Way back ten years ago....

17.3K 557 205
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Pakiramdam ko ng mga sandaling iyon ay nasa isang masamang panaginip ako."

Yakap-yakap ko ang kapatid ko na nag-aagaw-buhay. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak at magdasal.

"Huwag ang kapatid ko, huwag si Yufa!"

Akala ko ay imahinasyon ko lang, pero may isang lalaki ang bigla na lang nagsalita mula sa likuran ko.

"Oras na."

Lumingon ako, at nakita ko ang isang lalaki. Nakasuot siya ng kulay abo na damit na hanggang talampakan ang haba at mahabang manggas na abot hanggang sa kaniyang mga kamay. Pero mas nagulat ako nang makita ko ang nasa likuran niya. Dalawang pares 'yon ng mga pakpak na animo'y kalansay, habang hawak niya sa kaniyang kanang kamay ang isang malaki at mahabang karit na sa sobrang kintab ay magagawa mo nang makita ang sarili mong repleksyon sa malapad nitong patalim.

"S-sino ka?" tanong ko bigla sa lalaki habang yakap ko parin ang kapatid kong si Yufa.

Nakita ko ang bahagyang paglaki ng mga mata ng lalaki na nakatayo sa harapan namin ng kapatid ko. Bigla itong ngumisi sa akin, ngisi na para bang ngayon na lang ulit siya nakakita ng isang pambihirang bagay sa loob ng matagal na panahon.

"Bibihira na lang ang mga taong nagagawa akong makita kahit hindi pa nila oras." Inangat ng lalaki ang hawak niyang karit at balak niya itong itarak sa kapatid ko "Wala ka nang magagawa, oras na n'ya."

Nang sinabi niya ang mga salitang iyon ay agad kong prinotektahan ang kapatid kong si Yufa. Niyakap ko siya nang mahigpit at sinabi ko sa lalaki na...

"Nakikiusap ako! Kunin mo na lang ako, huwag lang ang kapatid kong si Yufa!"

Naramdaman kong huminto ang lalaki sa pagtatangka niyang kunin sa akin ang kapatid ko. Bigla niyang inangat ang aking mukha at sinubukan akong tingnan diretso sa aking mga mata. Laking pagtataka ko na nakangiti pa siya imbis na magalit. Tinitigan niya ako ng napakalalim na para bang may gusto siyang ipahiwatig sa akin.

"Hindi ka ba natatakot? Hindi mo ba ako kilala, totoy?"

"Hindi." Sagot ko kahit ang totoo, takot na takot ako ng mga oras na iyon. "Ang alam ko lang, kukunin mo sa akin si Yufa!"

"Hindi ko na siya kukunin sa iyo." Nang sinabi niya iyon ay biglang nagliwanag ang katawan ng kapatid ko. Kanina lang ay kasing lamig na siya ng isang patay, ngayon ay nararamdaman ko na ang dumadaloy ang init sa buo niyang katawan.

"Y-Yufa!"

Ngunit mabilis na napatid ang kasiyahan ko nang biglang nagsalita ang lalaki.

"Hindi ko kukunin ang kapatid mo, pero sa isang kondisyon."

Napatingin ako sa lalaki nang sinabi niya na may kondisyon.

"Sampung taon mula ngayon, babalikan kita, at sisingilin kita ng buhay mo. Ano sa tingin mo, Haru? Magandang deal 'yon, hindi ba?"

"S--sampung...taon?"

Hindi ko alam kung paano nalaman ng misteryosong lalaki na iyon ang pangalan ko at kung ano ang ibig niyang sabihin sa sampung taon. Ang alam ko lang, masaya ako na hindi niya kinuha ang kapatid ko mula sa akin. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nawala na ang lalaki at nagising na si Yufa. Himala raw sabi ng mga doktor na nagising pa siya matapos nilang ideklarang wala na siyang pag-asa pang mabuhay. Hindi ko na inisip pa kung ano ba ang pinag-kasunduan namin ng lalaking iyon kapalit ng buhay ng kapatid ko. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ligtas na si Yufa at mamumuhay na ulit kami ng normal... tulad ng dati.

*************************************

Written and illustrated by : Yoshiro Hoshi

Genre: Paranormal /Fantasy Novel

All rights reserved © 2011 from the original manuscript.

*************************************

Hi po ulit! Sana magustuhan nyo rin po itong bago kong novel na i-popost ko dito!!!

Pasensya na kung ngayon lang...kasabayan dapat ito ng Code Chasers, kaso dahil di ko pa tapos gawin ang cover kaya hindi ko sya maipost.

**Para po sa mga hindi pa nakakaalam, nagawa ko ang story na ito way back 2011, kaso, dahil graduating ako ng mga panahong iyon kaya napilitan akong itigil ang project. Hanggang ngayon, (4 years na ang nakakaraan) hindi ko parin sya natatapos (nakarating lang ako hanggang chapter 11 -- hehe, masyado na kasing naging busy sa pag-tatrabaho after graduation.)

**Pero ngayon, maipag-papatuloy ko na sya! Kaya para sa mga nakabasa na nito noon at talagang na-addik lang kay Death Adder--Heto na po! sana po magustuhan nyo!

**May binago lang ako ng konti mula sa original manuscript--pero same story board, wala akong binago sa naging takbo ng kwento maliban sa ilang mga detalye.

**Kinarir ko rin po ang pag-reresearch ng material para sa kwentong ito, mga pangalan, pangyayari, miski ang mga dates--kaya isa lang ang pakiusap ko-- please don't plagiarize this work -- dugo't pawis ko talaga ang inilaan ko para lang mabuo ang bawat chapter - to the point na lagi akong nasa library ng university noong panahon na ginawa ko ito para lang makabuo ng magandang story board (T__T)

**Dedicated po ang novel na ito kay Ms. Melody Galang -- no # one fan kasi sya ni Death Adder. Ganoon din po kay Ms Maricar "Kakay" Barientos na noon pa nangungulit na tapusin ko na ito. Ganoon din kay Ms. Evelyn Edoria (Most of the ghost terms sa kaniya ko nakuha -- isa syang babaeng adik sa mga kababalaghan during HS days....) At kay Jamie Wallen Ferrer na kasama namin ni Evelyn sa mga ghost hunting activities during high school (shocks! throwback thursday lang ang drama)

Marami pong salamat!

Kind regards to all,

Yoshiro Hoshi 0_0

*************************************

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*************************************

Author's Note:

This work is purely a product of the writer's imagination. Places, names, dates and events appearing on this work are used only as reference and not necessarily happened in actual as portrayed on each chapter.

*************************************

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon