CHAPTER 33: RUINED LIVES (part II)

506 35 0
                                    

Nakaramdam si Clark ng mabigat na aura sa malapit lamang. Hindi niya alam kung maniniwala kay Dash na galing iyon kay Hel. Nagbago na si Hel! Alam niya iyon. Saksi siya sa pagbabagong iyon.

Lumapit siya sa pinto at pinanatiling alerto ang sarili. Pagbukas niya ng pinto, inatake siya ng diyosa ng kamatayan ng isang ng isang mahigpit na yakap. Narinig din niya ang mahina nitong paghikbi.

"Hel?" nag-aalalang sambit ni Clark.

"Loki! Tama ka! Dapat pala nakinig ako sa'yo!" sambit ni Raven habang tumutulo ang mga luha sa kanyang maputlang pisngi.

"Ano'ng nangyari?"

-*-*-

"Ilang bundok ang aking inakyat, ilang ilog ang aking tinawid, ilang kalsada ang aking binaybay, at ilang gubat ang aking nilakbay, makuha lamang ang mga sangkap para dito!"

Itinaas ng misteryosang babae na nakasuot ng pink na hoodie at shades ang hawak na bote.

Pumalakpak na lamang si Maple at Cherry sa achievement ng kanilang amo.

"Congratulations, boss," magalang na bati ni Maple na may kasamang palakpak.

"Yeah, yeah, yeah. Congrats," walang ganang bati rin ni Cherry na pinupunasan ang kanyang hunting riffle. Palibhasa ay alam niya na hindi totoo ang tungkol sa bundok, ilog at kagubatan. Sa palengke at grocery lang naman binili ang mga ingredients para mabuo ang potion.

"At ngayon," binuksan ng misteryosang babae ang bote na naglalaman ng kulay pink na likido, "kailangan na lamang natin subukan ang epekto nito."

-*-*-

"Walang hiya! Inuutusan ako na ligawan si Balder!" inis na sigaw ni Hel na umiiyak habang sunod-sunod ang pagsubo sa kinakaing isang litrong ice cream na nagmula sa ref ng apartment nila Kaizer. "Bwisit ka, Heimdall! Isinusumpa kita!" sigaw pa niya na sinasaksak ang matigas na ice cream.

Nagsalubong naman ang mga kilay ni Clark sa narinig na sumbong ni Raven.

"Daddy!" umiiyak din na sambit ni Dash, "wala na tayong stock sa ref, please, pigilan mo siya!"

"Papa," dagdag pa ni Leonard, "ice cream ko 'yun!"

Sa dami ng naririnig niyang problema at idagdag pa ang kanyang problema, hindi na alam ni Clark ang dapat unahin. Ngunit ang bagay na nais niyang asikasuhin ay ang maturuan ng leksyon si Loki sa paninira sa kanya!

-*-*-

Pagpasok ni Clark sa PMS Clubroom, sina Hunter, James at Rosilie ang naabutan niyang may pinagkakaguluhan. Nandoon din si Raven na nakasubsob ang ulo sa kanilang information desk. Napakuyom na lamang ang kanyang kamao at lalong lumalakas ang kanyang pagnanais na bugbugin si Loki. Pinaghandaan pa naman niya ang araw na ito.

"Ui! Kaizer, tingnan mo ito, baka may idea ka kung ano pwede gawin dito?" nakangiting pagtawag sa kanya ni Rosilie.

Lumapit siya at nalaman na si Christian pala ang pinagkakaguluhan nila. Umiiyak ito at may malaki at sobrang laking tigyawat sa ilong.

"Nilagyan ko kasi ng concealer para hindi halata ang pamumula," natatawang sambit ni Rosilie.

"Pero na-irritate kaya lalong pumula at lumaki! Palpak!" sabat ni Raven na nakasubsob parin ang ulo sa lamesa.

"Uh-huh," tugon ni James na minsan lamang maghimala na maayos ang buhok. "May isa-suggest sana akong paraan kaso baka hindi ka pumayag, Christian."

"Ano? Please, handa akong gawin ang lahat, maalis lamang ito," pakiusap ni Christian na nakaluhod sa harap ni James.

May hinalungkat si James mula sa kanyang backpack at may inilabas na maliit na bote. "Ta-da!" walang emosyon niyang sambit habang itinataas ang bote. Hindi tuloy kapani-paniwala ang kanyang sinasabi. "Isang super-effective facial wash na ako mismo ang gumawa."

"Gaano 'yan ka-effective?" tanong ni Hunter na tinitingnan ang bote na naglalaman ng malapot at nakakadiring  brown na kung ano man.

"Tingnan niyo ang mukha ko," malamig na sambit ni James. "Ginagamit ko rin ito, ano? May pimple ba? Acne, freckles, blackheads o whiteheads? Wala 'di ba? Ibig sabihin, effective ang concoction ko."

"Effective 'yan! Tingnan niyo, kumapal mukha niya! Hindi na tinatablan ng pimples!" sabat muli ni Raven na nakasubsob parin ang ulo.

"Shut up, Raven!" saway ni James na ngayon lamang nila nakita na salubong ang kilay. May alam rin pala siyang facial expression? "Wag mo sisiraan ang product ko sa customer!"

"Gusto mo ng totoong effective?" sabat ng inaakala nilang si Kaizer sa usapan.

Napatingin sa kanya ang lahat. Maging si Raven na bitter sa mundo ay nakuha niya ang atensyon.

Naghalungkat si Clark sa bag ni Kaizer na ginagamit niya. May inilabas siya na isang kahon mula doon. Ang kanyang prized possession. Binuksan niya ang kahon at inilantad noon ang set ng balisong, switch knife at isang kutsilyo na nasa anyong ballpen.

Nagulat si Raven sa nasaksihan. Dahil doon ay tuluyang umangat ang kanyang ulo. Alam niya ang kahon na iyon. Alam niyang iyon ay pag-aari ni Clark. Alam rin niya na sikreto iyong nakatago sa desk drawer nito.

Kumuha si Clark ng isang kutsilyo. Halatang bago pa iyon at hindi pa nagamit. "Let's do it the most convenient way. Let's crush that thing," sambit niya na madiin ang pagkakasabi sa bawat salita.

Nagtaas ng kamay si Hunter na tila ba may masayang nangyayari. "Ako mag-o-opera sa pimple niya!"

Kumuha si Hunter ng isang kutsilyo at lumapit kay Christian.

Nakaramdam si Christian ng matinding kaba. Lalong lumakas ang kanyang hikbi at lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Ideya ni Heimdall, at aksyon ni Thor? Hindi magandang kombinasyon.

Mabilis siyang tumakbo habang humihikbi palabas ng kanilang clubroom.

-*-*-

Naglalalad ang isang binata na nakasuot ng surgical mask at cap na katulad ng kay Ash Ketchum mula sa Pókemon. Sa kanyang likuran ay may nakasabit na backpack na Pikachu. Nakayuko lamang siya habang naglalakad sa kalsada sa downtown.

"Ano ba?! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo?!" reklamo ng isang lalaking nabangga niya.

Hindi na siya nag-aksaya ng panahon na tingnan ito dahil may mas malaki siyang problema. Ang kanyang tigyawat. "Sorry," tangi niyang sinabi.

Iniwan na lamang siya ng lalaki.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Ang kanyang mukha na ipinagmamalaki ng kanyang ina...ay isa na lamang nakaraan na maibabaon din sa limot. Dahil sa isang tigyawat, nasira ang lahat.

"Free trial! Ma'am! Sir! Please try our new product!" sigaw ng isang babaeng nakacosplay habang may hawak na isang bote na naglalaman ng pink na likido. Halatang desperada na ito makabenta dahil sa malungkot nitong expression.

Hindi na sana papansinin ni Christian ang babae ngunit natawag nito ang kanyang atensyon sa sunod nitong isinigaw.

"Good for your imperfections! Pimple! Acne! Zits! Please try niyo na po! Newest product ng Black Magic Shop!"

Lumapit siya sa babae. "Magkano, miss?"

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now