CHAPTER 9

3K 114 3
                                    


"Sinong first kiss mo?" nanlaki na lang bigla ang mga mata ko sa tanong niya at hindi ako agad nakasagot.

Lalo pa niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko saka inulit ang tanong.

"Who was your first kiss?"

Wala pang nakakalapit sa mukha ko ng ganito. Yung halos magdikit na yung mga ilong namin at maduling na ko sa pagsalubong ng tingin sa mga mata niya.

"Wala pa no?" sabi niya saka sumilay na naman yung ngiting aso niya.

Kinagat niya yung ibabang labi niya tapos hinawakan niya ang baba ko. Lalo pa niyang inilapit ang mukha niya at itinabingi. Amoy na amoy ko na ang hininga niya.

Kinginang yan.

Sa talambuhay ko, ngayon palang may nakalapit ng maiksi pa sa centimeters ang distansya sa mukha ko!

Napalunok ako na naipikit ko na lang ang mga mata ko.

Tangna, ang hirap pag walang experience sa ganito, hindi ko alam ang gagawin ko, kinakabahan ako!

Naaamoy ko na ang hininga niya, alam kong sa maling kilos o buka ng bibig ko magdidikit na ang mga labi namin na ayokong mangyari! Kaya naman naikuyom ko ang mga kamay ko at handa na siyang sapakin ng bigla siyang nagsalita.

"Sorry, hindi ako humahalik e" biglang sabi niya saka lumayo sakin.

Kinalma ko muna ang sarili ko, bumuntong hininga ako saka nagdilat ng mga mata.

Nakatitig siya sakin na parang aliw na aliw sa nakikita niya kaya naman sinapak ko na! Wag na wag niyang ipapakita yang ngiting aso niya kung hindi ihuhulog ko siya dito sa puno. Tangnang apa yan.

Tumayo ako at bumaba na ng tree house. Hating gabi na kasi, gabi na nung umalis kami ng bahay, ewan ko ba naman kay Papa kung bakit pumayag na kidnapin ako ng hampaslupang apa na yon, hindi ba niya naisip na gabi na at yung sinabi niyang wag magpagabi e ibig sabihin bukas na kami uuwi? Hindi maaari!

"Wait!" narinig kong sigaw ng hampaslupang apa.

Tuluy tuloy lang akong bumaba ng tree house, mabuti na lang talaga naisipan ng may ari nito na pagawan ng hagdan, hindi pa naman ako marunong umakyat ng puno. Tsk.

"Pam! Hintayin mo ko! Where are you going?" sigaw pa rin niya.

Bakla siguro to? Sigaw ng sigaw, daig pa ko.

Nagpalinga linga ako sa paligid, madalim at liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa paligid. Pero wala akong pake! Kapag ganitong badtrip ako, wala akong nararamdamang takot sa katawan.

Nagsimula akong maglakad pero hindi pa man ako nakakalayo nang biglang kumulog ng malakas kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan.

Napatakip ako ng tainga. Kakasabi ko lang na kapag ganitong badtrip ako, wala akong kinatatakutan pero laging may exemption.

There's always an exemption for everything.

Takot ako sa kulog at kidlat. 

Napapikit na lang ako at pinilit na ipagpatuloy ang paglalakad para sa pride ko.

Pero tangna ang malas ko naman talaga. Kumulog na naman at hindi pa nakuntento dahil mas malakas pa kesa kanina kasabay ng nakakatakot na kidlat.

Naramdaman kong may mainit na kamay na humawak sa braso ko at hinila ako pabalik sa malaking puno.

"Akyat" sabi ni Cone.

Hindi ako nakinig at nakatayo lang ako kaharap ang malaking puno.

"Magkakasakit ka, akyat na" sabi niya.

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon