CHAPTER 24

2.1K 73 9
                                    


"Details!" sigaw ni Yanna.

"Mandiri ka. Hindi ko uulitin ang mga sinabi niya" sagot ko at nauna nang maglakad sa kanya.

"Wait Pam! You're so madaya! Edi ikaw lang ang may alam ganun? How about me? Im your bestfriend, i must know everything. I demand!" sabi niya habang humahabol sakin pero hindi ko na siya pinansin.

Kingina. Maalala ko pa lang ang mga sinabi ni LWB kinikilabutan na ko, ano pa kaya kapag inulit pa ng mismong bibig ko? Baka sumuka ako ng rainbow. Tsk!

"Ugh! Nakakainis ka! I hate you already!" sabi niya.

Napailing na lang ako at naupo na sa paborito kong pwesto, sa pangalawa sa unahan. Tumabi sakin si Yanna.

"Look. They're staring at us" bulong niya sakin pagkaupo niya.

"Palagi naman" sabi ko.

Hindi na nga ko nagtataka dyan sa mga kaklase ko, dahil lagi naman nilang ginagawa yan. Titingin samin o sakin tapos magbubulungan. Hindi sila obvious promise.

Umiling si Yanna. "Insecures. Magchange ka nga ng fashion style im sure laglag mga panga niyang mga yan" bulong ulit ni Yanna.

"Kuntento na ko sa sarili ko" sagot ko. "Saka ano bang pakielam natin sa kanila?"

"You're right. We don't care about them" Sang-ayon niya.

Tahimik lang kaming nakinig sa klase hanggang sa matapos at maglunch break na. Lumabas kami ni Yanna at naglakad papuntang canteen.

"Algebra always makes me hungry" Sabi ni Yanna.

Hindi ako sumagot, hindi naman kasi tanong yun, sayang lang ang laway ko. Pumunta ako sa vacant table at si Yanna naman ang nakatoka na bibili ng pagkain namin. Tahimik lang akong nakaupo at naghihintay ng may biglang babaeng naglapag ang tray niya sa table at naupo sa harapan ko.

Ngumiti siya sakin. "Can i share a table?" tanong niya.

Nagcross arms ako at tinignan ko siya. Naaalala ko siya, siya yung babaeng tumawag kay Cone nung isang araw. Anong kailangan nito? Pinanliitan ko siya ng mata. "Anong kailangan mo?" tanong ko.

Biglang nawala ang ngiti niya pagkarinig niya sa tanong ko saka umiling. "I just want to sit with you. I don't have friends here"

Biglang dumating si Yanna at nilapag muna ang dala niyang tray bago tumingin sa babae at magtaas ng kilay. "Who are you?" tanong niya.

Tumingin sa kanya yung babae at ngumiti. "Ashley Ricaport. Fourth year, business management student" pakilala nito saka tumayo at naglahad ng kamay kay Yanna.

Tinignan muna ito ni Yanna mula ulo hanggang paa at tinitigan ang kamay nito na nakalahad sa kanya. Tumango tumango pa si Yanna saka ngumiti. "Yanna Lee" sabi niya saka inabot ang kamay at nakipagshake hands.

Kunwari pa mataray, bibigay din naman pala. Tss. Napailing na lang ako.

"This is my bestfriend, Pamela Reyes. We are both Architecture students. Third year." dagdag ni Yanna.

"Hi, Pamela! Nice to meet you! Ngayong kilala niyo na ko at kilala ko na kayo, pwede na ba kong makishare ng table sa inyo?" tanong niya samin ni Yanna.

Tumingin sakin si Yanna. Tinignan ko naman si Ashley. "Magsabi ka ng totoo, anong kailangan mo?" tanong ko ulit.

Hindi kasi ako naniniwala na wala siyang kakilala dito at kitang kita naman sa mga mata niya na napipilitan lang siyang makiupo samin.

Tahimik lang si Yanna na nakikinig samin. Hindi naman agad sumagot si Ashley.

"Nasasayang ang oras" sabi ko habang nakatitig sa kanya.

Good To YouWhere stories live. Discover now