EPILOGUE

2.4K 77 17
                                    


"Gosh! Ang aga natin!" reklamo ni Yanna nang makarating kami sa school.

Hindi ako umimik at tahimik lang na bumaba ng kotse. Nagrereklamo pa rin siya nang makababa siya at hindi pa natapos hanggang sa makarating kami sa classroom namin.

"Bakit mo iniiwasan si Trystan? Sabay lang naman kayong papasok! Nasisira tuloy yung beauty sleep ko!" she grumbled.

Napailing ako pero hindi ko pa rin siya pinansin. Hindi ko naman sinabing sumabay din siya sakin, pwede naman siyang magpasundo kay Raven. Tsk.

"Im going to take a nap, gisingin mo 'ko kapag dumating na si prof." sabi niya saka yumuko sa desk.

Gusto ko din sanang matulog kaso kinakabahan ako. Kingina kasing apang yun, baka bigla na lang sumulpot dito. Kailangan alerto ako bago pa siya makapagkalat.

Humalukipkip ako at sumandal sa upuan habang nakatingin sa labas ng bintana. Nasa third floor kami ng building kaya kita ko yung mga estudyanteng naglalakad sa field. Ala-sais pa lang ng umaga kaya medyo bilang pa sila sa daliri at nakikita ko pa yung mga nagwawalis.

"Pam? Ang.. aga niyo?" tanong ng classmate namin na bagong dating lang.

Tinitigan ko siya pero bigla siyang umiwas ng tingin saka nagkamot ng ulo at naupo na lang sa upuan niya. Napakunot ang noo ko sa inasta niya pero hindi ko na lang pinansin, hindi ko rin naman matandaan yung pangalan niya.

"Si Yanna ba yan? Wow, ang aga ha!" narinig kong sabi ng babaeng bagong dating ulit.

Hindi ko na siya sinulyapan. Ano bang pakialam ko kung dumating sila? Mag-iingay lang naman ang mga yan tapos tatahimik lang kapag may professor o may gwapong dumating. Tsk.

Halos sunud-sunod silang dumating at halos lahat sila makahulugang tumingin sakin. Si Gabby nga, tinaasan pa 'ko ng kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na parang nang-iinsulto pero hindi naman nakakainsulto. Ginising ko si Yanna nung dumating yung prof namin. Natulog talaga siya at namumula pa yung mata nung tumunghay. Napailing na lang ako at nakinig sa klase.

"I just gave you the preview of six sigma, but for now, we're going to skip that part because it's not included in your curriculum. Pang business and masteral's degree na kasi talaga yan kaya let's all move on to our next topic, na dapat inaapply din sa lovelife kapag iniwan na kayo ng mga girlfriends o boyfriends niyo. Move on, move on din!" Ms. Jacinto chuckled.

I clicked my tongue na medyo napalakas yata kaya napatingin sakin si prof.

"Miss Reyes, bitter ka? Hindi ka ba makamove on?" tanong niya.

What the fvck? Saan naman ako magmumove on? Sa six sigma na hindi ko naman nagets?

"Hindi nagmumove on yan Ma'am! May boyfriend na yan!" sigaw ng hindi ko kilala kung sino.

Narinig kong tumawa si Yanna sa tabi ko saka ginatungan yung sinabi ng isang epal. "Colorful ang lovelife niyan Ma'am, never mabibitter!"

"Pinagsasabi mo?" naiinis kong tanong kay Yanna at malakas siyang siniko para matigil siya.

Pinatahimik na silang lahat ni Ms. Jacito at parang bigla siyang nawala sa mood kaya hindi na nakaimik ang mga epal.

"I think, siya talaga yung bitter. Look, bigla siyang naging seryoso nung malaman na may lovelife ka." Yanna whispered.

Sinaway ko siya dahil baka marinig kami at mapalabas na naman nang wala sa oras. Nakinig lang ako at hindi pinansin yung mga maya't-mayang tumitingin sakin na para bang mawawala ako kaya binabantayan nila 'ko.

"Feeling mo, maganda ka na niyan?" sabi ni Gabby na biglang humarang sa dadaanan ko palabas ng classroom pagkatapos ng klase.

I scowled at her. "Anong pinaglalaban mo?" tanong ko.

Good To YouWhere stories live. Discover now