CHAPTER 26

1.8K 74 9
                                    


Sinamaan ko siya ng tingin pero walang epekto. Mas lalo pang lumawak ang ngiti niya nang iharap niya sakin ang hawak niyang kahon.

"Surprised?" sabi niya.

"Tss" kinuha ko sa kamay niya ang kahon at iniwan siya. Tuluy tuloy lang ako sa kusina at inilagay sa ref ang cheesecake tapos umalis na ko at naupo sa sofa.

Hindi naman nagtagal sumulpot ulit si LWB at naupo sa tabi ko na may dalang isang rosas na puti.

"For you" inabot niya sakin pero tinitigan ko lang ito.

"Di ba sinabi ko sayo allergic ako sa bulaklak" naiinis na sabi ko.

Hindi niya ko pinakinggan at mas nilapit sa mukha ko ang rosas.

"Kingina"

"Allergic my ass. I just picked this on your garden. Kung allergic ka dyan, edi sana  walang ganyan sa bakuran niyo"  nakangising sabi niya.

Tsk. May isip din pala tong isang to.

Imbis na makipagtalo, tumayo na lang ako at umakyat sa kwarto ko. Bahala na siya sa buhay niya. Tsk.

Ilang sandali lang may kumatok naman sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko pinansin at nahiga ako sa kama ko saka pumikit. Wala si Papa, ibig sabihin ako lang mag-isa pati si Manang Lolita at Mang Ed. Tss.

Ilang araw naman kaya siyang mawawala. Hindi pa siya tumatawag. Tsk.

I sighed.

Wala akong magawa kaya bumangon ulit ako at lumabas ng kwarto. Walang trace ni LWB sa sala, baka umuwi na, mabuti naman. Nagpunta ako sa kusina pero laking gulat ko nang makita ko kung sino ang nagluluto ng hapunan namin kasama ni Manang.

"Nandito ka pa rin?" kunot-noong tanong ko.

Nilingon niya ko at nginitian. May hawak pa siyang sandok at nakaapron na kulay pink. "Manang said, you like Caldereta?" tanong niya.

Tinitigan ko muna siya at sinilip ang niluluto niya. Hindi ako sumagot ay naupo na lang sa upuan sa dining.

Ilang sandali lang sumunod siya sakin na may dalang maliit na kaserola na pinaglagyan ng niluto niya.

"First time kong magluto. Sana magustuhan mo" sabi niya nang hindi tumitingin sakin.

Tinitigan ko ang Caldereta, mukha namang masarap. Sana nga masarap at hindi katulad ng palagi naming ulam na iisa lang ang lasa.

Naglagay ako ng kanin sa plato ko at naglagay ng kaunting Caldereta para tikman muna kung edible ba o hindi.

"How was it?" nag-aabang na tanong ni LWB.

Wala akong masabi. Kinginang yan.

Sinabi ko na, na sana hindi katulad ng lasa ng niluluto ni Manang pero kingina parehong pareho! Palibhasa si Manang ang nagturo. Napailing na lang ako.

"Pamela.."

I sighed. Para tuloy gusto kong papuntahin dito si Cone at paglutuin ng masarap na ulam. Kinginang yan.

"Okay lang, kalasa ng luto ni Manang" sabi ko at patuloy sa pagkain.

Wala akong choice, sayang to kung hindi kakainin.

"Talaga? Do you like it?" excited niyang tanong.

Halos masamid ako sa tanong niya kaya napainom ako ng tubig. Mukhang ang saya niya sa sinabi ko. Kung alam niya lang. Tss.

"Hindi" sagot ko at hindi ko na siya pinansin kahit marami pa siyang tinatanong.

Pagkatapos kong kumain, tumayo na ko at niligpit ang pinagkainan ko at iniwan na siya sa dining room.

Good To YouWhere stories live. Discover now