CHAPTER 20: THE HOLSTEIN RESORT MYSTERY (part III)

688 49 3
                                    

Abala ang lahat sa kanya-kanya nilang gawain habang naghihintay ng alas-dose. Lahat ay gising at hindi makatulog...maliban pala kay Clark na hindi naman talaga natutulog.

Napatingin si James sa oras sa kanyang phone. 10:47 pm.

"Mag-c-cr muna ako," paalam niya.

"Ingat! Pakasaya ka!" nakangiting tugon ni Christian na nilalaro si Gullinbursti at pinipilit pasayawin.

-*-*-

Pagpasok niya sa pinto ng CR ay nakaramdam siya na may hindi nakikitang bagay na tumama sa ulo niya. Nainis pa nga siya dahil nasagi ng bagay na iyon ang buhok niya na bahagyang nagulo. Binalewala niya na lamang iyon upang makapagsalamin.

Pagpasok sa Men's Comfort Room ay salamin agad ang unang tatambad. Kaya napangiti siya ng matagpuan ang sariling repleksyon. Habang inaayos ang maayos niyang buhok na minsan lamang magkaganoon ay may napansin siyang itim na bagay na nakasabit sa tapat ng pintuang pinasukan niya. Tinitigan niya ito maigi at nanlaki na lamang ang mga mata niya nang mapansin na isa itong katawan na nakabigti!

Ibig sabihin...ang bagay na tumama sa ulo niya...ay ang paa ng lalaking nakabigti!

-*-*-

Agad napatakbo sina Kaizer, Rosilie at Raven nang marinig ang sigaw ni James.

Pagdating sa pinto ng Men's CR ay agad napansin ni Raven ang multong bangkay ng lalaking nakabigti sa tapat ng pinto.

"Guys, mag-iingat...-"

Hindi na pinatapos ni Kaizer ang babala ni Raven at mabilis siyang tumakbo papasok sa CR upang lapitan si James ngunit may naramdaman siyang tumama sa mukha niya.

"-...kayo."

Napasigaw si Kaizer nang matagpuan ang lumapat sa mukha niya.

"Ano'ng nakita mo?" kinakabahang sigaw ni Rosilie.

Itinuro ni Kaizer ang tapat ng pinto ngunit walang nakikita si Rosilie. "Saan?"

"Ang multo ng lalaking nakabigti," sambit ni Raven na nakatingin sa pinto na parang natural lamang ang lahat ng nakikita.

"Nakakakita ka ng multo?" nakangiting tanong ni Rosilie kay Raven.

Tumango lamang si Raven bilang tugon.

"Wahhh! Miss Raven, sumali ka dapat sa PMS Club! Please," pagmamamaawa ni Rosilie habang nakayakap kay Raven.

"O-oo, sige, tingnan natin," sambit ni Raven na natatawa sa ginawang pagyakap sa kanya ni Rosilie. Buong buhay niya sa mundong kinamulatan niya, nasanay siyang iniiwasan at kinatatakutan. Siya ang kamatayan.

-*-*-

"Yung sinasabi ng matanda na multo ng lalaking nagbigti sa Men's CR, nakita namin," mahinahong kwento ni James na wala na ang bakas ng takot.

"Ano'ng itsura?" tanong ni Christian na nagtataka.

"Na-nakakata-takot! Mu-mulat 'yung mga mata!" nauutal na pagdedetalye ni Kaizer. "Malamig 'yung paa!"

"Paano mo nalaman yung tungkol sa paa?" natatawang tanong ni Hunter.

"Dumikit sa ulo ko," tugon ni Kaizer na kalahating-pagsisinungaling at katotohanan. Totoong dumikit sa kanya ang paa ngunit hindi sa ulo kundi sa mukha niya. Nahihiya lamang siyang ikwento.

"Guys, twelve o'clock na," anunsyo ni Rosilie habang inihahanda ang Ouija board at planchette.

"Bakit may ganyan?" pagtataka ni Clark na salubong ang kilay. "Hindi naman na kailangan 'yan."

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang