CHAPTER 27

1.9K 86 7
                                    


"Bakit ngayon ka lang tumawag? Napuyat ako kakahintay sa tawag mo kagabi! Nasaan ka po ba Papa?" tanong ko pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag ni Papa.

Kagabi ko pa siya hinihintay tumawag, nag-aalala ako syempre. Siya na lang ang pamilya ko at hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kanya.

["Sorry anak, busy lang. Gusto kasi ng investor na mag-usap kami ng personal, kilala mo naman si Mr. Sy, pinasundo niya ko kahapon kaya hindi na ko nakapagpaalam ng personal. Babawi ako pag uwi ko"]

"Tss. Hindi mo sinagot ang tanong ko" sabi ko.

["Nandito ako sa Singapore. One week kami dito. Tinawagan ko na si Trystan na samahan ka muna dyan habang wala ako."]

"Ano? Kaya kong mag-isa, atsaka nandito naman sila Manang, hindi ko kailangan ang presensya ng asungot na yun Pa!" sigaw ko.

Kingina. Bakit kailangan pang pakiusapan ang hampaslupang apa na yun? Atsaka, hindi na ko bata para mangailangan ng bantay!

["Im worried. Kung pwede ka nga lang sumunod dito para hindi na ko magalala gagawin ko. Tiisin mo na lang si Trystan, makulit lang naman yun"]

"Tss"

["Sige na, may meeting pa kami. Tatawag ulit ako. I love you anak!"]

"Tsk" binaba ko na ang phone.

Badtrip. Binagsak ko ang katawan ko sa kama ko at pumikit. Kainis. Bakit ganun si Papa? Sobra sobra na ang tiwala sa Apa na yun! Kailan niya kaya marerealize na bwisit sa buhay ang Cone na yun! Ugh! Kinginang yan o.

Napahilot na lang ako sa sentido ko nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at nagsalita ang hampaslupa.

"Good morning Kikay! Breakfast is ready! Bumangon ka na dyan, pinagluto kita! Alam kong namimiss mo nang magpunta sa langit kaya dadalhin ulit kita dun" hinila niya ang kamay ko kaya napabangon ako.

Sinamaan ko siya ng tingin pero tumayo na rin ako at lumabas ng kwarto.

"Pasalamat ka masarap kang magluto at napapakinabangan kita dito" sabi ko habang kumakain kami ng niluto niyang pancakes at banana crêpe.

Ngumising aso siya at nagpangalumbaba na nakatingin sakin "You know, It's better if you would smile at me and say thank you"

I frowned. Pinagsasabi nito?

Nagkibit balikat siya at umiling saka nagpatuloy sa pagkain.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang din sa pagkain. Tahimik lang kami. Nakakapanibago. Pwede naman pala na matahimik ang buhay ko kahit nasa paligid lang si Cone.

Tumayo na ko nang walang sabi sabi at nilagay sa lababo ang pinagkainan ko. Iniwan ko na si Cone sa kusina. Kaya na niya ang sarili niya tutal naman feel at home na siya dito.

Lumabas ako at tumambay sa garden. Maaga pa kasi, mamaya na lang ako gagala, tinatamad pa ko e.

"Coffee señorita Kikay" biglang sumulpot sa tapat ko si Cone at nilapag sa mesa sa harap ko ang tasa ng kape.

Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya sakin at naupo sa tapat ko.

"I was wondering.." panimula niya.

"Wag mo nang subukang ituloy makakatikim ka sakin ng malasang sapak. Ang aga aga sinisira mo araw ko" sabi ko.

Umiling siya at hindi nawawala ang ngiti. "I was just wondering" ulit niya.

Mas sinamaan ko siya ng tingin pero mas nilakihan niya ang ngiti niya. Kinginang yan.

"As I've said, I was wondering"

Good To YouWhere stories live. Discover now