CHAPTER 63

1.3K 68 9
                                    


Nanlaki ang mga mata ko at nag-iwas agad ako ng tingin. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko ng palihim pero hindi yun nakaligtas sa mapanuring mata ni Yanna.

"Why am I so happy seeing you like that Pam?" tanong nito. "Why are you nervous anyway?"

Huminga ako ng malalim saka pokerface na bumaling ulit sa kanya. Mukha siyang tuwang tuwa sa naging reaksyon ko at narealize ko na hinuhuli niya nga lang ako. Kingina. Kakasabi ko lang na dapat mag-ingat. Ang tanga ko. Badtrip!

"Anong nakita mo?" kalmadong tanong ko. 

Umangat ang kaliwang kilay habang hindi na naalis yung ngisi niya. "Pag sinabi ko ba, papatawarin mo na 'ko?"

Kumunot ang noo ko. Actually, hindi ko na magawang magalit sa kanya kahit na nagsinungaling siya. Masyado akong naooverwhelm sa lahat ng nalaman ko ngayong araw kaya wala na kong panahon magalit. Tumango na lang ako dahil tinatamad na 'kong magsalita. Sayang ang laway.

"You're really that eager to know huh? May idea ka ba?"

Pinaningkitan ko siya ng mga mata pero ang walanghiya, tumawa lang na akala mo napoposses. Pinanood ko lang siya hanggang sa maubos ang kaligayahan niya pero mukhang imposible yung mangyari kasi simula ng maging okay sila ni Raven, siya na yata yung pinakamaligayang tao sa mundo. Tsk.

"Sasagutin mo ba o tatawa ka na lang dyan? Kung hindi mo sasagutin, lumayas ka na lang sa kwarto ko," naiinis na sabi ko.

Ayoko pa naman sa lahat, yung pinaghihintay ako.

"Short tempered mo talaga. I really wonder what my cousin have seen in you"

Napairap ako. Ayan din ang tanong ko kaya hindi ako agad naniwala sa hampaslupang apa na yun. Hindi ko akalain na wala siyang taste palibhasa, wala rin naman akong taste kung tutuusin.

"Ang dami mo pang sinasabi," nasabi ko na lang.

Nag-indian sit siya saka nagpangalumbaba habang tinititigan ako. Hindi agad siya nagsalita pero kitang kita ko sa mga mata niya na may alam siya sakin na hindi ako aware.

"You like him, right?" sabi nito, finally.

Nag-iwas agad ako ng tingin. Hindi talaga ako marunong magsinungaling. Kingina. At hindi rin pala ako marunong magtago ng feelings! Ganun na ba talaga ako kaobvious? Kaya ba ganun na lang yung ngiti ni Cone kanina kasi alam niya rin?! Ugh! Hindi pwede! Hindi niya pwedeng malaman!

"C'mon Pam! You're so obvious kaya no! And im your best friend, you think you can hide something from me?"

I sighed in defeat. Bagsak ang balikat kong binagsak ang katawan ko sa kama saka pumikit. Buking na 'ko kaya aamin na lang ako. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap to. Sana pala hindi ko na lang narealize para mas madaling itago at itanggi.

"Sobrang obvious ba?" pabulong na tanong ko.

Narinig ko siyang biglang tumili at inalog ang katawan ko. "Oh my gosh! Pam! Nakakainis ka! Gosh! I can't believe it!"

Napabangon ako bigla at pinandilatan siya ng mata. "Wag mong sabihing hinuhuli mo lang ako? Masasapak talaga kita Yanna!"

She gasped. "What? Of course not! I knew it na no. But I still can't believe that you really like him! Gosh Pam! Kailan pa?"

Napabuntong hininga na naman ako ng sobrang lalim. Hindi ako makasagot kasi hindi ako sigurado kung kailan 'to nagsimula pero sigurado ako na hindi lang pagkagusto yung nararamdaman ko, pero hindi ko siya itatama. Bahala siya sa buhay niya. Bakit ba kasi ganito pala kahirap to?

"Ewan ko"

"Pwede ba 'yon?" tanong nito na napakunot pa ang noo.

"Eh, hindi ko alam eh"

Good To YouWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu