CHAPTER 5: IN EVERY FAIRYTALE, THE STORY ALWAYS ENDS WITH A KISS

464 29 0
                                    

Tuwing may bakanteng oras ay bumabalik lagi si Ellery sa hardin ng McClendon Academy. Umaasa siya na makikita muli ang lalaking kanyang nakita kahapon. Dahil nang huli niya itong makita ay bigla na lamang ito tumakbo palayo.

Umupo siya sa gilid isang bench, sa kanyang kandungan ay si Gullinbursti na komportable na nakahiga.

"Alam mo, Goldie, noon pa, pakiramdam ko, lagi akong may hinahanap," sambit niya habang hinahaplos ang malambot na balahibo ng hamster na nakatingin din sa kanya na tila naiintindihan siya. "May parang part ng pagkatao ko ang hindi kumpleto, hindi ko lang maintindihan kung ano."

Napatingin siya sa fountain. Sa lilok ng mag-irog na disenyo ng fountain. Gusto niya ang disenyo noon.

"Cupid and Psyche, mga characters sa love story na sinulat ng Latin poet na si Ovid."

Napatingin si Ellery sa direksyon ng lalaking nagsalita. Nagulat siya at kinabahan nang makita ang lalaking hinahanap niya.

Mabilis na tumalon si Gullinbursti mula sa kandungan ni Ellery at tumakbo patungo kay James. Agad namang binuhat ni James si Gullinbursti at inilagay sa kanyang balikat.

"I-ikaw ba ang may-ari sa hamster na 'yan?" tanong ni Ellery sa lalaki.

Tumango si James na bakas ang matinding kalungkutan sa kanyang mga namumugtong mata. "Actually, guinea pig siya."

Iniwas ni Ellery ang kanyang mga mata sa mga asul na mata ng estranghero dahil hindi niya kayang makita ang kalungkutang iyon. Idinako niya na lamang ang kanyang atensyon sa fountain. "C-cupid and Psyche, sa Roman Mythology?"

Tumango si James na unti-unting lumapit sa bench na inuupuan ni Ellery. Nang ilang hakbang na lamang ay huminto siya. Unti-unti siyang nanghihina. "Sila daw ang greatest example ng true love. Si Psyche ay isang mortal at si Cupid isang diyos. Kahit magkaiba sila ng pinanggalingan, hinarap nila ang mga pagsubok upang magkasama lang sila."

"True love," nakangiting sambit ni Ellery na naantig sa kwento ng pag-ibig nina Cupid at Psychw. "Ako pala si Ellery Vidal, ikaw?"

"J-James. James Ahlstrom."

Namayani ang katahimikan sa paligid.

Unti-unti muling kumukulimlim ang kapaligiran.

"Mukhang uulan na naman, tara na baka maabutan tayo ng ulan dito," pagyaya ni Ellery na tumayo na mula sa kinauupuan. Ngunit nakaramdam siya ng malamig na kamay na nanginginig pa na humawak sa kanyang braso.

"S-sandali," pagpigil sa kanya ni James. "Ka-kailangan ko kasi ng makakasama ngayon. Pwede bang hiramin ko muna ang oras mo kahit sandali lang?" nakayukong tanong ni James sa kanya.

Bumalik sa pagkakaupo si Ellery at inalalayan na makaupo ang nanginginig na si James sa kanyang tabi. "Mukhang malaki ang problema mo. Pwede ako makinig pero hindi ako magaling mag-advice."

Hindi makapagsalita si James dahil sa kaba lalo na ngayon at kaharap niya ang babaeng matagal niya nang iniibig.

Unti-unting bumalik sa kanyang alaala ang nakaraan kung paano niya nakilala si Gerda.

Alam ni Ellery na hindi niya mapipilit ang taong ayaw magsalita kaya idinaan niya na lamang ang katahimikan sa pagkanta.

"I gotta say what's on my mind
Something 'bout us doesn't seem right these days
Life keeps getting in the way
Whenever we try, somehow the plan
Is always rearranged
I'm leaving today...-"

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now