CHAPTER 62

1.2K 66 8
                                    

Tahimik kami sa byahe pauwi sa bahay. Hindi ko maalala kung ano nang nangyari pagkatapos ng speech niya. Ang tanging naalala ko lang e nung sinabi niyang kailangan naming makausap si Yanna at Raven about something. Kung ano yun, malay ko ba?

Hindi ko alam ang sasabihin ko habang nasa sasakyan at lalong hindi ako makatingin sa direksyon niya kapag may sinasabi siya. Hindi pa rin kasi mapakali ang puso ko at hindi makamove on sa katotohanang mahal ako ng taong mahal ko. Kingina. Nakakadiri tong pinagiisip ko! Tsk! Ganito ba talaga pag inlove? Sa sobrang kakornihan nakakasuka na?

"Nagugutom ka ba? Gusto mong magstop over muna tayo o magdrive thru na lang?" tanong niya.

Huminga ako ng malalim. Tatanggi sana ako dahil alam kong hindi ako makakakain ng maayos dahil sa overflowing feels ko pero automatic akong tumango nung sinabi niya yung magic word na 'libre'.

Minsan, nakakainis din ako e no? Para akong patay gutom at hindi pinpakain sa bahay kaya lagi na lang umaasa sa libre. Peste. Ano bang nangyayari sakin? Simula ng inamin ko sa sarili kong inlove ako, naging ganito na 'ko. Ayoko nito.

"Drive thru?" tanong niya ulit.

Sinulyapan ko siya at buti na lang sa daan siya nakafocus. O-oo na sana ako kaso naisip ko kung paano siya kakain habang nagdadrive kaya sinabi ko na lang na magstop over kahit labag sa kalooban ko dahil gusto ko ng umuwi at magkulong sa kwarto.

Tumigil kami sa isang sikat na coffeeshop. Hinayaan ko na siyang magorder at dumaretso na 'ko sa table tutal mukha namang alam niya yung favorite ko.

Pinanood ko lang siyang pumila sa counter hanggang sa makaorder siya habang pinagiisipan ko kung aamin din ba ako.

"Gutom ka na no?" tanong niya nang may nakakalokong ngiti habang nilalapag sa harap ko yung inorder niya.

Hindi ako sumagot, sahalip, tinuon ko na lang sa cheesecake lahat ng atensyon ko na parang hindi siya nageexist, katulad ng ginagawa ko dati. Pero ang hirap na magkunwari na wala akong kasama dahil lahat yata talaga gagawin niya para lang mapansin ko siya. Bakit ngayon ko lang narealize lahat ng to? Ganito na siya dati pa kaya nga inis na inis ako sa kanya e. Ganun na ba ko kamanhid noon?

"I missed this," he murmured more to himself.

Nagkunwari akong hindi ko yun narinig pero tinamaan ako sa sinabi niya kasi aaminin ko, namiss ko rin to. Ayoko ng magdeny tutal sarili ko lang naman ang niloloko ko. Nakakamiss din ang asungot na 'to pero hindi ko sasabihin sa yun kanya.

"Kikay.."

Napahigpit bigla yung hawak ko sa tinidor nung bigla siyang magsalita. Kingina. Hindi ko gusto tong nararamdamam ko. Feeling ko makokorner ako.

"Bakit ang tahimik mo?" tanong niya.
I didn't answer. Ni hindi ko siya tinapunan ng tingin. Ayokong makita na yung nakakainis niya ngiting aso. Nakakaloko kasi. Ang sarap lapirutin ng nguso niya.

"Kikay"

"Tsk. Tigilan mo nga ko dyan sa kakakikay mo. May pangalan ako" sabi ko.

"Tumingin ka muna sakin"

Kapal talaga ng mukha ng hampaslupang apa na 'to. Akala naman niya susundin ko siya? Asa!

Hindi ko siya pinansin. Pero pinaglihi yata 'to ni Tita Honey sa gutom na bibe na putak ng putak kaya kahit dedmahin ko, hindi pa rin tumigil.

"Kikay, Kikay, Kikay, Kikay, Kikay, Kikay, Kikay, Kikay--"

Sinamaan ko siya ng tingin pero ang walanghiya, nginitian lang ako.

"Bakit ayaw mo sa Kikay? Bagay sayo.. Maganda," sabi nito ng diretsong nakatingin sa mga mata ko at may nakakalokong ngiti.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata pero mas lumaki lang yung ngiti niya habang humihilig sa mesa ng hindi pinuputol ang titig sakin.

Good To YouDär berättelser lever. Upptäck nu