CHAPTER 1: SURT, THE FIRE GIANT

599 32 0
                                    

Ilang katok ang narinig ni Clark sa pintuan ng kanyang opisina.

Napakamot siya sa kanyang magulong buhok nang maistorbo sa ginagawa niyang doodle na KILL LOKI.

"Tsk! Just come in!" sigaw niya sa kumakatok. Itinuloy ng kanyang kaliwang kamay ang pagguhit.

Matalas ang pagkakatitig ni Clark kay Brendan na kapapasok lamang sa pinto.

"Hindi ka parin nagbabago, Heimdall. Masama ka parin tumitig at hindi masyadong sinasabi ang laman ng iyong isipan," nakangiting sambit ni Brendan.

"Hindi ka parin nagbabago. Maitim ka parin."

Nagsalubong ang mga kilay ni Brendan. "Tan ang tawag ng mga mortal dito. Bronze-colored body. Ikaw? Aluminum na sobrang putla?"

Inirapan siya ni Clark. "Albino. Tanga."

Kahit naiinis ay pinilit ni Brendan na ngumiti. Pinilit niyang panatilihin ang pangako niya kay Frigga.

"Sige na, layas na. Enrolled ka na," sambit ni Clark na ipinagpatuloy ang doodle na kanyang ginagawa.

"Thanks. By the way, 'di ka pala artistic. Maganda ang color combinations, pero pangit ang pagkakadrawing ng uod," pahabol ni Brendan na nakangisi bago lumabas ng pinto.

Kinusot ni Clark ang papel na dino-drawing-an kanina at ibinato iyon sa pinto. "Hindi 'yun uod! Ahas 'yun! Walang uod na may dila! Bwisit ka, Tustadong Intsik!" sigaw niya na parang bata.

Nakaramdam si Clark ng malamig na mga kamay na nagmamasahe sa kanyang mga sentido. Nakakatulong ang masaheng iyon upang mapakalma siya.

"Raven?" tanong niya.

"Hindi." sambit ng isang boses na agad nakilala ni Clark.

"Tao?"

"Hindi."

"Hayop?"

"Hindi."

"Bwisit, Christian! Alis diyan!" utos niya sa binatang nasa kanyang likuran at kasalukuyan siyang minamasahe.

"May one minute and forty-seven seconds pa. Sayang," sambit ni Christian na nakangiti at tuwang-tuwa makipaglaro ng Pinoy Henyo.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ni Clark.

"Bilin 'yun ni Raven kung sakaling uminit ang ulo mo, imassage daw ang mga sentido mo," tugon ni Christian.

"Bakit, na'san si Raven?"

"Inaayos 'yung papers niya para sa exchange student program," tugon muli ni Christian na napadako ang tingin sa papel na nakakalat. "Di ba si Surt 'yung lalaki kanina?"

Tumango si Clark. Nawala sa isipan niya ang exchange-student program na iyon. Ngunit bakit sa dinami-rami ng mga estudyante ay si Raven pa? "Chaos Academy," bulong niya sa kanyang sarili. Hindi niya gusto ang tunog noon.

"Ang pangit naman nitong uod. Parang drawing bata," panlalait ni Christian sa doodle na kanyang nakitang nakakalat sa sahig.

-*-*-

"Ang galing mo naman magdrawing," papuri ni Rosilie kay Hunter na abala sa pagguhit sa isang sketchpad.

Ngumiti si Hunter at tiningnan si Rosilie. "Hi, ilang araw ka din um-absent ah," bati niya sa dalaga.

Umiwas ng tingin si Rosilie sa kanya. "B-busy kasi. Alam mo na, part-time job, medyo kapos eh."

Bumukas ang pinto ng kanilang clubroom at iniluwa noon sina Clark at Christian na may bitbit na tatlong kahon ng pizza.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now