CHAPTER 31

1.9K 80 22
                                    

Kunut na kunot ang noo kong nakatitig sa kanya. Habang siya naman ngiting ngiti sakin.

"It looks good on you" sabi niya.

Tatanggalin ko na sana pero naisip ko na kailangan ko to dahil mainit, kaya sige sakin muna. "May pakinabang ka rin pala" nasabi ko na lang saka siya tinalikuran at binilisan ang paglalakad.

"Pam!" sigaw ni Yanna at ngiting ngiti sakin habang papalapit ako sa kanya.

Tinaasan ko siya ng kilay "Ano? Iba na naman yang iniisip mo" puna ko.

Tiningnan niya ang cap na suot ko at tinuro "I saw that" sabi niya habang nakangiti na nang-aasar.

Napabuntong hininga na lang ako at napailing. Bakit hindi ko naisip to? Tsk. Kinginang yan.

"He's just concern to Kikay Yanna, don't make it a big deal" biglang sabi ni Cone na nasa gilid niya.

Tiningnan ko siya at ngumisi lang siya sakin.

"Duh! Ang sweet kaya. So, it's a big deal" sagot naman ni Yanna habanh umiirap.

Hindi na sumagot si Cone. Buti naman dahil hindi ugali ni Yanna ang magpatalo pagdating sa ganito. Baka marindi lang ako.

*

Pagkatapos namin sumakay sa flying fiesta, sinunod naman namin space shuttle tapos Rio grande at jungle log.

"Kingina. Basang basa na ko" reklamo ko pagkababa namin sa jungle log.

"It's so fun Pam!' sabi naman ni Yanna na basang basa na rin.

"Let's change our clothes baka magkasakit pa tayo" sabi ni Cone na sinunod naman namin.

Pagkatapos magpalit, kumain muna kami ng tanghalian at nagpahinga. Naglaro muna kami sa mga stall na maraming nakasabit na malalaking manika. Hindi naman ako naengganyo dahil hindi naman ako mahilig sa manika. Tss. Sawang sawa na kong makakita ng ganyan at pati sa panaginip koh hinahunting ako ng mga manika lalo na ng mga panda! Peste.

"Panda o!" sabi ni Yanna habang sinisiko ako.

Tsk. Sinabi ng ayoko sa lahat yung sinisiko ako.

"Nako Yanna. Tigil tigilan mo ko sa panda na yan, naaalala mo lang si Raven e" ganti ko sa kanya.

Alam kong maiinis siya dahil ayaw niya ng marinig ang pangalan ni Raven dahil nagmumove on daw siya. Tsk.  Kala mo naman naging jowa niya yung tao, kung makapagsabi ng nagmumove on.
"You're ruining the vibe! Hmp!" pinandilatan niya ko ng mga mata.

Nginitian ko lang siya ng nang-aasar at nakita ko naman na napatingin samin si Cone.

"I've heard Raven's name, what about him?" tanong nito kay Yanna.

Yanna rolled her eyes heavenwards "Nothing! Pwede ba, stop talking about him na! We're here to enjoy. Duh! Ian, magaling ka ba dun? Tara kuha mo naman ako ng panda!" sabi ni Yanna sabay hila kay LWB papunta sa stall.

Sinundan ko na lang sila ng tingin habang napapailing.

"Gusto mo din ba ng panda?" biglang tanong ni Cone.

Lumingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. "No. Thanks" sagot ko at sinundan na sila Yanna.

Sumunod naman siya sakin. "Lagi kang may hawak na panda sa school di ba? I thought you love pandas?" sabi nito.

Love? Yuck! Nabubwisit nga ko sa mukha ng panda dahil naaalala ko yung panget na mascot na yun na nagnakaw ng first kiss ko! Tangina.

"Kasalanan yun ng kaibigan mo at masyadong panget ang panda para magustuhan ko" sagot ko na lang habang nakapoker face.

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon