CHAPTER 54

1.3K 60 14
                                    

"Pinagsasabi mo?" naiinis na tanong ko.

Biglang kumulo yung dugo ko pagkarinig na pagkarinig ko sa sinabi ni Raven. Pinaglalaruan yata talaga ako ng dalawang to.

Ngumiti siya sakin ng makahulugan kaya sinaman ko siya ng tingin pero tumawa lang ang mokong. Kinginang yan.

"Hindi sila. He's still crazy over you Pam. Kung alam mo lang lahat ng pinaggagawa niya para lang mapansin mo"

Umiling ako saka tumayo at mabilis na umalis ng canteen. Narinig kong tinawag ako ni Yanna pero hindi ko siya pinansin. Nabubwisit ako sa kanila. Kung anu anong kalokohan ang tinatanim nila sa utak ko. Wala namang kwenta.

Naglakad lakad lang ako malayo sa building namin, ayokong makita si Yanna o si Raven kahit ngayong break lang. Kahit twenty minutes na peace of mind lang. Sigurado akong ipagpipilitan na naman nilang may gusto sakin ang apang yun, na hindi ko talaga maintindihan kung bakit nila ginagawa. Ano bang mapapala nila? At higit sa lahat, ano bang mapapala ko kung sakali ngang may gusto sakin si Cone? Tss.

"PDA yun di ba?" narinig kong sabi nung isang estudyante na nasa harap ko.

Napatingin ako sa tinuturo nila at nakita ko si Cone at Ashley na magkayakap. Tss. Twenty minutes of peace of mind lang ang hinihiling ko pero tangina, wala pang limang minuto, ito naman ang makikita ko. Ugh. Ang sarap nalang sumugod at suntukin si Cone para matauhan at sabihin na lang yung totoo. Wala namang mawawala sa kanya kung aaminin niya, huling huli na e.

Hinilot ko ang sentido ko saka mabilis na nagmartsa palayo sa may garden. Masyadong masakit sa mata yung nakita ko at baka hindi rin ako makapagpigil na bigla nalang mangati ang kamao ko.

In love my ass.

I sighed. Wala akong nagawa kaya pumunta na ko sa susunod na klase namin. Ni hindi man lang ako nakatagal na mawalay sa tabi ni Yanna. Badtrip.

"Where have you been?" mataray na tanong ni Yanna habang nakapameywang pa sa tapat ng pintuan.

"Naglakad lakad. Naiirita kasi ako sayo"

Umangat ang isang kilay niya, "And why?"

Napairap ako "Tsk. Wag ka ngang dikit ng dikit sakin. Nahahawa na tuloy ako sayo" naiinis na sabi ko saka kinusot ang mga mata ko.

"Eew! Wala akong sakit no!" maarteng sabi nito at naupo na sa tabi ko.

Umiling na lang ako saka pumikit. Sana dumating na agad yung professor. Dadakdak na naman kasi tong si Yanna tungkol sa pinsan niya. Kilala ko to e.

"Raven thought it wrong. Hindi pala talaga sila Pam! Im so happy!" masayang sabi ni Yanna na narinig kong pumalakpak pa. "Sabi ni Raven, Trystan can't move on, on you"

Kumunot ang noo ko. Move on? Bakit siya magmumove on sakin e hindi naman naging kami?

"Anong move on pinagsasabi mo?"

"Duh! He's in love with you, at gusto na niyang magmove on kasi akala niya may gusto ka kay Ian"

Napadilat ako bigla ng banggitin ni Yanna na may gusto ako kay Ian. Seriously? Lahat ba sila ganun ang tingin sakin? Paano ako magkakagusto sa lalaking walang balls na yun? Kingina. Naawa lang naman ako dun dahil mukhang loner. Tsk. Kung alam ko lang, nasayang lang yung awa ko.

"Wala akong gusto kay LWB" I said coldly.

Umangat ang kilay ni Yanna. "So, you're back at it again" she stated. "Anyways, it's not important. Now that im sure Ian is out of the picture na, let me tell you that Trystan loves you that much that he can't divert that feelings for anyone else"

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon