CHAPTER 33: THE LAST TREATY

654 30 1
                                    

Sa malaking lamesa sa kusina ng mansyon nila Frigga, nagkaroon ng pagpupulong ang mga diyos at diyosa ng Asgard, kasama rin ang ilang Jotun na nagnanais na makabalik sa kanilang tahanan. Ang ilan sa mga pumunta ay ang tatlong diyosa ng tadhana na sina Apple o Skuld, Maple o Urda at Cherry o si Verdandi, si Enteng o si Tyr, at ang mga guro ng McClendon Academy na mga diyos din tulad ni Mr. William Spears o si Braggi na diyos ng literatura at ang kanyang asawa na si Iduna, ang school nurse. Nandoon din sina Dash, Leonard, Brendan, Ellery at Sigyn. Dumalo din si Rosilie na inanyayahan ni Odin.

"Bilang panimula, hayaan ninyong ipakilala ko ang tharili ko. Dahil pothibleng hindi niyo ako makilala dahil nakulong ako tha katawan ng ithang bata. Ako thi Odin!" pagbati ng bata sa mga kasama sa pagpupulong habang nakatungtong siya sa isang upuan. Tulad ng dati, may suot niya na naman siyang backpack ngunit bago na iyon at halatang mamahalin. "May kulang pa ba tha atin?"

Maya-maya ay dumating na rin si Ashton na halatang nag-ayos muna. Masama pa nga ang tingin na kanyang ipinukol kina Clark at Raven na magkatabi habang nilalaro si Garm. Ngunit mas masama ang tingin niya kina Hunter at Kaizer na pininturahan ang mukha at katawan niya ng kulay katulad ng character sa Avatar na mga kulay asul na nilalang. Mukhang hindi naman nasindak ang dalawa at nginitian lamang siya ng pagkatamis-tamis na may kasama pang pagkindat.

"Sa wakas, kumpleto na tayo!" sagot ni Frigga sa tanong Odin habang nakatingin kay Ashton na dahilan ng tatlumpung minutong pagkadelay ng pagpupulong.

"Okay!" Ang unang tatalakayin natin ay ang puno ng Yggdrathil!" panimula ni Odin. Kinuha niya ang kanyang backpack at inilabas muka doon ang pugot na ulo na lagi niyang kinakausap. "Andito thi Mimiw upang magbigay ng ulat tungkol tha kalagayan ng Yggdrathil."

Napangiwi ang lahat nang ilapag niya ang pugot na ulo sa lamesa.

Bumukas ang mga mata ng pugot na ulo at tiningnan silang lahat. "Pakipatay ang ilaw," utos niya.

Sumunod naman si Brendan na nakatayo sa tabi ng switch.

Mula sa kalbong ulo ni Mimir ay may lumabas na liwanag na tumama sa kisame at nagsilbing projector. May ipinakita siyang imahe mula sa liwanag. Ang imahe ng puno ng Yggdrasil. Bumilib ang mga nakasaksi sa kakayahan ng pugot na ulo.

"Ang Yggdrasil ay unti-unti nang tumutubo muli, ngunit asahan natin na medyo matatagalan pa ito. Kaya ibig sabihin ay matatagalan pa tayo dito sa Midgard," paliwanag ni Mimir. Pagkatapos ay nawala na ang ilaw sa kanyang ulo. "Let there be light," utos niyang muli.

Bumukas naman ang ilaw.

"Thunod, dahil medyo matatagalan tayo dito tha Midgawd, naithip namin na kailangan nating mamuhay tha ano tayo ngayon. Ekthampol, thila Baldew, ay mga teenagews, kailangan nila 'yung panindigan," paliwanag niya pa.

"So, dahil isa kang bata, magpapakabata ka rin talaga?" tanong ni Ashton.

Ngumiti ng malaki si Odin at tiningnan si Ashton habang nagniningning ang kanyang mga mata. "Tama ka diyan! Itutuwing ninyo akong bata hangga't nandito tayo tha Midgawd!" Gusto lang naman talaga niyang maramdaman ang magandang pagtrato sa mga bata. "Kung ano man kayo, ituloy niyo lang. Dahil pawa tha atin ang thiklong ito, ipinaubaya ito tha atin upang gumawa tayo ng tharili nating kwento. Naiintindihan niyo! Ano, may tumututol ba?"

"Alright! Itutuloy natin ang gambling club!" masayang sigaw ni Kaizer. Napasigaw din sa tuwa ang ilang kasama sa pagpupulong na miyembro ng Illegal Gambling Club ni Kaizer.

"Wait!" sigaw rin ni Odin upang pigilan ang kanilang pagsasaya. "Ang huling tatalakayin natin ay ang pagseal ng ating mga kapangyawihan!"

Dahil doon ay nakatanggap siya ng iba't-ibang komento mula sa mga dumalo sa pagpupulong.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now