CHAPTER 11

2.8K 121 6
                                    


Hindi pa man ako nakakarecover sa pagkashock ko, namalayan ko na lang na tangay tangay na ako ni Cone palayo kay LWB at kay Papa.

Tumigil kami sa tapat ng nakaparadang pulang Audi saka niya ako binitawan.

Humalukipkip siya at sumandal sa Audi saka ako tinignan mula ulo hanggang paa at tumititig sakin tapos ngumisi ng ngising aso.

Kinginang yan.

Sinamaan ko siya ng tingin. Alam kong mang-aasar na naman to.

"Anong ginagawa mo dito?" naiinis na tanong ko.

"Woah! Chill! Invited din ako no. Medyo na-late nga lang" sagot niya na hindi matatanggal ang ngising aso niya.

"Anong eksena naman to? Bakit mo ko hinila?"

"Wala lang. Gusto ko lang bumati ng happy birthday" kibit balikat na sagot niya.

"Okay" sabi ko sabay talikod sa kanya.

Pero bago pa ako makahakbang, nahawakan na niya agad ang braso ko.

"Wait!"

Humarap ako sa kanya at tinignan siya ng masama.

"Ano na naman?"

"Tara!" saka niya ko hinila palapit sa Audi niya.

Binuksan niya ang pinto "Sakay"

"Bakit naman ako sasama sayo?" sinamaan  ko siya ng tingin.

"Don't you want to use your new car?" nakangising asong sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko.

Nyemas. Kotse ko?

Eto na ba yun? O baka naman ginugood time ako ng apang to. Subukan niya lang at makakatikim siya ng kamao.

"Hindi ka naniniwala? May susi ka di ba? Try it" hamon niya saka ako tinulak papasok sa driver's seat.

Hindi na ko nagdalawang isip pumasok. Gusto kong masiguro na akin nga talaga to.

Pagkapasok ko ng susi, bumukas nga ang makina kaya naman napakalakas na yes ang nasigaw ko.

"See?" sabi naman ng nakangising ako pa rin na si Cone na ngayon ay nakaupo na sa passenger's seat.

At dahil masaya ako, hindi ko na siya pinansin at nagsimula na akong paandarin ang kotse ko.

Wow! Ang sarap sa pakiramdam sabihin na 'kotse ko!'

"Wear your seatbelt first!" sigaw ng katabi ko.

Tss. Basag trip. Pero dahil good mood ako, sige na, sinuot ko na ang seatbelt ko.

Now im ready.

Sinimulan ko ng paandarin ng mabilis ang kotse.

"Overspeeding!" sigaw ni Cone.

Wala akong naririnig ngayon. Nakatutok lang ako sa daan. 11:00 pm na kaya hindi ganun karami ang sasakyan na bumabyahe.

Kung saan saan ako lumiko nang hindi inaalam ang pupuntahan.

Bahala na. Ang mahalaga, nagdadrive ako.

Hanggang sa mapansin ko na nasa SLEX na kami.

Buti na lang alam ko to.  Mas gamay ko ang kalsada ng SLEX kesa sa NLEX.

"Where are we going?" tanong ni Cone.

Hindi ko siya sinagot. Wala akong balak tumigil. Gusto ko lang magdrive at ifeel ang kotse ko. Syet! Ang saya! Woah!

Good To YouWhere stories live. Discover now