CHAPTER 23

2K 99 11
                                    


Sinamaan ko si Cone ng tingin. Masama ang kutob ko sa sinabi niyang i need your help. Hindi ko siya pinansin at umalis sa harap niya at nagsimula na kong maglakad papunta sa kwarto ko.

"Pam!" tuluy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating nako sa kwarto ko at mabilis kong nilock ang pinto. "Pam!"

Pumasok ako sa banyo at nagshower. Nawala sa pandinig ko ang pagkatok ni Cone. Sinulit ko na lang ang pagsashower, ayoko nang mastress, nakakapagod, masakit sa ulo. Tss.

Lumabas ako ng banyo ng nakatapis lang at mabilis nagbihis ng pantulog. Nagsusuklay ako ng buhok ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Kingina.

"Paanong--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang inangat ni Cone ang susi sa mukha ko.

"I asked Papa" nagngiting aso pa siya saka sumandal sa gilid ng pinto.

"Do you know the word privacy?" sinamaan ko siya ng tingin. Pero sa halip na sagutin ako, tumingin siya sa relo niya saka ako pinagmasdan mulo ulo hanggang paa.

"Matutulog ka na?" nagtatakang tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa pagsusuklay.

"It's only 5:45 pm Kikay" sabi pa nito.

Hindi ko pa rin siya pinansin. Lumapit siya sa kinauupuan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.

"Pam.." seryoso siyang nakatingin sakin. "Help me, please?"

Tumigil ako sa pagsusuklay at tinitigan siya. Ngayon ko lang nakita ang mokong na to na ganito kaseryoso.

**

"What the f*ck?!" sigaw ko nang mabilis na pinasok ni Cone ang batang nakita ko kanina.

"I'll be back. Saglit lang ako, promise! Thanks Kikay!" sabi nito at mabilis na sinarado ang pinto.

WTF. Ugh!

Tumingin ako sa bata na ngayon ay prenteng nakaupo sa kama ko.

"Hoy, bata" tawag ko.

Tumingin siya sakin at ngumuso. Ang kyut! Bakit ang kukyut ng mga bata pag ngumunguso? Kapag matanda ang gumagawa nakakasuka? Tsk.

"Anong pangalan mo?" tanong ko.

"Troy" sagot niya.

"Ilang taon ka na?"

"Four" tumingin siya sa tv at tinuro ito.

"Gusto mong manood?"

Tumango siya. Binuksan ko ang tv at nilipat sa Cartoons.

"No!" sigaw ni Troy.

Nagtataka ko siyang nilingon at nakasimangot na naman siya at nakanguso.

Tinuro niya ang tv "No! No! No!"

What the? Hindi ko siya maintindihan!

"Anong ibig mong sabihin? Ayaw mong manood?" kunot noong tanong ko.

"I want! But that! No!" Kinakaway pa niya ang dalawang kamay niya at sinasabing ayaw niya.

Tinignan ko muna siya at ang tv, bago ko naisipan na ilipat sa ibang channel. Nilipat ko sa disney pero mas lalong dumami ang no niya! Kingina.

Nilipat ko ng nilipat hanggang sa mapunta sa National geography at bigla siyang sumigaw ng "Stop!"

Tinitigan ko ang tv. Sawa na nanghahunting ng daga ang palabas. Yuck. Tinignan ko si Troy, tutok na tutok siya sa tv. Ang weird. Meron pa lang batang ayaw sa cartoons? Sabagay, hindi na dapat ako nagtataka dahil abnormal ang kuya niya. Tsk! Pesteng apa yan! Gawin ba kong babysitter? Kingina. Pasalamat siya mukhang kuntento na ang bubwit na to sa panood ng tv.

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon