CHAPTER 13

2.9K 97 6
                                    


Sorry for bad words. Medyo madame. xD

Tumayo ako at ready ng sabihin sa kanya ang malaking malaking N-O nang bigla niya akong talikuran.

"Thank you sir. Aalis na po ako" at lumabas na nga ng classroom.

Naiwan akong nakatanga. Kingina.

"OMG! OMG!" sigaw ni Yanna habang hinihila ako paupo.

"That's cool" biglang sabi ng prof namin.

Pumikit ako ng madiin at kinalma ko ang sarili ko.

Ang ingay ng buong classroom. Lahat sila nagkakagulo dahil sa nangyari.

"I can't believe it! Bakit si Pam pa?!" sigaw nung isa.

"Gosh! Kinikilig ako. Ang cool cool ni Ian!"

Napatakip ako ng tenga at sumubsob sa armchair.

Hindi ko na to matake! Nakakasuka!

"Huy! Okay ka lang?" niyugyog ako ni Yanna.

"Hindi!" sagot ko habang nakasubsob pa din sa armchair.

Natapos ang klase ng ganun ganun na lang. Wala akong naintindihan sa lesson kasi busy ang utak ko sa pagpatay sa isip sa lintik na LWB yun!

Uwian na.

Papunta na kami ni Yanna sa parking, at habang papalapit kami sa kotse ko, may namataan akong nakasandal doon.

Mabilis akong naglakad papunta sa maganda kong kotse para paalisin kung sino mang hampaslupang nakasandal doon dahil baka magasgasan ang maganda kong kotse!

"Pamela!" sabi ni LWB na patakbong lumapit pagkakita sakin.

Hindi ko siya pinansin, sa halip dumaretso ako sa kotse ko para tignan kung may gasgas.

"For you" nilingon ko siya at nakita kong nilaladhad niya sakin ang kumpol ng bulaklak. Eew.

Allergic ako sa bulaklak!

Hindi ko na siya pinansin. "Yanna! Bilisan mo!" sigaw ko.

"Coming!"

Pinasakay ko agad sa kotse ko si Yanna at mabilis na pinatakbo.

"Bakit hindi mo kinuha yung flowers! Sayang!" sabi ni Yanna.

"Alam mong allergic ako sa bulaklak"

"Allergic ka sa bulaklak e puno ng flowers ang garden niyo! Tigilan mo ko Pam!" inirapan niya ko.

Nagkibit balikat lang ako.

"Wag mo muna akong iuwi. Let's go shopping!"

Ayoko pa din naman umuwi at feeling ko nandun na ang LWB na yun kaya naman pumayag na ko sa gusto ni Yanna.

Sa mall, maraming tao kaya isa ito sa mga lugar na pinaka ayaw ko. Hindi ako tulad ng ibang babae kasama na si Yanna na mahilig magshopping.

Gala akong tao pero roadtrip ang gusto ko hindi party, hindi shopping, hindi overnight. Roadtrip lang. Kung nasa bahay naman, libro at laptop lang ang kaharap ko. At kung pupunta man ako sa mall, bookstore ang sadya ko.

Nakakakalma ng pakiramdam kapag napapaligiran ka ng mga libro.

"Bookstore na naman" reklamo ni Yanna pero pumipili din naman ng libro.

"Manahimik ka na lang. Matutuwa pa ko" sabi ko at nginusuan niya lang ako.

Tss.

Habang busy ako sa pagscan ng mga libro, napatingin ako sa gilid ko at nagulat ako ng makakita ako ng mascot na panda.

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon