CHAPTER 58

1.3K 70 16
                                    

Si Ashley na naman. Bigla akong nakaramdam ng inis. Kingina. Bat siya na naman? Tsk! Inirapan ko si LWB.

"Hindi kita tinatanong," sabi ko saka nagmadaling umakyat sa hagdan at nagkulong sa kwarto ko.

Nilock ko na yung pinto. Natuto na ko. Hinding hindi ko na iiwang bukas yang lecheng pinto na yan dahil ako din yung napapahamak. Nagdive ako sa kama at sumubsob sa unan. I groaned when I felt my heartbeat. Kelan ba to babagal sa pagtibok? Hindi na nakakatuwa. Kailangang mawala na agad to sa lalong madaling panahon.

Bumangon ako at lumabas ulit ng bahay. Narinig ko pa si LWB na nagtanong pero hindi ko na siya pinansin. Aksaya lang yun sa oras ko. Pinaadar ko yung motorbike ko at nagpaikot ikot muna sa subdivision bago ako huminto sa park. Nahiga ako sa damuhan sa ilalim ng puno na malayo sa playground. Pinagmasdan ko yung mga ulap saka napabuntong hininga.

Hindi ko alam na masakit pala sa ulong magkagusto sa isang tao. Nagkacrush na naman ako noon, hindi nga lang ganito dahil wala naman akong pakielm noon saka bata pa ko. Tsk. Kapag naiisip ko yung mga panahon na babaeng babae pa ko, kinikilabutan ako. Nalalandian ako sa sarili ko. Kinginang yan.

Bumuntong hininga ulit ako saka pumikit. Nagiging babae na naman ako. Pag nalaman to ni Papa paniguradong liligawan nun si Cone. Hindi naman ako papayag dun! Lintik na yan. Crush lang e, wala akong balak syotain yung hampaslupang apa na yun!

Umalis din ako sa park dahil hindi ko matagalan yung mga nakikita ko. Puro kasi mga magjowa na nagdedate. Bwisit lang, sarap pagbabatuhin ng malalaking bato!

*

"I won't stop until you tell me, Pam!" sigaw ni Yanna habang nakasunod sakin sa hallway.

"Ano yun?" narinig kong boses ng lalaki pero hindi na nilingon pa.

"About her weird action yesterday," sagot ni Yanna. "Where's my cousin?"
"Sinundo si Ashley"

Nag-init agad yung ulo ko pagkarinig ko sa pangalan na yun. Tsk. Bakit ba si Ashley na naman? Nakakaumay na!

"Our OTP's really sailing! Hindi pa ba sinasagot ni Ashley si Trystan? Naiinip na ko!" tili ni Yanna.

I clicked my tongue saka napairap ako at mas binilisan yung paglakad. Gusto ko ng sumubsob sa desk ko at ayoko ng marinig yung usapan nila.
Naiirita lang ako. Lalong lalo na sa apang yun! Grr.

"Wait Pam!"

Hindi ko pinansin si Yanna. Tuluy tuloy lang ako sa mabilis na paglakad hanggang sa makarating ako sa classroom. Natahimik na naman yung mga kaklase kong maaga nagsipasok. Hindi ko na sila tiningnan at mabilis na kong sumubsob sa desk ko pagkaupo. Inaantok pa ko.

Narinig ko lang yung boses ni Yanna kasabay nung bati ng professor namin. Umayos na ko ng upo pero hindi ko pa rin pinansin si Yanna na kakaupo lang. Wala na ko sa mood at ayokong mapalabas na naman ng klase kapag inimikan ko tong babaeng to. Mamaya na lang.

"Where's Ian? Sasabay ba daw ulit siya sating maglunch?" tanong ni Yanna pagkalabas namin ng classroom.

Nagkibit balikat lang ako saka tuluy tuloy sa paglalakad papuntang canteen. Kinuha ko yung pera ni Yanna at sinabing ako na lang yung mag-oorder dahil hindi naman mahaba yung pila. Biglang kumunot yung noo ko ng may kumulbit sakin.

"Bat hindi niyo ko hinintay? Sabi ko sasabay akong maglunch" sabi ni LWB.

Hindi ko siya pinansin at diretso lang yung tingin sa pila. Inorder ko yung paborito namin ni Yanna saka kumuha ng dalawang bote ng mineral water. Tahimik lang akong pumila sa counter para magbayad pero naunahan ako ni LWB. Hindi na lang ako nagreklamo, sino bang nagsabing magrereklamo ako sa libre?

Good To YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant