CHAPTER 22

2.3K 87 12
                                    


Hindi na ko nagsalita at umalis na lang ng sasakyan. Wala nang modo kung wala ng modo pero nandidiri ako sa mga sinasabi niya.

I like you? Yuck!

"Where have you been? Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Papa pagkapasok ko ng bahay.

"Pumunta kaming Tagaytay" sagot ko at hindi ko na siya hinintay magsalita at pumunta na ko sa kwarto ko.

Agad kong kinuha ang garapon na may lamang ibat ibang kulay ng mga panda. Eto siguro yung ibig sabihin nung text. Kinuha ko yung red at binasa ang nakasulat.

'Like no one'

Kumunot agad ang noo ko. Anong ibig sabihin nito?

Kukuha sana ulit ako ng panibago ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Kikay!" sigaw ni Cone at biglang tumalon sa kama ko at humilata. "Atlast! Hello bed! I miss you!"

"Hoy! Umalis ka nga dyan!" Lumapit ako sa kama at hinampas si Cone ng unan. Hindi siya natinag at tumawa pa ang walanghiya.

"Ang sarap humiga dito sa kama mo, nakakawala ng pagod" sabi ng hampaslupang apa habang niyayakap ang
unan ko.

"Hindi ka aalis o--" napatigil ako sa pagsasalita ng hilahin niya ako at mapadapa ako sa kama ko.

"Mahiga ka na lang, dami mo pang sinasabi" sabi niya habang tumatawa.

Kingina.

Naupo ako at sinamaan ko siya ng tingin.

"5 minutes" pumikit siya at tinakpan ng braso ang mga mata.

I took a deep breath bago ko kinuha ang cellphone ko at sinimulan ang timer. Sumandal ako sa headboard. Inaantok na ko pero pinigilan ko dahil papalayasin ko pa ang hampaslupang apa sa tabi ko.

Muntik na kong makatulog kung hindi ko lang naramdaman ang paggalaw ng kama. Dinilat ko ang mata ko at nilingon ang gilid ko kung saan nakahiga si Cone.

"Hoy Apa" tawag ko.

Hindi siya sumagot. Niyugyog ko ang balikat niya pero wala pa rin. Tatakluban ko na sana siya ng unan ng mapansin ko ang kwintas niya, parang pamilyar. Lumapit ako at tinignan kong mabuti. Tryst. Pauso. Bagong pangalan? Ang panget! Bibitawan ko na sana yung kwintas ng bigla niyang hawakan ang wrist ko.

"What are you doing?" tanong niya ng nakakunot noong tumingin sakin.

"Tinignan ko lang to. Tss. Kung ano man ang iniisip mo, tigilan mo na, nasasayang ang function ng utak mo"

Ngumisi siya. Binitawan niya ang kamay ko at naupo ng maayos. "Concerned ka na sa utak ko?"

"Asa ka pa. Umalis ka na nga" tinulak ko siya ng mahina.

Tumatawa siyang bumaba ng kama at lumabas. Baliw na talaga yun. Tss.

**

"Good morning Kikay!"

Napatigil ako sa paglalakad ng makita kong nagluluto si Cone.

"Good morning Pamela" napatingin naman ako sa dining table at nakita ko ng nakaupo doon si LWB.

"Si Papa?" tanong ko.

"Umalis na si Papa, may pupuntahan daw at gagabihin daw siya mamaya. Sit down Pam, matatapos na to" sabi ni Apa.

Naupo ako sa tapat ni LWB. Tinignan ko siya ng masama pero nginitian niya lang ako.

"Tss"

Napapikit na lang ako. Ang aga manira ng araw ng mga to. Bakit ba kasi alam nila ang bahay ko. Kinginang yan.

Good To YouWhere stories live. Discover now