CHAPTER 32: WELCOME BACK TO LIFE

484 31 0
                                    

"Hindi ako magaling magbigay ng advice, pero nandito lang ako para magcheer para sa'yo," nakangiting paalala ni Hunter kay Rosilie nang maihatid niya ito sa gate ng mansyon ng pamilya nito.

Ngumiti rin si Rosilie upang iparating ang pasasalamat niya kay Hunter. "Thank you. Hindi ko alam kung paano pa kita pasasalamatan sa dami ng naitulong mo sa akin."

Umiling si Hunter at tinapik ang ulo ni Rosilie. "Wala 'yun, sige, balik na 'ko sa kotse, ibabalik ko pa 'yun kay Frigga mamaya. Nakabantay lang kami sa'yo."

Pinanood ni Rosilie ang paglalakad ni Hunter hanggang sa makasakay na ito sa van at magmaneho palayo. Sunod ay bumuntong-hininga muna siya bago humarap sa malaking gate at pindutin ang doorbell.

Naghintay muna siya bago buksan ng kasambahay ang gate. Nagulat pa ito nang makita si Rosilie.

"Nay Pasing!" Hindi naiwasan ni Rosilie na maging emosyonal matapos makita ang matandang nag-alaga sa kanya mula sa pagkabata niya. Agad niya itong niyakap.

"Neng, saan ka ba nanggaling! Namiss kita, anak," umiiyak na bati ng matanda kay Rosilie na niyakap niya rin ng mahigpit. "Pati tatay mo, nataranta nang maglayas ka!"

Humiwalay si Rosilie sa kanilang pagyayakapan. "Nay, nandito po ako para kausapin si Dad."

"Tumuloy ka sa loob. Siguradong matutuwa iyon kapag nakita ka, neng."

-*-*-

Hindi mapigilan ni Rosilie na makaramdam ng kaba habang tinitingnan ang kanyang ama pababa ng hagdan. Tulad ng dati, mukha parin itong suplado at istrikto, ngunit nandoon parin ang aura nito na kagalang-galang.

"What brings you here?" tanong ng kanyang ama, isang lalaking nasa edad kwarenta.

Napatayo si Rosilie mula sa kanyang inuupuang sofa, ngunit nagdadalawang-isip siya kung hahalikan ba niya ang pisngi ng kanyang ama. "D-Dad, I came here to ask for apology," sagot niya na halatang nanginginig.

Umupo ang kanyang ama sa isang sofa na pang-isahang tao. "Honestly, nang naglayas ka, balewala lang sa akin."

Nagsalubong ang mga kilay ni Rosilie sa sinabi ng kanyang ama. Hindi niya alam kung dapat ba siyang masaktan o magalit.

"Kasi wala kang alam na gawaing-bahay o trabaho. Sigurado ako na babalik ka rin pagkatapos ng mga dalawa o tatlong araw. But, Rosie," ngumiti ang kanyang ama at kusang lumapit sa kanya, "you made it, you proved that you can stand on your own. I'm proud of you, princess."

Agad niyakap ni Rosilie ang kanyang ama. "D-Dad, I'm sorry," paghingi niya ng tawad. Kasabay noon ay ang pagtulong muli ng kanyang mga luha.

"Ako din, sorry. I only wanted what I think is best for you, but I never thought that I am already controlling your life. I promised to your mom that I will always protect you, pero ako pa mismo ang naging reason para lumayo ka," paghingi rin ng tawad ng kanyang ama habang nakayakap sa kanya.

Napangiti si Rosilie na ayaw nang humiwalay sa pagyakap sa kanyang ama habang nakatingin sa isang painting sa dingding, ang painting ng isang babae na kamukha niya, ang kanyang ina.

-*-*-

Nagising si Raven nang maramdaman ang pagtama ng sinag ng araw sa kanyang mukha. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at inilibot ang kanyang paningin sa paligid. Natagpuan niya ang kanyang sarili sa kanyang silid, sa apartment na kanyang inuupahan.

"Hello!" bati ng isang bata na nakaupo sa isang maliit na upuan sa tabi ng kanyang kama. May kayakap itong itim na tuta na mayroong pulang ribbon sa ulo at puting collar sa leeg. Pinagalaw pa ng bata ang isang binti ng tuta upang magmukhang kumakaway ito sa kanya.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now