CHAPTER 7: NOTE, PRINCESS, SUPERMAN...K!

1.4K 78 52
                                    

"PMS Club?" taas-kilay na tanong ni Hunter habang pinapakinggan ang mga plano ni Rosilie para sa bubuuin nitong club na na-aprubahan na kanina.

"Ahuh! Paranormal Mystery Solvers Club, PMS Club for short," masayang sagot ni Rosilie habang inaayos na ang mga upuan na nagkalat. "Ang bait pala ni Clark. Imagine, ang laki ng binigay niyang clubroom para sa atin."

"Atin?" nagtatakang tanong muli ni Hunter. "Ano'ng atin?"

"Hindi naman pwede na ako lang ang member dito, so sinama na kita. Automatic member ka na, hindi mo na kailangan pumirma ng forms or whatever."

"Ayaw kita iturn-down pero hindi pa ako sure kung papayag ako na samahan ka dito sa club mo."

Tiningnan siya ni Rosilie. Bakas ang lungkot sa mga mata nito. "Ayaw mo rin ako kasama?" tanong nito na tila isang bata na hindi makahanap ng kalaro.

Nakaramdam ng simpatya si Hunter sa  babae ngunit hindi niya alam ang sasabihin.

"Alam mo ba na ayaw sa akin ng mga tao dahil weird daw ako. Ayaw nila makipagkaibigan sa akin dahil nakakahiya daw ako," sambit ni Rosilie na hindi inaalis ang tingin kay Hunter.

Bumuntong-hininga si Hunter at iniwas ang tingin kay Rosilie. "Okay, pahingi ng membership form. Pipirma ako tulad ng isang ordinaryong member."

Napalitan ng kasiyahan ang mga mata ni Rosilie at niyakap si Hunter. "Thank you!"

Nagulat si Hunter at hindi alam kung itutulak ba niya si Rosilie palayo. Idinaan niya na lamang sa ngiti ang pagkagulat at mas pinili na hintayin na magkusa si Rosilie na humiwalay sa kanya.

"Bukas nalang yung membership form, hindi pa ako nakakapagpaprint."

Natawa na lamang si Hunter. "So, ano ba ang arrangement na gagawin natin dito sa clubroom?"

-*-*-

Alas-tres ng hapon, pumunta si Rosilie sa kanyang locker upang ayusin ang mga biniling textbooks sa bookstore ng eskwelahan nila.

Mabuti na lamang at wala pang official classes tuwing unang araw ng pasukan.

Isang pulang rosas na may nakadikit na papel na kulay pink ang nakaagaw ng kanyang pansin.

'Meet me at Sandstone Park, later at 6. -K'

Napangiti siya. Ito ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng regalo mula sa isang admirer.

Admirer nga ba?

Binasa niya muli ang papel. Wala namang sinabing secret admirer? May nakasulat pa pala sa likod ng papel.

'PS: K LOVES YOU! <3'

Loves you? Admirer nga ito! Napatingin siya sa kanyang kulay pink na wristwatch. 3:12, maaga pa. Maaari pa siyang magpaganda at makapaghanda.

-*-*-

Alas tres y media ng hapon, pumunta si Hunter sa kanyang locker upang ilagay ang mga aklat na bagong bili sa kurap na bookstore ng school. Kung sa National Bookstore siya bumili dapat nakatipid siya ng singkwenta.

Unang araw niya sa paaralan, ang dami na agad pangyayari. Pagbukas niya ng locker niya, isang note ang nakaagaw ng atensyon niya.

Tulad ng mga napapanood niya sa movies at anime, isang card ang bumungad sa kanya.

Agad niya iyong kinuha at binasa.

Your princess is with us.
If you want her back, you have to work fast!
Here, at the PARK OF SANDSTONE,
We'll wait for you until 4 noon.

-SUPERMAN

Hindi mapigilan ni Hunter na mapataas ang isa niyang kilay. Superman? Princess? Kidnapper na Superman? Sino ang princess? Sino ang Superman?

Para sa kanya ba ito o naligaw lang sa locker niya? Tiningnan niya ang likuran ng letter. May nakadikit na picture ni Rosilie.

Si Rosilie?! Nagsimula na siyang mataranta nang malamang nakidnap si Rosilie.

"Hunter?"

Napatingin siya sa likuran niya at isang pares ng pulang mga mata ang sumalubong sa kanya. Napaatras siya sa gulat nang makita ang isang multo na nakatayo sa harap niya. Isang multo na may hawak na piraso ng mahabang kahoy.

Inihampas ng multo ang kahoy sa kanyang ulo. Tulad ng mga nangyayari sa mga movies, alam niya ang posibleng gagawin nito.

Dahil nagtataglay siya ng mabilis na reflexes, nagawa niyang makailag.

"Alam ko na ang gagawin mo, Miss Raven!" sigaw niya habang tinuturo ang babaeng nakangiti sa harapan niya. "May balak kang pukpukin ako at dalhin sa mastermind!"

Pumihit pakanan ang ulo ni Raven na mukhang nagtataka. "Ano ba ang sinasabi mo? Mukha kang natataranta kaya pakakalmahin sana kita sa pamamagitan ng pagpukpok nito sa ulo mo," paliwanag niya habang itinuturo ang kahoy na hugis espada. Isang wooden sword.

"Kung gano'n, umamin ka! Kasabwat ka ba sa mga dumukot kay Rosilie?!"

"Hindi. Pero may clue ako kung sino."

"Sino?"

"Whoever loves to play as the villain and the detective," nakangising sagot ni Raven. "I have a clue who they are, but I know that they wanted you to discover them on your own."

"Eh ano'ng gagawin ko?!"

"May I see that note you're holding?"

Iniabot ni Hunter ang card kay Raven. Binasa iyon ni Raven ng may ngiti. "Superman. Lovely," komento nito na natutuwa sa sulat.

"Ano'ng gagawin ko?"

Taas-kilay siyang tiningnan ni Raven. "Seriously? Hindi mo alam? Hindi ba nakasulat na ang clue? Park of Sandstone?"

Nakaramdam ng hiya si Hunter nang marinig ang mga sinabi ni Raven.

"Ikaw ang superhero di ba? Puntahan mo na ang prinsesa mo at iligtas."

"Ako ang superhero pero si Superman ang nagsulat nitong note. Ano naman ako, Lex Luthor?" reklamo ni Hunter. Favorite superhero niya si Superman ngunit sa pagkakataong ito, ginamit ang favorite superhero niya laban sa kanya.

"Dapat nga, may clue ka na pagkatapos mong mabasa 'yan. Hindi pa ba obvious."

Nagkibit-balikat na lamang si Hunter.

"Oh!" Ibinato ni Raven ang kahoy na espada palapit kay Hunter. Mabuti na lamang at nasalo niya ito. "For self-defense."

Tiningnan ni Hunter ang espada. Magaan lamang ito at komportable ang kanyang pakiramdam habang hawak ang kahoy na espada. "Salamat, Miss...-"

Nagulat siya nang mawala ang kausap. Kinabahan siya nang maisip na posibleng multo nga si Raven. Nawawala at bigla na lamang susulpot.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now