CHAPTER 47

2K 74 11
                                    


Napakunot ang noo ko.

"Anong drama na naman to?" napatanong ko na lang kay Yanna.

Biglang sumama ang mukha ni Yanna habang nakatingin sa pinsan na papalapit samin. Umiling siya at sinamaan ng tingin si Cone.

"What did you do to her?" tanong ni Cone sakin na neutral lang ang expression.

Mas lalong kumunot ang noo ko at napatingin kay Ashley. "Anong ginawa ko sayo?"

Wala naman akong matandaan na may ginawa ako sa kanya. Pinapaalis ko lang siya sa harapan ko. Tsk.

"You hurt me! Pinagtulungan nila ako Trystan!" sagot nito tapos humagulgol na.

E baliw naman pala to e. Saan banda ko siya sinaktan? If she meant verbally, si Yanna naman yun. Tsk.

"Kelan nangyari yon?" tanong ko.

"Don't try to deny it! You see this? Kinalmot mo ko!" sabi pa nito at pinakita yung braso na may kalmot.

Napatingin ako sa kuko ko. Masyadong sagad sa pagkakagupit ang kuko ko para makakalmot ng ganyan. At kingina, hindi ako pusa para mangalmot. "Kakagupit ko lang ng kuko" sagot ko na lang.

Yung totoo, nagaaksaya siya ng panahon sakin. Anong gusto niyang palabasin? Na masama ako? Edi sige, pagbigyan.

"Liar! You hurt me! Sinabi ko lang na gusto kitang maging kaibigan but what did you do? Nainis ka sakin kasi sinabi ko na ayaw ka ng kasama ngayon ni Trystan tapos nagalit ka kaya kinalmot mo ko!" sigaw nito.

Nakapalibot na samin lahat ng kaklase ko. Si Yanna tahimik lang pero alam kong nagtitimpi lang. Napailing na lang ako habang dismayadong nakatingin sa kanya. Hindi ako pumapatol sa baliw. Tsk.

"Edi okay, sinabi mo e" I shrugged "Sinaktan ko siya. Okay na? Pwede na ba kayong umalis sa harap ko?" tanong ko habang nakatingin kay Cone.

"See? You heard that Trystan? I told you!" sabi ni Ashley.

Napailing na lang ako. Gusto kong matawa. Ganito na ba ang mga babae ngayon? Gagawin ang lahat kahit ikasama ng ibang tao para lang maagaw ang atensyon ng isang lalaki? Nakakahiya naman maging babae kung ganun, nadadamay ang mga inosente at may manners sa kabaliwan nila.

Nakita kong umiling si Yanna "The shows over, can you all move away now?" sabi nito.

Agad namang nagsialisan ang mga kaklase namin na nakapalibot samin, pero kumunot ang noo ko ng hindi umalis si Cone sa harap namin habang pinipilit siyang hilahin ni Ashley paalis.

"May kailangan ka pa?" tanong ko sa kanya ng nakakunot ang noo.

Tumingin siya sakin ng matagal tapos nagbuntong hininga saka umiling at hinila si Ashley palabas ng classroom. Sakto naman na dumating yung professor namin kaya hindi na sila nakapagchismisan tungkol sa nangyari.

"She's a freak! Goodness, bakit pa sinasamahan ni Trystan yung babaeng yun?" sabi ni Yanna habang kumakain kami ng lunch.

Apat na kami ngayon sa table, bigla kasing dumating si Raven at naupo sa tabi ni Yanna ng walang sabi sabi. Umirap lang si Yanna pero hindi naman nagreklamo.

"Iwasan niyo na lang" sabi ni Raven. "Damn, I miss this" sabi pa niya ng magsimulang kumain.

Pinanood ko ang pagtaas ng kilay ni Yanna habang nakatingin kay Raven. "Where's your best friend?" tanong niya dito.

Napatigil sa pagsubo ng pagkain si Raven saka tumingin sakin bago kay Yanna tapos nagkibit balikat at nagpatuloy ulit sa pagkain. Ano yun?

"And what's the meaning of that?" tanong ulit ni Yanna na magkasalubong na ngayon ang kilay at masamang nakatitig kay Raven.

Uminom muna ang huli ng tubig
bago umiling "I don't know. He cutted our classes kaya nga nandito ako kasi ayoko namang kumain mag-isa" sagot nito.

Umiling na lang si Yanna at hindi na ulit nagsalita. Tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos kami. Naunang nagpaalam na umalis si Ian kaya naiwan kaming tatlo. Mukha siyang nagmamadali dahil halos tumakbo na siya palabas ng canteen.

"Bakit?" kunot noong tanong ko nang makita kong nakatingin sakin si Raven.

"Sasagutin mo na ba yun?" tanong nito na mas lalo lang nagpakunot ng noo ko. "Si Ian, sasagutin mo na ba?" ulit nito ng hindi agad ako sumagot.

"Hindi" sagot ko saka tumayo at naglakad paalis.

"Wait for me!" sigaw ni Yanna.

Binagalan ko lang ang lakad ko para makahabol siya sakin. Hindi naman na sumunod si Raven samin at naiwan lang siya dun sa table namin.

"Ang aga pa, bakit bigla kang nagwowalk out dyan?" tanong ni Yanna.

Umiling lang ako at nagtuluy tuloy sa paglalakad.

"Why did I sensed something else?" tanong nito.

Hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating kami sa susunod na klase namin. Gaya ng sabi ni Yanna maaga pa kaya kami palang sa loob. Wala ako sa mood kaya naupo ako sa pinakadulo at sulok na upuan saka tumungo at pumikit. Naramdaman kong may naupo sa tabi ko pero alam ko namang si Yanna yun dahil sa amoy ng pabango niya.

"Bad mood" sabi niya at hindi na ulit nagsalita.

Alam niyang ayokong makipag-
usap kapag wala ako sa mood. Hindi rin naman kasi ako magsasalita kahit maubos pa ang laway niya.

Ang dami ng nangyayari. Naguguluhan ako, umeeksena pa yung Ashley na yun. Bakit ba kasi pinipilit niya kong isali sa issue nila ng apang yun? Ano bang kinalaman ko sa kanila? Peste lang.

*

"Pamela" tawag ni Ian pagkalabas namin ng classroom.

Umangat ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Nakatitig lang siya sakin at hindi nagsalita kaya kumunot ang noo ko.

"Ano?" hindi ko na natiis na itanong.

Humugot siya ng malalim na hininga saka ngumiti. "Can I asked you out?" tanong nito.

"No" mabilis na sagot ko.

"Please?" he pleaded.

There's a strain in his voice na hindi nakaligtas sa pandinig ko. Tinitigan ko siya pero bigla siyang umiwas ng tingin. "Sorry, sige.. Mauna na ko" biglang sabi niya saka nagsimulang maglakad palayo.

Bigla akong nakonsensya kaya hindi na ko nagdalawang isip na tawagin siya. Pakiramdam ko, kailangan niya ng kausap. Tumigil siya sa paglalakad saka tumingin sakin.

I sighed. "Saan ba?" tanong ko.

Kumunot yung noo niya kaya lumapit na ko sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko ulit.

Hindi agad siya sumagot at nakatitig lang siya sakin na parang pinaprocess pa sa utak niya yung tanong ko.

"P-payag ka na?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tsk.

"Pam!" sigaw ni Yanna sa likuran ko. "Iniwan mo ko.. oh Ian! What's with that face?"

"Ah.. Im asking Pam kung pwede kaming lumabas"

"Oh" tumingin sakin si Yanna "Go Pam. Sasabay na lang ako kay Raven." ngiting ngiti na sabi nito. Tsk.

Umiling ako at tiningnan ulit si Ian. "Saan nga?" ulit ko sa tanong ko. Kingina. Bakit ba ayaw niyang sagutin.

"OMG! Pumayag ka na pala! Wow Pam! Improving' singit ni Yanna.

Kingina. Ano to? Uulitin ko na naman yung tanong?

"Somewhere quiet" sabi bigla ni Ian at hinila na ko paalis. Nagulat ako kaya napasunod na lang ako sa kanya.

Good To YouWhere stories live. Discover now