CHAPTER 17

2.3K 94 2
                                    


Na stock up ako.

Kingina.

"Ano?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

Pero dumating na si Papa bago siya makasagot.

"Papa!" sigaw ko. "Paalisin niyo na yan dito!' sabi ko sabay turo kay LWB.

Nagtataka namang tumingin saming dalawa si Papa.

"Ian.." seryosong sabi ni Papa

"Tito. Im courting Pamela. I won't ask your permission, i just want to let you know" direstong sabi ni LWB.

Napaawang na lang ang bibig ni Papa sa gulat.

"Come here, let's talk" lalong naging seryoso ang mukha ni Papa saka naunang maglakad papunta sa office niya.

"Pa! Wag kang pumayag!" pahabol ko pa pero hindi niya ko pinansin.

Syet. Masasapak ko ulit yang LWB na yan e!

Tinignan ko yung mga bulaklak. Ang dami nito! Ipapauwi ko sa kanya lahat to! At hindi ako natanggap ng manliligaw! Kinginang yan.

Pumasok na ko sa kwarto ko. Wala naman akong mapapala kung tititigan ko yung mga bulaklak. Hindi naman talaga ako allergic sa bulaklak. Excuse lang yun. Pero wa epek sa LWB na yun. Tss.

Kapal ng mukha!

Kakalabas ko lang ng cr ng madatnan kong nakahiga sa kama ko ang hampaslupang apa!

Kingina. Anong ginagawa nyan dito?!

"Pwede bang lumayas ka dito bago pa kita kaladkarin palabas?" sabi ko.

Pinag-iinit nila ang ulo ko. Hindi nila pinapatahimik ang buhay ko! Tangna lang.

Pero hindi natinag si Cone at naupo lang saka ngumising aso.

Sinamaan ko siya ng tingin pero ginantihan niya ko ng nakakalokong ngiti. Tangina.

I closed my fist and took a deep breath.

"Namiss talaga kita Kikay!" sabi niya na biglang nakalapit na pala sa akin at niyakap ako.

Tinulak ko siya "Lumayo layo ka kung ayaw mong magpasa yang mukha mo" sigaw ko.

"Sungit. Tara na nga, nagugutom na ko" sabi niya at lumabas na.

Kapal talaga ng mukha. Feeling bahay niya. Tss.

Sumunod na lang ako.

"Trystan?" gulat na tanong ni Papa.

"Papa. Long time no see po" sagot naman ng nakangiting asong hampaslupang apa.

"Buti naman nadalaw ka? Tara maupo ka na anak!" mukhang tuwang tuwa talaga si Papa kay Cone. Tss.

Kung selosa lang ako baka nagselos na ko e kaso iniisip ko pa lang nadidiri na ko.

Hindi naman na ako nagtaka ng mahagip ng mata ko si LWB na nakaupo na din sa tabi ni Papa.

"Nandito ka pa din?" tanong ko.

Pero hindi siya sumagot at nginitian lang ako.

"Kumain na tayo, Pam maupo ka na" utos ni Papa.

Tahimik lang ako. Si Papa at Cone lang ang nag-uusap. Ramdam ko ang awkwardness kay LWB. Hindi naman ako manhid, sadyang wala lang akong pakielam.

Pagkatapos kong kumain, dumaretso na ko sa kwarto ko at nilock ito para wala ng makapasok na mga istorbo.

*

Ang aga aga, nabubwisit agad ako. Kingina.

"Good morning Pamela" bati ni LWB na nakaupo na katabi ni Papa sa dining at kumakain na.

Sinamaan ko siya ng tingin. Pati na rin si Papa na tahimik lang na nagbabasa ng dyaryo.

"Pa!" sigaw ko.

"Good morning anak. Kumain ka na baka malate ka"

Naupo ako sa tapat ni LWB.

Naku, wag lang susulpot dito ngayon si Cone at magwawala talaga ko!

Nakakaisang subo pa lang ako ng may biglang naupo sa tabi ko.

Tangina!

"Good morning Kikay"

Ano bang malaking kasalanan ang nagawa ko at ginaganito ako? Leshe!

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Kakain"

"Patay gutom ka ba?"

"Pam anak. Kumain ka na" saway ni Papa.

Napabuntong hininga na lang ako at tahimik na kumain.

Nag-usap usap lang silang tatlo.

Nag-iisang anak lang ako ni Papa pero feeling ko mga anak na din ang turing ni Papa sa dalawa at nakakasuka yon!

Mabilis kong tinapos ang kinakain ko at dumaretso ako sa kwarto para magtoothbrush at kuhanin ang gamit ko.

Papalabas na ko ng maabutan ko ang dalawa sa tapat ng kotse ko.

"Tabi!" singhal ko pero hindi natinag ang dalawa.

"Ihahatid kita. Sumakay ka na sa kotse ko" sabi ni LWB.

Hindi ko siya pinansin.

"Tabi nga!" sigaw ko.

"Buksan mo na ang kotse Pam, baka malate tayo" sabi naman ni Cone.

Tinaasan ko siya ng kilay.

Nginitian niya ko. Yung ngiting aso. "Sasabay ako sayo" sabi niya at biglang inagaw sakin ang susi at siya na ang nagbukas ng kotae at pinapasok ako sa driver's seat.

"Subukan mong paisurin ako mamamaga yang mukha mo!" sabi ko ng akmang papasok din siya sa driver's.

Pero akala ko matatakot siya, pero hindi! Siniksik pa rin niya ang sarili niyang maupo sa driver's seat kaya naman napilitan akong lumipat sa passenger's. Kingina.

"Sorry dude" sabi ni Apa bago isara ang pinto ng kotse at paandarin.

"Sino may sabi sayong pwede mong imaneho to?"

"We're gonna be late" sabi niya lang saka hindi na ko pinansin.

Hindi nalang ako umimik. Buti na lang din nagtext si Yanna na hindi pa siya makakapasok kasi may sakit pa rin daw siya kaya hindi ko kailangan siyang daanan.

Pagpark ng kotse ko, nilahad ko agad ang kamay ko para kunin ang susi ko pero umiling ang walanghiyang hampaslupang apa!

"No, i'll be your driver from now on"

"What?!"

"Yes, pinakiusapan ako ni Papa na bantayan ka para hindi makaporma sayo si LWB. Since, bored naman ako
pumayag ako at dahil na din mabait ako kaya ganon" ngingisi ngising sabi niya.

"Kalokohan! Kaya kong itaboy si LWB at hindi ko kailangan ng bantay!" sigaw ko.

"Wala ka ng magagawa. Hindi ako sumisira sa pangako. May isang salita ako. So, bumaba ka na at malelate ka na, hihintayin na lang kita mamaya sa tapat ng room mo" sabi niya saka bumaba ng kotse tangay tangay ang susi ko.

What the hell?!

Padabog akong lumabas ng sasakyan. Nakita ko si Cone na nakatingin sakin saka nagkibit balikat.

"Pamela" nakita ko naman si LWB na nagmamadaling lumapit sakin. Tapos sa may likod niya, nakita ko si Raven na may dala dalang isang bouquet pero imbis na bulaklak ang laman, maliliit na mga panda ang nakalagay.

Napapikit na lang ako at kinalma ang sarili.

Pinaparusahan talaga ako e. Magsisimba na nga ako tuwing linggo para mabawasan ang mga kasalanan ko at isa isa ng mawala ang nga asungot sa buhay ko.

Kinginang buhay to.

**★**

Tignan ang picture sa multimedia. Yun yung bouquet of panda!

Good To YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt