CHAPTER 15: RIG

420 28 0
                                    

Isang matalas na pagtitig ang pinakawalan ni Frigga kay Clark. Nanatili namang tahimik si Clark.

Umupo si Frigga sa tapat ng sofa na inuupuan ni Clark. "Nabalitaan ko ang tungkol sa Money in the Bank Wrestling Match. Would you mind explaining that brutality inside the campus? And paano na naman nakapasok si Josh Marty sa school at sumali pa sa Money in the Bank? Hindi ba siya nasense ng surveillance spell mo?!"

"I'm sorry," paumanhin ni Clark na ipinanatiling nakayuko ang ulo. "I don't know what's got into me. I admit my fault. You can punish me."

Napabuntong-hininga si Frigga habang tinitingnan si Clark na mukhang problemado. Magulo ang buhok nito at matamlay ang kilos. Alam niyang hindi ugali ng tagapagbantay ang gumawa ng biglaang desisyon na walang plano. "Heimdall?"

Napa-angat ang ulo ni Clark. Doon makita ni Frigga ang malalaking eyebags sa ilalim ng kanyang mga mata.

"Oh," sambit ni Frigga na nagulat kay Clark. "Kelan ang huling beses na natulog ka?" nag-aalala niyang tanong.

Napa-isip si Clark at napangiti. "Two years ago, ten-minutes ang longest time ko, hihihi."

"Heimdall, bilang reyna mo, inuutusan kita na magpahinga."

Umiling si Clark na tila isang bata. "Hindi ko po kailangan magpahinga. May iba po ba kayong ipagagawa?"

Umiling rin si Frigga nang marahan. "Wala. Just do as I say."

Hindi na tumugon si Clark. Nanahimik na lamang siya upang hindi na humaba pa ang kanilang diskusyon.

Tumayo si Frigga at lumapit kay Clark. May mga sinambit siyang mga salita na siya lamang ang nakakaintindi.

Naramdaman ni Clark na mas nanghihina ang kanyang katawan at bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata. Pinipilit niyang labanan ang nararamdamang antok ngunit mas malakas ang pwersa ng salamangka ni Frigga, kaya nagtagumpay ito na matalo ang kagustuhan niyang manatiling gising.

-*-*-

Abala sina Hunter at Christian sa paggawa ng isang dog house para sa tutang nailigtas ni Hunter. Habang si Rosilie ay kalong-kalong ang tuta na matamlay parin.

"Bakit ganito? Mataba naman siya at mukhang malusog pero bakit ang tamlay niya?" pagtataka ni Rosilie. "Pa'no kaya siya sasaya?"

"Pakainin mo, may mga pagkain diyan," tugon ni Hunter na abala sa pagpupukpok ng pako sa plywood.

"Kanina pa 'yan kumakain, baka gusto na magpahinga," tugon naman ni Christian ma inaalalayan si Hunter. "Ano nga pala ipapangalan natin sa kanya?"

"Chibi?" suhestiyon ni Hunter. "Maliit siya."

"Doggie? Or Puppy?" suhestiyon naman ni Rosilie.

"Kapag lumaki 'yan, Puppy pa rin tawag sa kanya?" pamimilosopo ni Hunter sa sinabi ni Rosilie.

Tiningnan ni Christian ang tuta. Napansin niya ang kulay gintong mata nito na kakulay ng mga mata ng lobo na minsan niyang naging kaibigan sa Niflheim. "Garm!" sambit niya.

"Garm? 'Yung sa Norse Mythology? 'Yung wolf na nagbabantay sa underworld?" sunod-sunod na tanong ni Rosilie na dahilan ng pagkagukat nila Hunter at Christian.

"Alam mo 'yun?" pagtataka ni Hunter.

Tumango si Rosilie. "World Literature, 'yun ang tinutukan na idiscuss ni Sir William Spears sa'min!"

Hindi na nagtaka sina Hunter at Christian nang mabanggit ang pangalan ni William Spears, o mas kilala sa Asgard bilang si Braggi, ang diyos ng panitikan at literatura. Natural lamang na tutukan nito ang nakasanayan nitong kultura. Ang kanilang kultura.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now