CHAPTER 6

3.8K 134 8
                                    


"Time first!" sigaw ni Cone.

Pero hindi ko siya pinakinggan. Kasalukuyan akong nakaupo sa kanya at sinasakal siya nang may biglang sunud sunod na may kumatok sa bintana ng kotse.

"Syet!" sigaw ko nang biglang bumukas ang pinto.

"Pamela!? What do you think you're doing?!" sigaw ni Papa.

"Papa! Help, Kakatayin ako ni Pam!" sigaw ni Cone habang nakahawak sa leeg.

Ang OA, hindi ko naman talaga siya sinakal. Tsk.

"Pumasok na kayo sa loob" sabi ni Papa habang umiiling iling pa.

"Hoy! magtutuos pa tayo!" dinuro ko muna si Cone bago bumaba ng kotse.

Tuloy tuloy lang ako sa kwarto ko, isang malaking paper bag ang bumungad sakin na nakapatong sa kama ko.

"Wow!"

At ang walanghiyang apa ay nandito pa pala at nauna pang pumasok kesa sakin na may ari ng kwarto. At mas malala pa ay siya na din ang kumuha sa paper bag at nagbuklat nito.

Kinginamels.

"Nice. Pam! Sukat mo dali! Tingnan natin kung bagay sayo!" sabi niya habang pinapakita sakin ang isang malaking damit. Tshirt siya na mahaba na parang dress yata. Tsk.

"Sukat mo mukha mo! Umalis ka nga dito sa kwarto ko! Nakakadalawa ka na a! Chupi!" Tinulak ko siya palabas ng kwarto at nilock ang pinto.

Ayoko sa lahat yung pinapasok ng kung sino sino ang kwarto ko e. Tsk!

Hinagis ko lang sa sahig ang paper bag at hindi ko na inaksaya ang oras ko sa pagtingin sa laman nito.

Naligo muna ako bago lumabas para magdinner.

Hindi na ko nagulat ng madatnan ko sa dinning room si Papa at si Cone na nagtatawanan.

FC talaga yang apa na yan.

"O, Pam anak, lika, kumain ka na. Masarap ang dinner natin ngayon" sabi ni Papa.

Naupo ako sa upuan ko. Pinaglagyan pa ako ni Papa ng ulam at kanin.

Kumain ako at napakunot ang noo. Iba ang lasa ng pagkain, sigurado akong hindi ito ang luto ng cook namin.

"Masarap?" ngiting aso na tanong ng hampaslupang apa sa harap ko.

"Sinong nagluto?" tanong ko kay Papa.

"Si Trystan anak, masarap ano?" sagot ni Papa.

Infairness masarap.

"Oo. Buti naman at may maganda ka pa palang nagagawa. Kung pupunta ka dito, ikaw na lang palagi magluto para may pakinabang ka naman samin" sabi ko.

Prangka akong tao, hindi ako nagpapakipot at nagpapabebe. Pag nagustuhan ko ang isang bagay, sinasabi ko. Kapag ayoko, sinasabi ko. Ngayon, nagustuhan ko ang luto niya kahit ayoko sa kanya sinabi ko pa rin ang totoo. Ayoko kasi sa sinungaling.

"Really? Buti naman hindi ka nagpakipot. Haha. And sure! I love cooking kaya okay lang sakin na ipagluto kayo. Matutuwa nito si Mommy" nakangising sagot niya.

Hindi ko na siya pinansin at kumain na lang ako. Ang sarap talaga ng ulam! At may dessert pa! Yung luto kasi ng cook namin medyo maalat at iisa lang ang lasa kahit iba iba ang pangalan ng ulam.

Kakatapos lang namin kumain at paakyat na sana ako ng biglang tumunog ang doorbell.

"Ako na" sabi ni Cone.

Oo, at hindi pa siya umuuwi, dito na ata balak tumira. 8pm na. Hinintay ko munang makabalik si Cone para malaman ko kung sinong bisita dahil may pakiramdam akong si LWB yun.

Good To YouWhere stories live. Discover now