CHAPTER 28

2K 84 5
                                    


"Hoo!" sigaw ni Cone pagkababa niya ng motorbike. "Akala ko mamamatay na ko e!"

Hinubad ko ang helmet ko at sinabit sa handle, sinunod naman ako ni Cone. Tumigil kami sa convenience store para bumili ng pagkain. Syempre hindi ako gagastos.

"Bumili ka na, hihintayin kita dito" sabi ko kay Apa.

Tinignan niya ko at sinamaan ng tingin. "May balak ka bang iwan ako dito?" sabi niya.

I rolled my eyes. "Kung may balak akong ganyan, edi sana hindi na ko umalis sa motor."

Tumitig muna siya sakin ng ilang saglit saka ngumiti. "Okay. I trust you" sabi niya saka pumasok sa loob ng convenience store.

Tss.

May isang salita ako at fair akong tao. Hindi ako patalikod lumalaban. Tss.

Ilang minuto lang, nakabalik agad si Cone at may bitbit na dalawang supot.

"Let's go" ngiting ngiti siyang lumapit sakin.

Nauna na akong bumalik sa motor at sinuot ang helmet.

"Pakisuot naman sakin yung helmet" sabi ni Cone.

Kinunotan ko siya ng noo. "Bakit ko naman gagawin yan?" sabi ko.

"Because I can't" sabi niya at pinakita sakin ang dalawang supot na hawak niya sa magkabilang kamay.

Sino ba kasing may sabing bumili siya ng marami? Isang Lays lang ayos na. Tss.

Napailing na lang ako at sinuot na sa kanya ang helmet. Ngiting ngiti ang mokong habang ginagawa ko yun kaya binatukan ko siya pagkatapos.

"Brutal ka talaga" sabi niya.

"Manahimik" sabi ko at sumakay na sa motor.

Akala ko hindi na siya makakayakap sa bewang ko pero ang ugok, nakagawa ng paraan. Kingina. Inipit niya sa gitna namin ang dalawang supot at pilit niyang inabot ang bewang ko. Hindi na lang ako umimik, wala din namang mangyayari. Kingina. Eto ang pinakaayaw ko sa lahat, ang walang choices! Kingina talaga.

Mabilis ko ulit pinaandar ang motorbike. Masaya kaya kapag mabilis. Saka walang masyadong sasakyan dito kaya ayos lang. At sana bigla na lang tumilapon tong nakasakay sa likod ko.

Tinigil ko ang motor sa tapat ng may pinakamalaking gate dito sa loob ng subdivision namin. Nasa pinaka dulo na to at may mga bantay. Inuto uto ko lang dati si Manong guard na papasukin ako noon dahil aksidenteng napunta sa bakod nila ang remote controlled helicopter ko. Nakita ako nung matandang babaeng may-ari nito at hindi ko alam kung paanong natuwa siya sakin at sinabi na pwede akong dumalaw dito kahit kelan ko gusto.

"Sa inyo to?" tanong Cone pagkalampas namin sa malaking gate.

"Hindi" sagot ko.

"Bakit tayo pinapasok ng guard without even asking anything?"

Hindi ko siya sinagot. Daming tanong. Tss.

Pinarada ko ang motorbike sa gilid ng kubo.

"Wow! Meron pa lang ganito dito?" sabi ni Cone at mabilis na bumaba at hinubad ang helmet.

Bakit ko nga ba siya sinama dito? Tss.

Bumaba na din ako at pinagmasdan ang manmade lake na napapalibutan ng maraming bulaklak at puno sa malayo naman makikita ang malaking bahay. Naupo ako sa may batuhan at nilublob ang mga paa sa tubig pagkahubad ko ng sapatos.

"Subukan mong magsalita at tatahiin ko yang bibig mo" sabi ko pagkaupo ni Cone malapit sa tabi ko.

Tahimik niyang inabot sakin ang Lays na binuksan na niya.
Tahimik lang din siyang kumakain sa gilid ko. Thank you Lord! Sa wakas. Katahimikan!

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon