CHAPTER 14: THE MYSTERIOUS PUPPY

417 27 0
                                    

"Bakit laging sineswerte si Brendan?!" reklamo ni Hunter habang kumakain ng isaw at barbecue kasama sila Christian at Clark sa gilid ng kanilang eskwelahan. "Una sa Money in the Bank, pangalawa, nakuha niya ang lead role sa film natin!"

Nagkibit-balikat naman si Christian na pinipigilan ang pagtawa. Naiintindihan niya ang ibig sabihin ni Hunter. "Nakuha mo rin naman ang lead role ah, 'yung princess nga lang."

"Ikaw dapat 'yun eh! Kung di ka lang natapilok dahil sa heels. Kumusta na pala paa mo?" tanong ni Hunter kay Christian upang ibahin ang usapan. Ayaw niya nang maalala ang mga pangyayari sa kanilang film na isinagawa bilang pagtatapos sa intramurals ng McClendon Academy.

Iginalaw ni Christian ang kanyang kanang paa. "Okay na. Hindi na masakit," tugon niya.

"Next time kasi, huwag ka mo na subukan mag-heels," sabat ni Clark sa kanilang usapan.

Namula si Christian nang maalala ang eksena apat na araw ang makalipas...

-*-*-

"Maraming nag-audition para sa film natin," anunsyo ni Maple na namamahala sa kanilang play. "Lahat kayo magagaling um-acting kaya mahirap piliin kung sino ang gaganap sa lead roles."

Tahimik naman na nakikinig ang lahat ng mga estudyanteng nag-audition sa kanya na nakaupo sa maluwag na sahig ng theatre room.

"So para malaman kung sino ang gaganap na lead, idadaan natin sa...-" may inilabas siyang tambiyolo na hindi alam ng mga estudyante kung saan at paano niya naitago dahil biglaan lamang iyon lumabas sa mga kamay niya "-...drawlots!"

Nagsalubong ang kilay ng mga nakapasa sa audition. Maliban kay Christian na pumalakpak pa.

"Whoa! Good! Nice idea!" sigaw pa ni Christian na kaisa-isang sumang-ayon sa sinabi ni Maple. Kinalabit pa niya ang kanyang katabi. "Nice 'di ba? Pwede ko na makuha ang role ng king kahit nag-audition ako sa role ng royal duke kasi konti lang line niya," sabi niya sa lalaking katabi niya na iniirapan siya.

-*-*-

"Pero 'yung princess ang nakuha mo," komento ni Hunter. Alam niya ang buong pangyayari dahil nandoon din siya sa theater room dahil sinamahan niya si Rosilie na mag-audition, at sinuwerte na natanggap din ito...bilang props woman at extra na gaganap bilang isang buhay na sunflower.

Maging si Enteng nga na hindi marunong umarte ay natanggap din sa audition, siguradong napili lang siya dahil sa desisyon  ni Maple.

Marahang tumango si Christian at nalungkot. "Hindi naman ako nagreklamo, gusto ko din 'yun pero dahil sa maliit na aksidente...-"

-*-*-

Paglabas ni Christian sa dressing room ay nakuha niya ang atensyon ng mga tao na kasama sa kanilang isasagawang film.

"Wow, ang ganda mo, Chan-Chan!" bati ni Rosilie kay Christian nang lumabas ito na naka-ayos prinsesa.

"Tsk!" Napa-iling si Hunter na iniaayos ang headdress ng costume ni Rosilie. "Wag ka muna magulo."

Nakasuot ng puting ballgown, caramel brown na wig at nakamakeup. Walang bakas ng pagkalalaki ang itsura niya, maging ang kilos niya na mahinhin at maingat at pananalita at boses niyang mahinahon ay nakadagdag din upang isipin ng mga tao na isa nga siyang tunay na babae...isang prinsesa na naligaw sa lugar na iyon.

"Salamat, Rosilie," pasasalamat ni Christian sa papuri ni Rosilie sa kanya. "Maganda ka din na...uh...sunflower."

"Thank you!"

Lumabas naman si Kaizer sa comfort room na nakasuot ng costume pang-prinsipe. Medyo maluwag ang costume para sa kanyang katawan. Kinailangan pa niyang itupi ang dulo ng pantalon upang magmukhang maayos para sa kanya. Lumapit siya kay Christian at yumuko sa harap niya.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now