CHAPTER 30: NEW LIVES

562 42 0
                                    

"Duck face, guys!" sigaw ni Kaizer habang nagseselfie gamit ang iPhone ni Clark.

Agad naman ngumuso sina Hunter at Christian at hinintay siyang pindutin ang click button.

"Ang astig natin diyan!" komento ni Christian habang nakikitingin sa kuhang larawan na nakapabebe pose.

"Oo nga eh," tatango-tangong pagsang-ayon ni Hunter na unti-unti nang nagiging narcissist dahil sa kadidikit kay Kaizer.

-*-*-

Umiiyak si Raven habang pinapanood ang kanyang ama na itapon ang iniluto niyang tinolang baboy.

"Loki! Ang sama mo! Hindi ka marunong mag-appreciate ng effort! Isusumbong kita kay Heimdall!" sigaw ni Raven na nagsisimula nang magtantrums.

Napatigil si Clark sa kanyang ginagawang pagtaktak ng kaserola sa trash bin nang marinig si Raven na banggitin ang kanyang tunay na pangalan.

"Si Heimdall, kahit kailan hindi sinaktan ang feelings ko!"

Napabuntong-hininga na lamang si Clark at napatingin kay Raven na taas-baba na ang balikat dahil sa tindi ng pag-iyak. Hindi niya alam kung sinasabi iyon ni Raven upang asarin siya dahil sa pagkaka-alam nito ay siya si Loki. Ngunit dahil nga hindi siya si Loki ay natutuwa siya na malaking bagay para kay Raven ang mga ginagawa niya. Ngunit nakaramdam parin siya ng konting guilt.

Hinawakan niya ang kaliwang balikat ni Raven gamit ang isa niyang kamay at iniangat niya naman ang baba nito gamit ang isa niyang kamay na may hawak na kaserolo. "Raven...sorry. Hindi ko gusto na balewalain ang effort mo, pero gusto ko lang ipaalam sa'yo na hindi nilalagyan ng asukal ang tinola...hindi ko nga alam kung may tinolang baboy," seryoso at puno ng sinseridad ang pagkakasabi niya.

"Bakit...parang si Heimdall ka na kung magsalita at kumilos?" parang batang tanong ni Raven. "Hindi mo 'ko tinatawag na Raven tuwing galit ka at may ginagawa akong mali."

Napapikit na lamang si Clark at napasabunot sa kanyang buhok. Hindi. Buhok pala ni Kaizer. "Hel, hindi ako galit. Wala ako sa mood dahil sa nangyari kanina. Magpadeliver nalang tayo ng pagkain."

"Daddy," sabat ni Dash na katabi si Leonard. "Wala tayong budget para magpadeliver."

"May natirang ingredients sa fridge," sabi ni Raven na nakangiti na. "Kung gusto niyo, magluluto ulit ako."

"Hindi!" sabay na sigaw nina Dash at Leonard.

"Bi-bisita ka dito sa amin, baby sis, hindi ka dapat mag-abala magluto para sa amin," pagsisinungaling ni Leonard na ayaw makita ang pagluluto ng nakababatang kapatid.

"Bumalik na kayo sa loob," sabat ni Clark na nakapamulsa. "Ako na ang bahala."

-*-*-

"Kulang sa design. Ano sa palagay niyo?" tanong ni Kaizer na kasama sina Hunter at Christian na nag-aayos ng bago 'niyang' kwarto.

Nakatingin naman sina Hunter at Christian sa paligid ng silid. Sa gitna ng silid ay may maliit na swimming pool, sa isang sulok naman matatagpuan ang isang imitation ng Eiffel tower na kasinlaki lamang ng isang 6-footer na tao. Sa itaas ay may chandelier.

"Kulang nga," komento ni Christian. "Pwede pakialis na 'yung swimming pool? Ito ang nakasira."

"Pati yung Eiffel tower, pakialis," dagdag pa ni Hunter.

"Mga hindi kayo marunong mag-appreciate ng art!" sabi ni Kaizer habang inaalis ang wallpaper na may disenyong Eiffel tower. Isinunod niyang alisin ang higanteng floor sticker na may disenyong swimming pool.

Itinuro ni Hunter ang kisame. "Yung sticker na chandelier, hindi mo ba aalisin?"

Umiling si Kaizer. "Tunay na chandelier 'yan, bro."

"Palagay ko, pwede na ang ganito," komento ni Christian na nahiga na lamang sa kama. "Simple lang. Mas gusto mo naman ng ganoon di ba?"

Umiling si Kaizer at biglang napaisip. Nasa katawan siya ni Clark, kailangan ba niya na umarte bilang si Clark?

Hindi. Ito na ang pagkakataon upang sirain ang pangalan ni Heimdall!

-*-*-

"Wow," sabay-sabay na sambit nila Raven, Leonard at Dash habang pinapanood si Clark na magluto. Bakas sa mga nanlalaking mga mata nila ang pagkamangha at pagtataka. Pagtataka kung paano at kailan pa natuto magluto ang kanilang ama.

Inilapag ni Clark ang kaserola sa gitna ng lamesa. "Simpleng adobo lang 'yan. Kain na."

Dali-daling sumandok ng kanin sina Leonard at Dash. Tila nag-uunahan ang dalawa sa pagkain habang si Raven ay dahan-dahan lamang na kumakain at si Clark ay tila nawalan ng gana sa pagkain.

"Nauna ako!" sigaw ni Dash na may tumatalsik pang mga butil ng kanin mula sa bibig.

"Ako!" protesta naman ni Leonard na pinipilit lunukin ang laman ng bibig.

"Ibig sabihin," sabat ni Raven na marahang ngumunguya ng piraso ng karne, "si Kaizer ang maghuhugas ng pinagkainan."

Sa buong buhay ni Heimdall, nasanay siyang mag-isa. Ngayon ay alam niya na ang pakiramdam na magkaroon ng isang magulong pamilya. Ang buhay ni Loki ay umiikot lamang sa pambababae, paggawa ng kalokohan at sa kanyang mga anak.

Gusto niya nang makaalis sa buhay na ito!

-*-*-

Dumating ang isang panibagong lunes. Nakatingin si Kaizer sa isang bagong full-body size mirror sa 'kanyang' silid.

Naninibago parin siya sa kanyang sarili. Maging siya ay natatakot sa bagong kulay ng kanyang mga mata at sa nakikita niyang mga pangil tuwing ngumingiti siya. Mukha na tuloy siyang bampira!

Pagdating niya sa McClendon University ay una niyang pinuntahan ang isang bagong lungga na kanyang binubuo para sa bagong Secret Gambling Association niya. Ang nasabing lugar ay matatagpuan sa isang abandonadong comfort room na malayo sa mga school buildings.

Nakangiti niyang binuksan ang lumang pinto. Doon ay natagpuan niya ang mga miyembro ng kanyang pasugalan. "Hello, bitches!" masigla niyang sigaw bilang pagbati.

Ngunit nagulat siya nang biglang magwala ang mga tao nang makita siya.

"Ang president! Patay tayo!" sigawan ng mga tao.

Nagmadali ang mga tao na lumabas sa pintuan kaya wala silang pakialam kung maitulak man nila o matapakan ang inaakala nilang si Clark. Hindi man lamang nila pinansin ang mga reklamo ng nakadapang si Kaizer na nasasaktan.

Matapos ang stampede ay nakaramdam si Kaizer ng isang daliri na sumusundot sa kanyang pisngi na may pasa. Napaangat ang kanyang ulo upang alamin kung sino iyon. Si James pala.

"Masakit ba gawing tulay?"

Hindi alam ni Kaizer kung nagbibiro lamang si James sa tanong na iyon. Kahit sino naman, alam na masakit gawing tulay at matapakan ng literal. Lalo na ang ibang mga babae ay may heels pa. Ngunit seryoso at walang emosyon ang mukha ni James nang tanungin niya iyon.

"Oo naman!" sarkastikong tugon ni Kaizer habang inaalalayan ni James na tumayo. "Masaya. Kung bibigyan nga ng second chance, gusto ko pa maulit!"

Isang mabilis na sipa ang muling nagpabagsak kay Kaizer.

"Wala ka ba talagang ibang alam gawin kundi gumawa ng kalokohan?" sigaw ni Clark na sunod-sunod ang ginawang pagtadyak kay Kaizer. Alam niyang nasasaktan ito ngunit hindi niya tinigilan. Katawan niya rin naman ang sinasaktan niya kaya nasa nasa win-win situation sila.

"Aray! Ow! Ouch! Sorry na!" sigaw ni Kaizer na mangiyak-ngiyak na.

Nakanganga naman si James habang pinanonood ang dalawa. Hindi ugali ni Loki na sumugod at umatake ng biglaan. Hindi rin naman ugali ni Heimdall ang umiyak at magmakaawa dahil sa nararamdamang pisikal na sakit, dahil mataas ang pain tolerance nito. Alam niya na mayroong hindi tama. Hindi niya lamang matukoy kung ano.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now