CHAPTER 9: THE TALE OF FREYR AND GERDA (PART IV)

419 25 0
                                    

"Ano?! Nawawala si Freyr?!" sigaw ni Njord nang magkamalay siya sa Honda Jazz ni Frigga.

"Oo nga!" sigaw ni Freya na diretso ang tingin sa kalsadang kanilang tinatahak.

"Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ni Hunter na nagmamaneho.

Agad kinuha ni Kaizer ang kanyang cellphone at may may mga pinindot sa screen. "Nagmessage pala sa'kin si Chan, hanapin daw natin ang lugar na may Spaghetti, Fried Chicken at lalaki na kamukha ni Wolverine," natatawa niyang sambit. "What the heck?! Saan 'yun?"

-*-*-

"Sa Jolibee ba o McDonald's 'yang tinutukoy mo?" natatawang tanong ni Clark kay Ellery na katabi niya sa passenger's seat.

"FYI, magkakahiwalay ko sila nakita! Mga karatula!" depensa ng naiinis na si Ellery na kanina pa inaasar ni Clark. "Di ba ikaw may kakayahan na makita ang kahit saan sa siyam na mundo?!"

Ngumisi si Clark. "I gave it up."

Sa likuran ay nagising si Raven na may nakasaksak na earphones sa mga tainga. Naramdaman niya ang pagvibrate ng iPhone ni Clark na hawak niya. Marahan niyang ginising si Christian na nakahiga sa kanyang kaliwang balikat. "Chan, excuse me."

Tiningnan niya ang screen ng iPhone na nagva-vibrate. "Clark, may tumatawag sa'yong unknown number."

"Sagutin mo, baka importante," kalmadong tugon ni Clark.

Agad sinagot ni Raven ang tawag. Ang mapang-asar na boses ni Kaizer ang bumulaga sa kanya.

"Loki?" pagtataka ni Raven na napatingin sa direksyon ni Clark na nakatingin din sa kanya mula sa rearview mirror ng sasakyan. Alam niyang nakikkinig ito.

"Wow, boses babae ka pala sa cellphone at ang soft ng voice mo ah."

"Bakit ka tumawag?"

"May ibibigay akong trivia," humahagikgik na tugon ni Kaizer.

-*-*-

"Kung aasarin mo 'yan, bababaan ka niyan," iiling-iling na saway ni Hunter kay Kaizer.

Sinenyasan siya ni Kaizer na manahimik. "Listen, may alam akong bar na may title na La Spaghetti Bar. I'm not sure kung may kinalaman 'yun sa vision na nakita ni Gerda pero may karinderiya sa tapat n'un na may karatula na Kathy's Fried Chicken."

"Ikaw?! Ako ang nagsabi sa'yo ah!" sigaw ni Njord na pilit niyayakap ang sarili dahil sa lamig dahil hanggang ngayon ay wala siyang pang-itaas.

-*-*-

Inihinto ni Clark ang sasakyan at inilahad ang kanyang palad kay Raven.

Agad naman ibinigay ni Raven kay Clark ang iPhone nito.

"Kaizer, pakausap kay Njord," sambit ni Clark.

"He-hello," nanginginig na sagot ni Njord nang makuha ang telepono.

"Ano 'yang laspag na narinig ko?"

Napatingin si Raven, Christian at Ellery kay Clark.

"Ah...La Spaghetti Bar pala, sorry. Sa'n 'yun makikita?" paumanhin ni Clark ng tawad.

Ngumisi si Clark at tumingin sa rearview mirror. Tiningnan niya ang mga nakakatawang ekspresyon sa mukha ng mga kasama niya.

-*-*-

"Alright, San Isidore Town, Rockwell Street, La Spaghetti Bar," walang ganang sambit ni Hunter na nakakaramdam na ng kalam ng sikmura.

"M-may ma-madada-a-anan t-tayong Bench do-doon. B-baka pu-pwedeng bi-bil'han niyo mu-muna ako ng d-damit. Please!" nangangatog na pakiusap ni Njord na tumutulo na ang sipon dahil sa lamig na dulot ng nakatutok na air-con sa kanya.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now