CHAPTER 23: ARE YOU WITH ME OR AGAINST ME?

341 28 0
                                    

Nagmadaling tumakbo si James at Hunter patungo sa student council office upang makausap si Clark.

Pagdating nila sa opisina ay naabutan nila si Clark na may binabasang kulay puting papel. Ganoon din si Christian na nakaupo sa sofa na madalas hinihigaan ni James.

"Clark! Engaged na si Rosilie!" natatarantang sigaw ni Hunter habang ipinapakita ang nakasulat sa sobreng nahulog ni Rosilie.

"Baliw ka?" malamig na tanong ni Clark. "Mas inatupag mo pang intindihin ang sitwasyon ni Rosilie kaysa sa nakasulat na pangalan ng fiancé niya?"

Binasa ni Hunter ang isa pang pangalan na nakasulat sa imbitasyon ng engagement party. "Ashton Steele?"

"Hunter, siya ang nakakuha ng Mjöllnir sa bidding site," sabat ni Christian.

May inilapag na folder si Clark mula sa drawer ng kanyang lamesa. "Gumawa kami ni Maple ng research tungkol sa background ni Rosilie. Nalaman namin ang sikreto ng pagkatao niya, siya ang anak ng isa sa pinakamayamang businessman ng bansa. Business partners ang mga tatay ni Rosilie at ng Ashton na 'to," paliwanag ni Clark. "Kung may tanong kayo, hanapin niyo ang mga sagot dito sa folder."

"Teka nga, sa'n mo nakuha 'yan?" tanong ni Christian kay Hunter habang itinuturo ang hawak nitong imbitasyon. "Nandito 'yung para sa inyo ni James at Kaizer. Mayroon din para kay Dash Harper."

"Kay Fenrir?" pagtataka ni James na tinutukoy ang tunay na pangalan ni Dash.

Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng pabalibag at iniluwa noon si Kaizer kasama sina Dash at Leonard. Mukhang natataranta ang tatlo at problemado.

"Heimdall, kailangan namin ng tulong ninyo!" pangunguna ni Kaizer na mukhang balisa. "Nawawala si Hel."

"Ano?" napatayo si Christian na nag-aalala sa balitang narinig. "Pa'nong nawawala?"

May ipinakitang papel si Kaizer sa kanila. Isang sulat na naglalaman ng pamamaalam ni Raven na nagsasabing huwag siyang hahanapin o susundan.

"Walang namang kahina-hinala sa loob ng apartment niya nang pasukin namin," sabat ni Leonard.

"Pero nalilimutan siya ng mga tao. Hindi na nga siya nakikilala ng mga tao sa school," dagdag pa ni Dash.

Samantalang napaisip naman si Clark kung ito na ba ang dahilan ng paghingi ni Raven ng tawad. Marami siyang hindi maintindihan. Hindi niya masabayan ang pag-iisip ni Raven. Marahan niyang ibinagsak ang kanyang ulo sa kanyang lamesa at ginamit na unan ang kanyang mga braso. "Mahirap pa naman hanapin 'yang si Raven!" naiinis niyang sambit.

"Hindi pa tayo nagsisimula, sumusuko ka na?" iritadong sigaw ni Kaizer na marahas na nagdabog sa lamesa ni Clark. "Inaasahan ko na tutulong ka sa amin, pero ganyan lang ang sasabihin mo?"

Marahan na iniangat ni Clark ang kanyang ulo upang tingnan si Kaizer na naiinis. "Noong isang araw, pinuntahan ako ni Raven. Tinanong niya ako kung ano ang gagawin kung maipit sa isang sitwasyon na kailangang mamili sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan."

Walang nagtangkang sumagot sa kanila. Hinintay lamang nila ang susunod na sasabihin ni Clark.

"Noong oras na iyon pa lang, halatang problemado na siya. Pero ayaw niyang magsalita kung ano ang dahilan. Tinanong niya ulit ako, kung kaya ko ba siyang mapatawad kung may magawa siyang pagkakamali. Hindi ko na nasagot ang tanong na iyon. Naaalala ko na lang, bigla niya akong niyakap at kasabay noon, ang pag-iyak niya."

"Nakaraan," wala sa sariling bulong ni Kaizer. "Posibleng may kinalaman iyon sa dating mga buhay natin, noong nasa Asgard pa tayo," suhestiyon niya na hindi rin sigurado sa mga pinagsasasabi.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now