CHAPTER 34: RUINED LIVES (part III)

525 39 1
                                    

"Magkano, miss?" seryosong tanong ni Christian sa babaeng nakacosplay.

Ngumiti ang babae. "Sir, free trial po ito. Pero, one-hundred-one percent sure po na effective 'tong Perfection Potion namin."

"Pwede kunin ko na 'tong isang bote? Free naman 'di ba? Please?"

"Sir, isang patak lang po ang free. Kung bibilihin po kasi ito, 3,000 pesos."

Inilabas ni Christian ang kanyang wallet at dumukot ng malulutong na apat na libo. Ang benefit nga naman ng mayaman na ina, at swerte pa niya na spoiled siya. "Bibilihin ko na 'yan. Tip mo na itong one-thousand. Please."

Nagningning ang mga mata ng babae nang makita ang pera. Free trial naman talaga ang isang bote na iyon, walang bayad kaya ibig sabihin, kanya ang lahat ng perang iyon.

-*-*-

Padabog na binuksan ni Clark ang kanyang opisina. Nanlaki ang kanyang mga mata nang masaksihan ang malaking pagbabago sa opisina.

May chandelier sa kisame, may carabao grass sa sahig, at ang tanyag na Mt. Fuji sa isa sa mga dingding. Sa gitna ng magulong silid, nakatayo si Kaizer na nakangiti at mukhang satisfied sa mga kalat na kanyang ginawa.

"Laufejarson!" sigaw ni Clark na bakas ang galit sa bawat titig. Una, sinira ni Loki ang kanyang buhay. Pangalawa, ang kanyang love life. Pangatlo, ang kanyang opisina!

-*-*-

Kinabukasan...

Nakangiting pumasok si Christian sa McClendon Academy. Sinasabayan pa niya ng pagkanta ang paglalakad. Binabati din niya ng magandang umaga ang bawat makasalubong.

"Magandang umaga, Tyr!" masigla niyang bati sa sanitary engineer ng kanilang paaralan.

Bahagyang yumuko rin si Tyr, o mas kilala ng lahat bilang si Mang Enteng upang magbigay-galang sa kapwa dating diyos ng Asgard. "Magandang umaga rin sa iyo, Balder."

Dumiretsyo si Christian sa PMS Clubroom. Pagbukas niya sa pintuan ay nakakagulat na tahimik ang paligid. Walang Hunter na sumisigaw at sumasaway kay Rosilie. Walang James na maingay na humihilik. Walang Kaizer na nanggugulo. Walang Clark na bigla-bigla na lamang sumusulpot. Walang...-

"Walang tao dito, layas na!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

"Hel?"

Biglang lumabas si Raven mula sa madilim na sulok ng silid. May hawak siyang popsicle sa isa niyang kamay. Kahit nakaponytail ang kanyang maalong buhok, nakalaylay naman ang mahaba nitong side bangs kaya magulo parin ang kinalabasan ng kanyang buhok.

"Barder?" malamig niyang sambit habang nakasubo ang popsicle sa kanyang bibig. Kinuha niya ang sinusubong popsicle. "Kung hinahanap mo sila, nandun sila sa SC Office."

"Sa office ni...-"

"WAG! Wag. Mo. Babanggitin ang pangalan ni Clark!" madiin ang pagkakasambit ni Raven sa bawat salita. Ngunit napatakip siya sa kanyang bibig nang mpagtanto na siya mismo ang nagbanggit sa pangalan ng taong kinaaasaran. "Nagtrashtalk na naman ako! Hindi ko sinasadya!"

"Hel? Ano meron kay Cl...-"

Hindi itinuloy ni Christian ang sinasabi dahil tinutukan siya ni Raven ng popsicle stick. "Wag mo itutuloy na sabihin ang pangalan ni Clark!" Napasabunot naman siya sa kanyang magulong buhok. "Nasabi ko na naman!"

Ngumiti si Christian. Alam niya na kailangan ni Raven na mapag-isa. Kailangan nito ng kausap, ngunit hindi siya ang nais nitong makausap. "Sige, pero kailangan mo ba ng suklay? Meron ako dito sa bag."

"Hindi! Kahit ano namang gawin ko, hindi naman ako napapansin ni Clark! Ansakit niya kaya magsalita! Ibugaw ba naman ako sa iba!"

Dahan-dahang isinara ni Christian ang pinto at dumiretso na sa Student Coucil Office.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon