CHAPTER 44

1.9K 69 7
                                    


Tahimik kami buong byahe. Nakakapanibago. Parang hindi si Cone ang kasama ko pero ayos na to. Baka kasi pag nagsalita siya masapak ko lang siya dahil inis talaga ako sa kanya.

Mahaba ang byahe kaya nakatulog ako. Naalimpungatan lang ako nung maramdaman kong hindi na kami gumagalaw. Pagtingin ko sa labas, traffic pala. Nasa Edsa na kami.

Umayos ako ng upo at nakatingin lang sa bintana ng sasakyan. Sanay naman akong hindi magsalita kahit ilang oras pa ang tumagal. Mas gusto kong nakikinig lang ako minsan. Pero ngayon nabobored talaga ko. Sino bang hindi? Para akong preso wala pang music ng malibang naman. "Tsk" 

Napalakas yata ang ginawa ko kaya biglang bumukas ang radyo. Hindi na ko lumingon, nakatutok lang ang mga mata ko sa daan hanggang sa umandar ito.

"Pam" Tawag ni Cone nung pababa na 'ko ng kotse.

Kunot noo ko siyang nilingon pero hindi ako nagsalita. Huminga siya ng malalim saka niya ginulo ang buhok niya at tumingin sakin. "Im really sorry" sabi niya"

Mas lalong kumunot ang noo ko then I sighed. "Okay" sagot ko.

Sumandal siya sa upuan at pumikit. "I won't bother you anymore if that what makes you not getting mad at me." sabi niya.

Tinitigan ko siya hanggang sa dumilat siya at tumingin din sakin. Unti unting umangat ang magkabilang gilid ng labi niya, ibang iba sa ngising aso niya. "Hindi na 'ko papasok sa loob. Don't worry I'll keep my promise. No more panda anymore." sabi nito saka lumabas sa kotse kaya lumabas na rin ako.

Hindi muna ko pumasok sa loob ng bahay. Sasabihin ko sana na hindi naman niya kailangan na gawin yun, hindi sa ayaw ko na hindi na niya ko guguluhin, pero hindi naman ganun katindi ang galit ko, nangyari na ang nangyari kaya wala na kong magagawa. Ang OA talaga nitong apang to.

"Pasok na" sabi niya saka nagpamulsa at ngumiti. Nakakapanibago talaga yung ngiti niya. Tsk.

Tumalikod na lang ako. Sa lunes ko na lang sasabihin na okay lang pagod din ako sa byahe. I need a break. Kakabukas ko pa lang ng gate narinig ko na naman ang boses niya.

"Bye Pamela"  sabi nito kaya napalingon ako. Kumunot na naman ang noo ko ng pinanood ko siyang sumakay ulit sa kotse niya at pinaandar ito ng mabilis. Napailing na lang ako.

*

"Where are they?" nagtatakang tanong ni Yanna habang hinahanap sila Raven sa loob ng canteen.

"Baka wala pa. Umupo na tayo, mauubusan tayo ng upuan" sabi ko at tuluy tuloy na naupo sa palagi naming inuupuan.

Naiwan ako sa table para magbantay ng gamit habang si Yanna at Ian ang umorder ng pagkain. Nakakapagtaka nga at hindi pa ko kinukulit ni Yanna tungkol sa date kuno. Pero malakas ang kutob kong may alam na siya.

Tahimik lang kaming kumain, hanggang sa matapos kami, hindi dumating yung dalawa.

"It's so strange" sabi ni Yanna ng makarating kami sa classroom.

*

"Nandito ka na naman" sita ko kay Ian pagkababa ko ng hagdan.
Ngumiti siya sakin "I brought you Adobo. Kumain ka na" sabi niya saka ako hinila papunta sa kusina.

Kumunot ang noo ko nang makita kong ayos na ang table pero pang isang tao lang.

"Sit. I prepared it, ako din ang nagluto. Im not sure if it's good though" sabi nito at naupo sa tabi ko.

Kumunot ang noo ko at tiningnan siya. "Hindi ka kakain?"  tanong ko.

Nasanay na kasi akong mag-alok ng pagkain kahit sakin binigay. Kasalanan to ni Papa. Palagi kasing pinapaalala sakin na matuto akong magappreciate ng effort. Akala ko okay na yung thank you. Tsk. Dami pang arte.

Good To YouWhere stories live. Discover now