EPILOGUE: LIVING LOUDER

1.2K 41 7
                                    

We are living in a crazy world where we will never guess what could happen next.

Tama nga siguro ang lyrics ng isang kanta. Maraming mga pangyayari sa buhay natin, pero hindi sapat ang mga karanasan at kaalaman natin sa kasalukuyan upang matukoy kung ano ang mga pwedeng maganap sa hinaharap.

"Cheers!" sabay-sabay na sigaw nila James, Hunter, Brendan, Freya at Ellery. Kasama rin nila sa lamesa si Ashton ngunit mukhang wala itong balak makihalubilo sa kanila.

Hinampas ni James ang likuran ni Ashton kaya muntikan na itong masalubsob sa lamesa. "Dude, we said cheers."

Inirapan siya ni Ashton. "Ano ba'ng problema mo!"

"We said cheers," pag-uulit ni James. "Ikaw? Ano'ng problema mo? We should be celebrating right now, but by the looks on your face, mukhang lamay ang pupuntahan mo," dagdag pa niya. Hindi siya galit, ngunit bakas ang pagka-inis kay Ashton na hindi marunong makisama.

"Hayaan mo na, bigyan mo ng time na mag-adjust," pagtatanggol naman ni Hunter. "Hindi tayo niyan matitiis."

"Biglang lumawak ang pang-unawa mo humaba rin ang pasensya mo. Mukhang maganda ang naidulot ng pananatili mo dito sa Midgard, Thor," nakangiting komento ni Brendan sa ugaling ipinalakita ni Hunter.

Napangiti na lamang si Hunter dahil hindi niya alam ang dapat isagot sa sinabi ni Brendan. Ngunit sigurado siya na totoo nga mga sinabi nito.

Sa isang lamesa naman ay magkakasama sina Raven, Rosilie, Sigyn, Clark at Christian, Dash at Leonard. Nagbabalik-tanaw habang nagtatawanan sa mga naging karanasan nila sa Midgard.

"Good evening, ladies and germs!" narinig nila ang boses ni Douglas, ang may-ari ng buong bar. "Ngayong gabi, ay isang bagong buhay para sa amin at sa ating lahat. Kaya bilang pagtanggap sa bagong buhay, may baliw na nais maghandog ng awitin para sa ating lahat! Dude, fire up the stage!" sigaw pa niya.

Nagsigawan at nagtilian naman ang mga tao nang makita si Kaizer na umakyat sa stage na may hawak na gitara. "Hoy, mga homo sapiens! Kumusta ang gabi?!" Nagtawanan naman ang mga tao at ang iba naman ay sumagot pabalik. "Okay real talk, this is a new opportunity for us to change. So, I dedicate this song to my buddies over there!" Itinuro pa niya ang direksyon ng lamesang inuupuan nila James at nila Raven. "Sige, isama na rin natin ang may-ari nitong bar na nag-o-offer sa'kin ng regular job dito."

Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao nang marinig na magiging regular na siya sa bar.

"So, guys, let us live louder, fight harder. Because every moment is a second chance for us to change."

Nagsimula siyang kalabitin ang mga string ng bitbit niyang gitara.

"If today's the day I die
Lay me down under the lights
Let me fall in love
Let me save a life
And let me lose my voice
Singing all my favorite songs
Let me stare up at the stars
'Cause it's where we all belong"

Tahimik ang mga tao na nakikinig sa mensahe ng awitin. Nararamdaman nila ang emosyon na ibinubuhos ni Kaizer sa pagkanta, kaya maging sila ay nadadala sa simpleng awit nito na naghahatid ng kakaibang emosyon sa kanila.

"My heart like a firework in my chest
My only regret is having regrets
Travelled the world
I loved every step
And all I know is:
No one, no one lives forever
We will be remembered
For what we do right now"

Napaluha si Raven nang magbalik-tanaw sa kaniya ang mga alaala ng pagsasama-sama nila sa Midgard. Kung tutuusin ay pabor sa kanya ang manatili na lamang sa Midgard at mamuhay ng normal, ngunit may mga responsibilidad siya sa Niflheim bilang diyosa ng kamatayan. Ramdam niya na para siyang tanga na lumuluha habang nakangiti, ngunit hindi niya iyon inaalintana dahil mas mukhang tanga ang mga kapatid niya na humahagulgol. Ngumiti sa kanya si Clark at naramdaman niya na lamang na pasimple nitong hinawakan ang kanyang kamay sa ilalim ng lamesa.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now