CHAPTER 48

1.9K 66 8
                                    


"Kaninong bahay yan?" tanong ko ng tumigil ang kotse.

"Our old house." sagot niya.

Agad na kumunot ang noo ko habang nakatitig pa rin sa malaking bahay. "Bakit mo ko dinala dito?"

Narinig ko siyang bumuntong hininga saka umiling at ngumiti. "I just want to show you the things that matters to me" sagot niya saka nagsimulang buksan yung padlock ng gate.

Malinis ang loob ng bahay, parang bagong pintura pa nga at parang may nakatira talaga kung wala lang sana yung mga puting telang nakatalukbong sa mga furnitures.

"Mom abandoned this place already. Gusto na nga niyang ibenta but she can't dahil sakin na nakapangalan to. I visit this place once a month to clean the whole house and I was thinking to move here after I graduated" sabi niya.

Nilibot ko ang paningin ko. Plain and empty ang ambiance ng bahay. May mga malalaking frames na nakabalot sa manila paper na nasa sahig, maluwang ang sala, puti lahat ang pintura ng dingding at kisame at may engradeng staircase. Kung titira dito si Ian, ibig sabihin siya lang mag-isa dito.

"Let's go upstairs, I'll show you my drawings" sabi nito at nauna ng humakbang paakyat ng hagdan.

Hindi ako nagdalawang isip na sumunod. Curious ako dahil nagdadrawing din ako, kaya nga architecture ang kinuha ko e.

"Welcome to my haven" sabi nito na may hand gesture pa pagkabukas niya ng pintuan sa pinakadulo ng hallway. "These are my treasures"

Pumasok ako sa loob at nilibot ang paningin ko. Puro portrait ng iba't ibang tao or inanimated objects. Cara de levigne, Johnny Depp na naka-Captain Jack Sparrow, squidward. "Teka, ako ba yun?" Kunot noong tanong ko habang tinuturo yung medyo malaking canvass.

"Uh, yeah.." sagot nito ng hindi makatingin sakin.

Tiningnan ko pa isa-isa yung sketch. Nakita ko dun si Yanna, Cone at Raven. Hindi ko alam pero napangiti ako.

"Charcoal?" tanong ko ng sinubukan kong idikit yung daliri ko sa canvass.

"Yes. I used the brush and charcoal instead of pencil. It was way easier"

"Bakit hindi paint?"

"I prefer black and white.
Colors mattered so much to me though. It means special. These people has a meaning to my life. You.. them, are part of my life" sabi nito saka tinuro yung canvass na nasa may bandang dulo "Meet my father"

Tinitigan ko yung canvass. Ito lang yung nag-iisang painting.

"Colors give life"

"Yung Mom mo?" I asked curiously.

Nag-iwas siya ng tingin at napunta sa nakatalikod na canvass na nasa sahig. Pupuntahan ko na sana yun para tingnan ng bigla niya kong pinigilan at niyaya na palabas.

"Hindi pa yun tapos. You know, I won't let you see it unfinished" sabi nito habang naglalakad kami pababa ng engrandeng hagdanan. "Dun tayo sa swing"

Hindi ako nagreklamo at sumunod lang sa kanya. Lumabas kami ng bahay at pinaupo niya ko sa swing habang si Ian, pumunta sa kotse niya para kunin yung snacks na binili niya kanina sa convenience store.

"Thank you" sabi niya pagkaupo sa tabi ko.

Tumaas ang kilay ko habang nakatingin kay Ian. Ngumiti siya sakin at nagthank you ulit.

"Ikaw lang ang nakakaalam ng safe haven ko" sabi nito ng nakangiti pa rin "Maybe if Dad's still alive, baka pinaframe pa niya yun lahat tapos nakadisplay sa receiving area"

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon