CHAPTER 1: SUPERHERO

5.9K 202 339
                                    

Nahulog si Hunter sa kanyang kama nang magulat sa maingay na tunog ng kanyang alarm clock na may disenyo ng mga karakter na sina Finn at Jake mula sa cartoon series na Adventure Time.

Naunang bumagsak ang kanyang mukha sa sahig na may asul na linoleum, ngunit wala siyang naramdamang sakit. Iba na talaga ang makapal ang mukha.

Naniningkit pa ang kanyang mga mata dahil sa antok. Sumampa siyang muli sa kama at dinakma ang alarm clock na patuloy parin na tumutunog.

"Ilang araw na akong puyat dahil sa'yo!" sambit niya na tila isang baliw na kausap ang alarm clock na ang ingay lamang na gumising sa kanya ang itinugon. "Patatahimikin na kita!" dugtong pa niya na nakangiti na tila isang baliw na kontrabida sa mga movies.

Binuksan niya ang battery compartment ng alarm clock at inalis ang baterya na nagpapatakbo dito. Nang maalis ang baterya ay nanumbalik ang katahimikan ng buong silid na magulo.

Napakamot si Hunter sa kanyang magulong buhok. "Bakit ngayon ko lang naisip na alisin 'tong battery?" tanong niya sa sarili habang tinitingnan ang baterya sa kanyang kamay.

"HUNTER!!! Gumising ka nang mokong ka!!!"

Tuluyang nawala ang kanyang antok nang marinig ang malakas na boses ng kanyang tiyahin na mainitin ang ulo.

"O-opo, gising na ko!"

Mabilis niyang ibinato ang baterya sa kung saan at mabilis na pumunta sa banyo upang maligo.

-*-*-

"Tandaan mo, magpakabait ka sa bago mong school, wag makikipag-away, lumayo ka sa gulo, sa bisyo o barkada na hindi maganda ang impluwensya!" pangaral ng tiyahin niya na si Cherry, mainitin nga ang ulo nito, ngunit may puso naman ito ng mapagmahal at mapag-arugang ina.

"Auntie, eighteen na po ako, pero ang pangaral niyo parang sa elementary parin," reklamo ni Hunter habang kumakain ng almusal na inihanda ng tiyahin. Isang oatmeal na specialty daw nito. Nagpakahirap pa raw siyang lutuin iyon.

"Sumasagot ka pa, lumamon ka nalang!"

-*-*-

Bagong buhay, bagong bahay, bagong eskuwela. Hindi rin alam ni Hunter kung bakit palipat-lipat sila ng bahay at eskuwelahan. Wala naman silang nagiging utang o atraso, hindi naman sila napapaaway, wala pa namang tumutugis sa tiyahin niya na mukhang miyembro ng mga sindikato. Ang problema lamang siguro dito ng mga kapitbahay ay ang malakas nitong boses at pagiging trashtalker.

"Ba't nakatanga ka pa?" inirapan siya ng kanyang Auntie Cherry na nagsindi ng sigarilyo habang nanonood ng TV habang nakataas ang mga paa sa center table.

Umiling siya at tumayo dahil ubos na ang kinakaing oatmeal. "Alis na po ako."

"Sige lang, gunggong! Ikaw na magtapos ng mga requirements mo sa school!"

-*-*-

Napanganga si Hunter habang nakatayo sa tapat ng magarang gate ng bagong paaralan na kanyang papasukan, ang McClendon University. Halatang halos mayayaman o may kaya ang mga mag-aaral dito dahil na rin sa itsura ng mga dumadaang estudyante na nakakotse at mukhang mga espasol at techno-geeks. Alam niyang kuripot ang kanyang tiyahin kaya nakakapagtaka na sa dinami-rami ng mga paaralan sa kanilang siyudad, ay dito pa siya naisip na ipasok. Magkano kaya ang tuition dito?

Inabot siya ng ilang minuto bago mahanap ang opisina ng guidance counselor.

"Good morning po," bati niya sa isang babaeng may hanggang balikat na buhok at side bangs. Maganda ito (dahil sa makeup) at mukhang mabait.

"Yes?" mahinahon din ang boses nito.

Binasa ni Hunter ang nakasulat sa table nito na pangalan.

Miss Maple Martinez
Guidance Counselor

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora