CHAPTER 31: THE FINAL MOVE

418 30 0
                                    

Habang tumatagal ay mas lalong dumaraming buhay ang nahihigop ni Hel.

"Imposibleng makalapit tayo sa kanya," sambit ni Hunter.

"Ihagith mo kaya tha kanya ang Mjollniw? Baka ithang atake lang, mawalan na thiya ng malay," suhestiyon ni Odin.

Nagtinginan silang lahat at naghintay ng sasang-ayon o sasalungat ngunit walang nagsalita.

"Hindi ba masisira ang Mjollnir sa lakas ng aura niya?" tanong ni Hunter na tumayo na rin.

"Posible," mabilis na sagot ni Kaizer na seryoso ang mukha. "Kaya wala tayong magagawa kundi subukan ang dating paraan."

"Ano ba 'yung dating paraan?" inis na tanong ni Freya. Kanina pa niya iyon tinatanong ngunit lagi siyang binabalewala.

"Come what may," sabay na sagot nila Clark at Kaizer.

"Wala naman kasing plano noon, basta sugod lang," paglilinaw ni Kaizer.

-*-*-

Lutang ang isipan ng diyosa ng kamatayan habang naglalakad sa hallway ng hotel. Tumutulo ang kanyang mga luha ngunit walang emosyon ang mukha. Paulit-ulit lamang sa kanyang mga tainga ang mga itinanim ni Vidar sa kanyang isipan.

"Wa-walang magmamahal sa isang katulad kong halimaw," bulong niya sa kanyang sarili.

Sumusunod sa kanya ang mga kaluluwa ng mga may buhay sa paligid at nasisipsip ito ng kanyang katawan.

"I-Isa akong halimaw."

-*-*-

Yumanig muli ang buong bayan ng Sandstone. Dahil sa nararamdamang takot ay niyakap na lamang ni Christian si Rig ng mahigpit.

"Sa-sana ayos lang sila," bulong niya.

"Ayos lang 'yung mga 'yun. Mga peste sila eh!" sagot ni Rig na niyayakap din siya pabalik upang mahimasmasan siya.

Kumalas si Christian sa kanilang yakapan at tiningnan si Rig ng nakanguso. "Hindi magandang tawagin mo silang peste, mga kapatid ko sila sa ama," pagsaway niya sa kanyang alaga.

"Alam mo ba na kahit ilang beses mo pukpukin ang mga peste, hindi sila mauubos o mawawala. Gano'n sila katibay, kaya pwede mo maihalintulad doon sila Thor at Heimdall."

Ngumiti si Christian at niyakap muli si Rig. "Tama ka, mga peste nga sila!"

Samantala, nakanganga lamang si Rosilie habang pinapanood ang dalawang nagyayakapan. Dahil ngayon lamang siya nakakita ng gumagalaw at nagsasalitang stuffed toy. Ano pa ba ang hindi niya dapat paniwalaan?

"Mas lumalakas ang kapangyarihan ni Hel habang dumarami ang mga kaluluwang kanyang nakukuha," narinig nilang sabi ni Frigga paglabas nito sa library, kasunod niya si James.

"Pero mali ang gusto mong mangyari. Kung gagawin mo 'yang naiisip mo, ikaw mismo ang sisira sa pangakong pinagawa mo sa aming lahat!" mahinang sigaw ni James na mukhang nakikipagtalo kay Frigga.

"Ito lamang ang tanging paraan, ang patayin si Hel!" mahinahong sagot ni Frigga bago ito magpalit ng anyo at maging agila at lumabas sa bukas ng bintana patungo sa direksyon ng Wolfram Hotel.

Napatayo si Christian nang marinig ang plano ng kanyang ina. "Mama!" susundan niya sana ito ngunit hinila siya ni James.

"Bitawan mo ako! Si Hel!" sigaw ni Christian na pilit inaalis ang kamay ni James sa braso niya.

"Huwag kang hangal! Oras na makuha ni Hel ang kaluluwa mo at mamatay ka, maaaring maging ito na nga ang Ragnarok! Tandaan mo, ang kamatayan mo ang unang senyales ng Ragnarok!" sigaw ni James upang magising si Christian sa katotohanan.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now