CHAPTER 49

1.6K 67 14
                                    


Kunot noo ko siyang nilingon pero hindi ako nagsalita. Tiningnan ko lang siya. Pero mas lalong napakunot yung noo ko nung mapansing seryoso siya at hindi nakangising aso.

"Can we talk?" tanong niya.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko imbis na sagutin ang tanong niya.

Hindi siya sumagot pero hinila niya ko paakyat ng hagdan at dinala sa kwarto ko. Kingina, nanghila na naman.

"Anong kailangan nating pag-usapan?" tanong ko habang tinitingnan siya ng masama.

Ineexpect ko na magpapakita sakin yung ngising aso niya pero nanatiling seryoso yung itsura niya habang nakatitig sakin. Mas lalong kumunot yung noo ko dahil doon.

"Are you.. already falling for Ian?" diretsong tanong nito.

Hindi ako agad nakasagot. Anong klaseng tanong yan?

He sighed at umiling "Do you like his company?" tanong ulit nito.

"Anong klaseng mga tanong yan?" naiinis na tanong ko.

"Just answer me Pamela" sabi nito sa seryosong tono.

Ito yung pangtatlong beses na nakita ko siyang ganyan kaseryoso. Nakakapanibago palagi. Hindi ako sanay.

Umiling ako at nagcross arms "Kalokohan"

"What if I tell him na layuan ka? What would you feel?" naghahamong tanong pa nito habang walang ekspresyon ang mukha.

Nakaramdam ako ng inis sa narinig ko. "Subukan mo lang, baka hindi mo na makita pa ang bukas" naiinis na sabi ko.

Wala naman siyang karapatan magdikta. Ayoko sa taong nagdidikta kung anong gagawin ko sa buhay ko. At si Ian.. Napailing ako.

Bigla siyang ngumisi, pero iba sa ngising aso na palagi kong nakikita kapag naiinis ako sa kanya. Hindi ko maintindihan pero parang may ibang dating yung ngisi niya ngayon.

Umiwas siya ng tingin at lumapit sa malaking panda na nasa kama ko saka ito kinarga "I knew it" sabi niya habang nakatalikod sakin. "May family dinner kayo ngayon, magbihis ka na. I'll drive you there" sabi pa nito saka lumabas ng kwarto dala dala yung malaking panda. Hindi ko siya pinigilan, bakit ko siya pipigilan sa pagkuha sa panget na dambuhalang panda na yun? E, kanya naman yun. Tsk.

Family dinner? Napailing na lang ako at pumasok sa banyo para maligo.

"Let's go" tumayo agad si Cone nang makababa ako ng hagdan at lumabas ng bahay.

Tahamik kami sa byahe, nakakapanibago dahil hindi naman ganito katahimik kapag si Cone ang kasama ko. Hindi ko nakita sa kotse niya yung dambuhalang panda, baka nasa compartment. Tumingin na lang ako sa bintana at hindi nagsalita, sanay akong walang sinasabi pero hindi ako sanay na wala siyang sinasabi sa totoo lang, nakakapabibago talaga. Kumunot ang noo ko habang titig na titig sa labas ng sasakyan. Tumigil kami sa tapat ng isang sikat na fine dining restaurant.

"Baba na, they're waiting for you" sabi ni Cone.

Mas lalong kumunot ang noo ko ng tiningnan ko siya. "Hindi ka bababa?" nagtatakang tanong ko.

Ngumisi ito saka umiling "Im not part of your family" sagot nito sa casual na tono pero parang may ibang dating sakin.

Hindi nalang ako nagsalita at bumaba na lang ng sasakyan. Huminga ako ng malalim saka pumasok sa loob ng restaurant. Mabuti na lang at hindi sa hotel. Sinalubong ako ni Papa kaya hindi na kailangang magtanong ng receptionist.

"Glad you came" sabi niya saka ako inaya papasok sa loob.

Hindi ako sumagot at sumunod lang. Tahimik akong naupo sa tapat ni Papa, habang nakaupo naman sa gilid ang fiancée niya.

"We should do this often, para makapagbonding kayong dalawa. So that when we're already married, close na kayo" sabi ni Papa.

"Sa bahay na siya nakatira" I stated without looking at them.

Ramdam ko yung titig nila pero hindi ko inangat ang tingin ko at nanatili lang sa serving plate yung mga mata ko.

"Pam anak.."

I sighed and pursed my lips into thin line saka bored akong tumunghay. Umiling ako pero wala akong sinabi hanggang sa dumating na yung pagkain.

Tahimik lang ako sa pagkain. Sinasama ako ni Papa sa usapan pero hindi ko inaalis ang tingin ko sa pagkain ko. Sabihin na nilang bastos ako pero hinding hindi ako makikipagplastikan. Masama pa rin ang loob ko. Siguro lilipas din to, pero hindi pa ngayon.

"Where is he now? Darating daw ba siya?" tanong ni Papa.

Kunot noo ko silang tiningnan. Nakatitig na sakin si Papa na parang nag-aalala.

"Pam anak.. I have something to tell you" sabi niya ng hindi inaalis ang tingin sakin.

Mas lalong nagdugsong ang mga kilay ko. Hindi pa ba ubos ang tinatago nila sakin?

Magsasalita na sana si Papa ng tumunog ang cellphone ni Stella.

"Hello? Where are you? You said.. okay. Next time then" sabi nito saka binaba ang cellphone at tumingin kay Papa.

"Bakit?" tanong ni Papa.

"He's not coming" sagot nito.

"Sino?" biglang tanong ko.

Pareho silang tumingin sakin. Tinitigan ko sila at nag-abang ng sasabihin nila pero walang sumagot sa tanong ko.

"Akala ko ba family dinner? Sino yung hinihintay niyo? Meron pa bang sabit?" naiinis na tanong ko.

"Pamela" saway ni Papa.

Bumuntong hininga ako at umiling. Gaano ba kahirap sumagot sa tanong ko? Hindi na ba talaga ako ganun kahalaga kay Papa kaya halos lahat na lang ng tungkol sa kanya o kanila tinatago niya sakin? Hindi naman ako nagagalit dahil sa magpapakasal na siya. Ang sakin lang, sana man lang pinaalam niya ng mas maaga hindi yung tinago niya sakin ng ilang taon tapos meron na naman. Kingina.

"Hindi talaga magandang nagseset up pa kayo ng ganito. Nawalan na ko ng gana, aalis na ko" sabi ko saka tumayo.

"Pamela, maupo ka"

Hindi ko siya pinakinggan at nagtuloy tuloy lang ako palabas ng restaurant. Napahinto ako ng makita ko si Cone na nakasandal sa kotse niya habang nakapamulsa at mukhang malalim ang iniisip. Tumuwid siya ng tayo ng magtama ang mga mata namin.

"Aalis ka na?" nagtatakang tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at tuluy tuloy lang akong naglakad palampas sa kanya pero nahawakan niya agad ang braso ko.

"Wait. Ihahatid na kita" sabi niya.

Umiling ako at inalis ko yung kamay niyang nakahawak sa braso ko saka ako kumuha ng taxi. Naisip ko na sa ibang lugar ako pupunta para walang makaistorbo sakin pero nauwi pa rin ako sa falls nila Ian dahil wala naman akong alam na ibang lugar na tahimik. Kung sana lang dala ko yung bike ko. Napabuntong hininga ako nang makita kong may nauna na sakin doon. Tumalikod ako at humakbang paalis para maghanap ng ibang lugar pero may biglang humigit sa kamay ko at kinulong ako sa bisig niya.

"Pamela.."

Inangat ko ang mga kamay ko para itulak siya pero mas humigpit yung pagkakayakap niya sakin.

"Ian" sabi ko habang pinipilit kong kumalas sa yakap niya.

"I love you.." narinig kong sabi niya.

Nagdugsong ang mga kilay ko at napatigil ako sa pagtulak sa kanya. Sinamantala niya naman yun para mas higpitan ang pagkakayakap sakin.

"I never thought i'd fall this hard for you. Wala to sa plano ko" bulong niya.

"Anong plano?" tanong ko at sinubukan ko ulit siyang itulak. This time, nagpatulak na siya. "Anong plano ang sinasabi mo?" Naiinis na tanong ko.

Yumuko siya at umiling ng maraming beses. "Im so sorry.."

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon