Cone.

"Kikay"

"Pam. Pansinin mo ko huy"

Tuloy tuloy lang akong naglakad na parang walang naririnig. Wala ako sa mood, at kapag naubos ang pasensya ko sasapakin ko ng isa sa mukha tong apa na to.

"Kikay!" sigaw niya.

Kingina. Nilingon ko siya at sinaman ng tingin.

"Pwede bang manahimik ka? Umawi ka na nga sa inyo!" naiinis na sigaw ko pabalik.

Nagpout siya bigla. Sarap sapakin. Leshe.

"I was worried, san ka ba galing?"

Hindi ko na ulit siya pinansin.

Good To YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя