CHAPTER 12

2.8K 119 8
                                    


Kinginang panda yan.

Sinong lapastangan ang naglagay sa kwarto ko nito?!

"Papa!" Sigaw ko.

Dali dali naman pumunta sa kwarto ko si Papa

"Bakit anak? Anong problema? Bakit ka sumisigaw?"

Hindi ako sumagot, sa halip, tinuro ko yung dambuhalang panda na nasa kama ko.

"Anong meron kay Pandi?" kunot noong tanong ni Papa.

"Pandi?!"

"Pandi ang pangalan niya"

"Ayoko niyan. Pakitapon!"

"Hindi mo ba nagustuhan? Ang cute cute kaya ni Pandi"

"Hindi siya cute. Ayoko niyan"

"Hindi mo man lang ba aalamin kung kanino siya galing?"

"Wag na po Papa. Baka mawrestling ko lang kung sino mang lapastangan ang nagbigay niyan! Alam mo naman na ayoko ng ganyang mga bagay dito sa kwarto ko! Tss"

"Hindi mo man lang ba titignan ang note?" pangungulit niya at halatang ayaw tanggalin sa kama ko ang dambuhalang panda.

"Ayoko"

"Sure ka na bang ayaw mo kay Pandi?"

"Papa!"

"Okay. Sabi ko nga aalisin ko na." saka siya lumapit sa kama at kinarga ang Panda.

Sa sobrang laki ng Panda, hindi na siya mabuhat ni Papa dahil malaki pa ito sa kanya. Napailing na lang ako.

Ayoko talaga sa mga manika. Hindi dahil takot ako. Pang bata lang ang mga ganun. Tss.

Nang makalabas si Papa, dumaretso ako sa banyo at naglinis ng sarili. Humiga ako sa kama pagkatapos. Nakakapagod. Biglang tumunog ang cp ko.

From: +639123445555

Happy Birthday Pamela. See you on monday. :)

Nangunot ang noo ko.

Sino kaya to?

Nagkibit balikat na lang ako at di na pinansin. Walang kwenta.

Natulog na lang ako.

Lumipas ang linggo nang ganun lang.

Wala naman din magandang nangyari, nagbukas lang ako ng mga regalo. Hindi na ako nag-abalang pumunta ng mall dahil matagal na akong nakabili ng mga gamit para sa darating na pasukan. At bukas na yun!

Naging tahimik ang buhay ko. Walang Apa at LWB na nanggulo sakin. Thank you Lord!

Nagising ako ng maaga. Responsable akong tao at pinaka ayoko sa lahat ay yung nalelate.

Naligo na ako at nagbihis. At dahil college na naman ako, walang uniform.

Bumaba ako at naabutan si Papa sa dinning.

"Good morning anak. Kain na" aya niya sakin.

Umupo ako sa upuan ko at nagsimulang kumuha ng pagkain. Tahimik lang kami. Ganito naman lagi, hanggang sa tumunog ang doorbell.

Lumabas si manang para tignan kung sino ang bisita. Tss. Kaaga aga, istorbo!

"Pamela, may bisita ka" sigaw ni Manang.

Isa lang ang nasa isip ko. For sure ang hampaslupang apa na yan. Tss.

Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Good To YouWhere stories live. Discover now