CHAPTER 28: CURIOSITY KILLS

540 43 0
                                    

Kinabukasan, tinanghali ng gising ang apat na diyos dahil sa magdamag na pagkukwentuhan ng nakakatakot. Kung hindi pa sila pinilit patulugin ni Frigga ay hindi pa sila matutulog.

Pagkagising nila ay agad silang pinaghanda ni Frigga dahil may mga ipagagawa daw siya.

Pagkatapos nilang kumain ay inanusyo niya ang mga nais ipagawa.

-*-*-

"Christian, James and Hunter, pakilinis ang attic."

Agad tumango ang tatlo.

"Kaizer and Clark, paki-ayos ang landscape ng garden."

"Bakit kami? Pwede si James nalang?" reklamo ni Clark na hindi komportable sa pagsasama nila ni Kaizer.

Umiling si Frigga.

-*-*-

Gumawa ng kasunduan sina Heimdall at Loki sa harapan ni Frigga na hindi sila gagawa ng anumang bagay na maaaring humantong sa kamatay ng isa sa kanila, ngunit hindi ibig sabihin noon ay magkakasundo na sila.

"Nakakaasar ka! Gusto ko 'yang green na watergun! Bakit inagaw mo?!" sigaw ni Kaizer habang nagtatago sa isang halaman sa hardin ni Frigga. Hawak niya ng mahigpit ang isang kulay pink na watergun na ubos na ang lamang tubig.

Nagsimula na naman ang kanilang pagtatalo dahil lamang sa mga watergun na natagpuan sa garden. Ang mga watergun ay ilan lamang sa mga laruan ni Christian na pakalat-kalat.

Hindi na nagsalita pa si Clark na nagtatago sa isang puno na malapit sa pinagtataguan ni Kaizer. Itinutok niya ng palihim ang hawak na watergun sa direksyon ni Kaizer na walang kaalam-alam na nasa malapit lamang siya.

Napatili na lamang si Kaizer na tila isang babae nang mabasa siya ng malamig na tubig na nagmula sa watergun ni Clark.

"Isa ako sa mga diyos ng digmaan, hindi ka dapat nanghahamon!" nakangising sagot ni Clark na hindi tinitigilan ang pagbasa kay Kaizer.

Naghanap si Kaizer ng pinakamalapit na bagay na maaaring gamitin bilang sandata dahil hindi niya na magagamit ang watergun na wala nang lamang tubig.

Sa paghahanap, isang maliit na paso ang kanyang nakapa at inihagis iyon kay Clark.

Sa kasamaang palad, hindi nakailag si Clark. Tinamaan siya sa kaliwang braso.

"Hindi ka talaga marunong lumaban ng patas!" gigil na sambit ni Clark habang hinihimas ang brasong tinamaan.

Isang ngisi lamang ang itinugon ni Kaizer na may kasamang pagtaas-baba ng kanyang kilay.

Nag-init ang ulo ni Clark at nagsimula siyang sugurin si Kaizer.

-*-*-

Lumabas si Frigga mula sa mansyon upang diligan ang mga halaman sa kanyang hardin at tingnan kung maayos bang nagawa nila Clark at Kaizer ang pag-aayos ng mga halaman tulad ng iniutos niya.

Paglabas niya ay nagulat siya sa nangyari sa kanyang hardin. Tumba ang lahat ng mga paso, ang iba ay basag pa at nakahiwalay ang ibang mga halaman mula sa mga paso  nito. Magulo ang lahat, at may iba pang puno na natumba at lagas ang mga dahon. Mukha iyong binagyo!

Nakarinig siya ng ingay mula sa fishpond, doon niya natagpuan sina Clark at Kaizer na nagsasakalan.

"HEIMDALL! LOKI!"

Napatigil ang dalawa nang marinig ang sigaw ni Frigga.

"F-Frigga," nauutal na sambit ng dalawa.

-*-*-

"Ikinulong niyo sila sa cellar?!" hindi makapaniwalang tanong ni Christian habang nagmemerienda sila nila Frigga, Hunter at James.

Hindi mapigilan ni Hunter ang matawa nh malakas sa nangyari. Mukhang bata ang dalawa na naparusahang makulong.

"Kailangan din ng mga iyon ng leksyon paminsan-minsan," pikit-matang sambit ni Frigga na halata ang itim na eyebags dahil sa hindi sapat na tulog kagabi.

"Mukhang wala na talagang pag-asa na magkasundo pa sila," saad ni James bago humigop sa kanyang tasa na naglalaman ng tsaa.

-*-*-

"Kasalanan mo 'to!" reklamo ni Clark habang nakatayo sa tapat ng nakakandadong rehas na pinto ng cellar na pinagkulungan sa kanila ni Frigga.

"Ako? Ikaw ang nagsimula ng watergun war at wrestling!" depensa ni Kaizer.

"Gusto kita saktan pero hindi ko plano na sirain ang paligid!"

Imbes na sumagot pa si Kaizer ay iginala na lamang niya ang malilikot na mata sa paligid ng magulong cellar storage. Napadako ang tingin niya sa isang baul na nasa sulok ng silid.

Nilapitan niya iyon at ininspeksyon.

"Hoy! Lumayo ka diyan!" saway sa kanya ni Clark ngunit hindi siya pinansin ni Kaizer.

Inalis ni Kaizer ang mga nakapatong na bagay sa ibabaw ng baul. Natuwa naman siya nang makitang nakalock ang baul. Kung nakalock ito, siguradong mahalaga ang laman nito.

Naghanap siya ng maaaring magamit upang buksan ang kandado. Nakahanap naman siya ng maliit na rolyo ng alambre sa isang toolbox.

Medyo nahirapan si Kaizer dahil kalawangin na ang kandado ngunit hindi siya tumigil. Tiyaga. Iyon ang bagay na mayroon siya.

Napangisi siya makalipas ang ilang minuto nang magtagumpay niyang mabuksan ang kandado.

"Let's see what do we have here," mabagal na sambit ni Kaizer habang binubuksan ang baul.

Pinanood lamang siya ni Clark. "Dagdag kasalanan 'yan kay Frigga. Next time banned ka na talaga dito sa mansyon!"

Tinaasan lamang siya ng kilay ni Kaizer habang hinahalungkat ang mga papel sa baul. "Tumahimik ka nalang pwede?"

Napangiti si Kaizer nang makita ang mga nakasulat sa scroll. Sinaunang sulat ng mga Vanir.

Kinuha ni Kaizer ang isang scroll at binasa. Hindi niya maintindihan ang kahulugan ng ilang mga nakasulat doon ngunit may nababasa niya naman kahit papaano.

Nagtaka din si Clark sa mga binabasa ni Kaizer kaya lumapit siya dito.

"Sa wakas, may naintindihan din," masayang sambit ni Kaizer. "Hmmm, ituro ang direksyon ng pagbibitawan ng sumpa."

"Hoy! Ano'ng sumpa?!" kinakabahang tanong ni Clark na napaatras.

Ipinagpatuloy ni Kaizer ang pagbabasa sa mga salita na hindi niya maintindihan hanggang sa may lumabas na ilaw mula sa kanyang kamay na nakatutok kay Clark.

Naramdaman na lamang ni Clark na hindi siya makagalaw at makahinga. Unti-unting nanikip ang kanyang dibdib.

"Lo-Loki!" sigaw ni Clark na kinakapos na ng hininga.

Nakaramdam din si Kaizer ng paninikip ng dibdib at kakapusan ng hininga.

"I-itigil mo!"

"Hi-hindi ko alam kung pa'no?!" nag-aalalang sigaw ni Loki.

-*-*-

Nakaramdam si Frigga ng malakas na aura na nagmumula sa cellar. Nabalot siya ng kaba dahil sa bagay na hindi niya alam.

"HEIMDALL! LOKI!" sigaw niya.

Tumayo siya papunta sa cellar ngunit bago pa man siya makababa ay nakarinig siya ng tunog ng nabasag na bagay.

Minadali niya ang pagbaba sa hagdan upang makararing sa cellar ngunit pagdating niya sa cellar ay makalat na paligid ang tumambad sa kanya. Basag ang maliit na bintana.

Naningkit ang kanyang mga mata nang makita ang baul na pinakaiingatan niya na nakabukas.

"HEIMDALL!!! LOKI!!!"

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now