CHAPTER 42

1.5K 62 8
                                    


"Ayoko" sagot ko at iniwan ko na siya at pumasok na ko sa classroom.

Naupo ako sa tabi ni Yanna na hindi maipinta ang mukha saka humarap sakin. "Anong sinabi niya sayo?" tanong niya.

"Niyaya niya kong mamasyal" sabi ko.

Suminghap siya at nanlaki ang mga mata "He did that? Pumayag ka?" tanong niya.

Bored ko siyang tiningnan. "Syempre hindi" sagot ko.

Kumunot naman ang noo niya. "Bakit hindi ka pumayag?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam mo ang gulo mo."

"Sagutin mo na lang kasi! Bakit nga?"

"Ayoko e. If ever na pumayag ba ko, itatanong mo din kung bakit ako pumayag?"

"Ofcourse!"

"Gusto mo bang pumayag ako?"

"Ofcourse not!"

"E bakit nagtanong ka pa kung bakit hindi ako pumayag?"

Nag-isip siya saglit "Im just curious"

"Ewan ko sayo"

*

"Pam, I think you should accept his invitation" biglang sabi ni Yanna habang nasa byahe kami.

"Anong binabalak mo?" tanong ko. Kilala ko to, curious na naman to sa gagawin ni Raven. Tsk.

"Baka gusto lang talaga ng kasama o di kaya may surprise. Don't worry okay lang ako" sabi nito saka ngumiti na parang may binabalak na masama.

"Sumama ka" sabi ko.

Tinaasan niya ko ng kilay. "You know you don't need to say that. Im gonna follow you" sabi niya.

"Bakit mo kami susundan kung pwede ka naman sumama samin?"

"Duh? You're not thinking. Raven wouldn't like that. Gusto niya kayo lang kaya i'll just follow you. Text him now. Tell him na pumapayag ka na!"

Umiling ako. "Ayoko"

Tss. Pakielam ko dun? Saka wala akong number nun. Hindi ko naman kailangan. Dagdag display lang sa phonebook ko.

"Bahala ka. Ako na lang magtetext" sabi nito saka kinuha ang cellphone.

Kumunot ang noo ko. "Bakit pakiramdam ko may iba ka pang balak?" tanong ko habang pinapark ang kotse sa garahe namin, ayaw pa kasing umuwi ni Yanna.

She rolled her eyes. "I just want to know kung anong klaseng kadate si Raven" sagot niya saka bumaba ng kotse.

Hindi ko siya maintindihan. Importante ba yun? At kung gusto niya talagang malaman, bakit hindi niya yayain yung tao makipagdate? Pwede naman, gender equality na kaya ngayon, may babae ngang nanliligaw e. Tsk.

"Oh my gosh! Ang bilis mo naman?" narinig kong tanong ni Yanna kaya pumasok agad ako ng bahay.

Kumunot ang noo ko ng makita ko sa sala si Raven kausap si Papa. Ngumiti si Papa ng makita ako. "Pam baby, nandito ka na, kanina ka pa hinihintay ni Raven.

"Kanina pa?" tanong ko tapos tumingin ako kay Raven. "Hindi naman ako pumayag a?"

Ngumiti lang siya sakin at hindi ko maintindihan ang ibig nung sabihin.

"Magbihis ka na, medyo malayo ang pupuntahan niyo" sabi ni Papa.

"Ayoko"

"Pam! Sumama ka na!" sabi naman ni Yanna.

Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan niya lang ako ng kilay sabay tulak sakin paakyat ng hagdan. Kingina.

"Ano ba Yanna!"

Good To YouWhere stories live. Discover now