CHAPTER 17: UNEXPECTED VACATION

807 45 2
                                    

"Class, this is Mr. Christian Morrison, your new classmate," pakilala ni Mr. Servinias sa isang lalaking may gold-blond na buhok at makikintab na pares ng berdeng mga mata.

Nakangiti naman si Rosilie habang nakatingin kay Christian na nagpapakilala sa harapan. Pamilyar ito ngunit hindi niya maalala.

"Take a seat beside Miss Valdez."

Itinaas ni Rosilie ang kanyang kanang kamay. "Ako! Ako si Rosilie Valdez!" malakas at masaya niyang sigaw.

"Baliw talaga," parinig ng isang estudyante sa kanya.

"Kaya nga eh, desperada na may makatabing gwapo," komento naman ng isa.

Nahihiyang ibinaba ni Rosilie ang kanyang kamay. Hindi niya gusto ang mga kaklase niya. Lagi siyang nabubully sa dahilang hindi niya alam. Pinipilit niyang makibagay ngunit kahit ano ang gawin niya, may mga bagay talagang hindi matatanggap ng mga taong sarado ang pag-iisip upang umintindi.

"Hello?"

Napangiti siya nang kausapin siya ni Christian. Nakangiti ito sa kanya.

"Hi. May club ka na bang sasalihan?"

Napangiti si Christian habang inaayos ang pagkakaupo sa tabi niya. "Bago palang ako. Wala akong alam na club dito."

-*-*-

"Oh? Nakita na ninyo si Balder?" inaantok na tanong ni James habang nakadapa sa sofa sa loob ng Students Council Office. Nakadapa din si Gullinbursti sa kanyang likuran.

"Oo," malamyang sagot ni Clark habang nagtitipa sa kanyang laptop habang may nakasalpak na lollipop sa kanyang bibig.

Kakaiba din na hindi nakabukas ang bintana ng opisina. Nakasara ito at tinakpan ng blinders. Napansin ito ni James ngunit hindi na siya nag-iwan ng komento.

Bumaligwas mula sa pagkakadapa si James. Dahilan upang mahulog si Gullinbursti mula sa kanyang likuran. "Bakit hindi ka masaya o natutuwa man lang?"

Tumigil sa pagtipa si Clark. Hindi niya rin alam ang sagot.

Isang katok ang kanilang narinig mula sa pinto.

Napahinga ng malalim si Clark at mahinang nagpasalamat sa kung sino man ang kumakatok. Dahil doon, hindi na niya kailangan mag-isip ng sagot sa tanong ni James. Ngunit dapat nga bang magpasalamat? Gayong ang taong kumakatok ay ang pinag-uusapan nila?

"Bubuksan ko ba?" tanong ni James.

"Oo, si Raven 'yan. Sabihin mo, tulog ako."

"Alam ng lahat na hindi ka natutulog."

"Masakit ang ulo o na-abduct ng aliens," sagot ni Clark na medyo natataranta habang isinasara ang kanyang laptop.

"Umiiwas ka ba sa kanya?"

Hindi na ito sumagot.

Pagbukas ni James ng pinto ay ang nakangiting si Raven ang sumalubong sa kanya.

"Si Clark?" tanong niya.

Binuksan ni James ang pinto upang makapasok si Raven at itinuro si Clark na nagbabalak tumalon upang makalabas sa bintana na kanina'y nakapinid.

"Kanina nakasara yang bintana kaya hindi ako nakapasok diyan," sambit ni Raven na nawala ang ngiti, "ngayon nang pumasok ako sa pinto, bubuksan mo 'yang bintana dahil diyan ka lalabas para tumakas, may problema ba, Sentinel?" habang nakahalukipkip ang mga braso.

Hindi makatingin si Clark kay Raven. Hindi niya alam ang dapat sabihin.

Bumaba si Clark mula sa bintana at hinarap si Raven. Inalis muna niya ang lollipop na sinusubo bago magsalita, "gu-gusto ko lang mamasyal, sama ka?" nauutal niyang sambit na hindi makatingin kay Raven.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now