CHAPTER 21: THE HOLSTEIN RESORT MYSTERY (part IV)

611 46 0
                                    

Nilalamig sina Raven, Rosilie, James, at Hunter habang naglalakad sa mahabang hallway habang naghahanap sa basement.

Maraming mga multo at isipiritung gumagala. Tanging sina Hunter, James at Raven lamang ang nakakakita sa kanila. Si Rosilie ay hindi sila nararamdaman at nakikita. Isa lamang siyang mortal na hindi nabiyayaan ng kakayahang makakita ng mga ispiritu.

"Ang komplikado ng pagkakagawa ng hotel na 'to," pagbasag ni Hunter sa katahimikan.

Palapit na sila sa kusina nang makarinig sila ng malakas na kalabog na nagmumula sa kusina.

Agad nagtago si Rosilie sa likuran ni Hunter. Ganoon din si James sa likuran ni Raven.

Nagtititigan sina Raven at Hunter kung sino ang magbubukas ng pinto. Sa huli, si Raven din ang nagbukas ng pinto.

Nagulat sila sa natagpuan pagdating nila sa kusina. Nagliliparan ang mga gamit na tila nagsasayaw sa hangin.

May mga nagpaparty na multo!

Ang lamesa ay umuusog pakaliwa at pakanan.

May dalawang multo na nag-aagawan sa lamesa!

Napatigil ang mga multo sa pagtatalo, pag-aagawan at pagpaparty. Lahat nakatingin sa kanila.

"Raven, ilayo mo dito si Rosilie!" utos ni Hunter.

Tumango si Raven at hinila ng marahan ang kamay ni Rosilie papalayo.

Nang makaalis na ang dalawa ay nakatingin ang mga multo na may hawak ng kutsilyo, tinidor at kung ano-ano pang matutulis na bagay sa kusina.

Napalunok si James. Iniisip niya na dapat ay si Raven ang nanatili at sila ni Rosilie ang tumakas. Ngunit hindi siya makapagsalita. Nanunuyo ang lalamunan niya. Hindi siya sanay makakita ng mga nakakatakot at duguang imahe ng mga tao o diyos. Nasanay siya sa mapayapang mundo.

Agad pinalipad ng mga multo ang mga hawak nilang mga matutulis na bagay sa direksyon nila Hunter at James.

Malaninja na parang nasa Matrix naman na umiwas ang dalawa. Slow motion na pag-iwas habang pinipitik ang mga kutsilyo.

-*-*-

Habang tumatakbo sina Raven at Rosilie ay nakasalubong nila sina Christian, Kaizer at Clark...kasunod nila ang tatlong multong bakla.

"A-alam na namin kung nasa'n ang basement!" hinihingal na sambit ni Kaizer. Malayo rin ang itinakbo nila dahil sa maraming pasikot-sikot sa hotel.

"Saan?!" natatarantang tanong ni Raven.

"S-sa paglagpas sa ku-kusina!" tugon ni Christian na mahigpit ang paghawak sa walis bilang sandata at proteksyon.

"Ano ba talaga meron sa basement?!" sabat ni Rosilie na natataranta na rin sa mga nagaganap.

"May bagay na nakatago doon! Siya ang nagkukulong sa amin dito," tugon ng multong payat na gagapang-gapang. Sila ang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa basement.

"May bagay na nakatago sa basement na dahilan ng pagkakakulong ng mga kaluluwa dito!" pagtatranslate ni Clark sa sinabi ng multo upang masagot ang katanungan ni Rosilie.

Agad silang tumakbong pabalik sa kusina kung saan nakikipag-ilagan parin sina James at Hunter sa mga kutsilyong lumilipad.

"Akin na ang walis, Balder," utos ni Raven kay Christian.

"Ano'ng gagawin mo?!" nag-aalalang tanong ni Clark.

"Ako ang magiging frontliner, sumunod nalang kayo."

"Pa-paano yung mga kutsilyong nagliliparan?!"

"Kayo bahala doon," sagot ni Raven na hinihingal na din ngunit nais nang tapusin ang mahabang gabi ng mapayapa.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora