CHAPTER 32

2K 70 6
                                    


Naplot ko na kagabi pa kung paano pumatay ng hampaslupang apa na aksidente ang kalalabasan at sa mga oras na to, pang fifty eight times ko na siyang napatay sa isip ko sa iba't ibang paraan habang nakatitig ng matalim sa kanya. Ang kapal ng mukha nitong magpakita pa sakin at parang walang ginawang masama sakin kagabi kung makakain.

Tumaas ang kilay niya ng mag-angat siya ng tingin sakin "What?" painosente pang tanong nito.

"Bakit nandito ka pa?" naiiritang tanong ko.

Tinagilid niya ang ulo niya saka ngumiti na parang aso. "Papa told me to stay here while he's away. Didn't he mentioned it to you?" tanong niya na parang nang-aasar.

Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko at napapikit at napahinga ng malalim. Ayoko sanang masira ang umaga ko dahil lunes ngayon at may pasok pero makita pa lang ang pagmumukha niya ngayon, sirang sira na ang araw ko. Kinginang yan.

Tumalikod na ko at hindi na lang tumuloy sa dining dahil nawalan na ko ng ganang kumain.

"Kikay! Saan ka pupunta? Hindi ka ba kakain?" narinig kong sigaw niya pero hindi ko na pinansin at tuluy tuloy lang ako palabas ng bahay. Pinatunog ko ang kotse ko sabay sakay sa loob at pinaharurot. Wala akong pakialam sa speed limit. Badtrip ako. Kung may pulis na manghuli, bahala na.

Mabilis akong nakarating sa school at tumuloy sa canteen para kumain. Mas mabuti pa dito, kesa naman sa bahay at kainin ang luto ng hampaslupang apa na yun, hindi kaya ng pride ko yun.

Tuluy tuloy lang ako sa counter at bumili ng sandwich saka kape.

"Pamela?" napalingon ako sa tumawag sakin at napakunot ang noo ko ng makita ko si LWB sa likod ko na may dalang tray na may nakapatong na isang cup ng sopas at isang bottled mineral water. "Breakfast mo yan?" tanong niya habang nakatingin sa dala ko.

Nagkibit balikat lang ako at naghanap ng mauupuan. Naupo siya sa harapan ko at wala ako sa mood magsalita ngayon dahil gutom ako.

"Yan lang ang kakainin mo? Bakit hindi ka kumain sa inyo?" tanong niya.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain na parang walang tao sa harapan ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya pero hindi ko na sinubukan pang tumingin at nakatutok lang ang mga mata ko sa kape ko.

Tahimik lang kami. Mabuti naman dahil kung kukulitin ako nitong si LWB ngayon, baka masira ang record ko ng wala sa oras.

Inubos ko agad ang kinakain ko saka tumayo na at iniwan si LWB. Pero hindi pa man ako nakakalabas ng canteen, nakahabol na agad siya sa akin.

"Hahatid na kita" sabi nito.

Hindi ko siya pinansin at tuluy tuloy lang ako sa paglalakad papunta sa classroom ko. Napatigil lang ako ng malapit na kami sa claasroom at kumulo na naman ang dugo ko nang makita ko ang hampaslupang apa na nakahilig sa may dingding malapit sa pintuan ng classroom ko habang kausap si Yanna na nasa mismong pintuan.

"Tsk" huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad.

Napalingon ang dalawa samin.

"Pam!" sigaw ni Yanna sabay hampas sa braso ko. "Iniwan mo ko! Bakit umalis ka ng maaga?" pagalit na sabi nito habang nakapamewang.

"Wala ako sa mood" sagot ko at pumasok na ko sa classroom at hindi pinansin ang tawag ng hampaslupang apa.

"Masama ang gising? Sabi ni Trystan hindi ka daw nagbreakfast. Sabay ba kayo ni Ian kumain sa canteen? Did you text him? O sinadya mo talagang hindi kumain kasabay namin because you agreed to have a breakfast date with him? Tell me Pam! Answer me!" sabi nito pagkaupo na pagkaupo niya sa tabo ko.

Good To YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant